Chapter 54 Cherry's Pov Namulat ako. Nagulat ako ng may yumakap sa akin na nakatalikod, hindi ko kasi makita ang mukha niya. Kinabahan, bigla akong napatayo ng walang sabi-sabi. Sinampal ko na lang kung sino man ang lalaking pumasok sa bahay ko. Nagulat ako ng bumangon siya, at napatigil ako nang makita ko si John. "Anong ginagawa mo dito? Paano ka nakapasok?" "I'm sorry, natakot lang ako na hindi ka lumabas, baka may nangyaring masama sayo," paliwanag ni John sa akin. "Kahit na, hindi ka pa rin makapasok." Niyakap niya ako. "Sorry, hindi na mauulit." "Hindi. Umalis ka na." Itutulak ko siya palayo. "Hindi ako aalis hangga't hindi ka sumasama; hindi ka dito nakatira; mahirap na may ibang humahaligid saiyo. Kaya ayusin mo muna gamit mo?" "Baliw ka na ba? Hindi ako makakasama."

