CHAPTER19 JOHN'S POV “Finally, we were able to go out." Sigaw ni Emz habang papalapit kay Mark na kanina pa tahimik. "Okay ka lang, Mark, nandito tayo para hanapin ang mahal ni John." Napatingin na lang ako kay Emz nang tapikin si Mark. "Kunwari mo gusto mo ring makita ang kaibigan ni Cherry na si Sunny." Sabay asar din ni Emz sa kan'ya. Ang gulo ng dalawa; kung hindi ko lang sila kaibigan, iniwan ko na sila. "Teka, nasaan ba pupunta tayo? Kanina pa tayo naglalakad. Magpahinga muna tayo. Humanap muna tayo ng makakain." reklamo ni Mark. Tiningnan ko lang sila. Huminto kami, at may nakasalubong kaming grupo na naglalakad din. Lumapit ako sa kanila at nagtanong, may kakaiba kasi sa gubat na 'to. Napansin ko na pabalik na kami dito. Nagulat ako ng biglang umilaw ang kuwintas na bini

