Chapter 48 Cherry's Pov “Oh, Cherry, andito ka na pala. nangyari sa’yo na nakasimangot ka." "Paano kasi nagkita kami ni Heaven kanina? Ano ang dapat kong gawin, Jackie?" Tumingin sa akin si Jackie na nakakunot ang noo. "Sino si Heaven?" "Kapatid ni John," mahinang sabi ko. "Sinong si John?" "Kailangan ko bang ipaliwanag ito sa'yo? Sino pa ba si John?" natatawa lang si Jackie ng bigla siyang humarap sa akin; seryoso siyang nakatitig sa akin. Nakakunot ang noo ko na nakatingin sa kaniya. Iba ang ngiti niya na parang alam ko na ang mangyayari. Tumingin ako sa paligid; hindi ko napansin si Ryan; buti na lang wala si Ryan panigurado na aasarin na naman ako. "Problema niyan. Ang liit talaga ng mundo mo. Akala mo makakatagpo ka ng mga taong malapit sa iyo. Teka, paano mo nakilala si

