Chapter 62 Cherry's Pov Maaga akong nagising, gaya ng pangako ko, at nagluto ako ng sinigang na baboy para sa tanghalian. Tanghalian na nang nagmamadali akong pumunta sa work nang bigla akong napaatras nang makita kong pumasok si Danica sa opisina. Nagdalawang isip akong pumasok. Maya-maya, may nakita ako, kapwa nila pulis, at nilapitan ko sila. "Sir, puwede po ba akong humiling ng pabor?" sabi ko sa kanila habang nakatingin sa akin ‘yong lalaking kausap ko at ang mga pulis. "Oh Kilala kita. Kaibigan ka nila John." Biglang tumigil ang puso ko ng marinig ko ang pangalan ni John. "Ah, ako na," mahinang sabi ko sa kan'ya. "Excuse me, puwede mo bang ibigay ito kay Emz?" Tinignan niya ako ng seryoso. "Oh, ganoon ba? Ok lang." Kinuha niya ito sa akin. "Salamat. Alis na ako." Nagpaa

