"Hi everyone,i'm sorry nakaistorbo yata ako."Naku,maam hindi po,mabuti at nakabalik na kayo."Opo,salamat."Maam ipinagdadasal ka po namin,mabuti at gumaling na po kayo."Maraming salamat sa inyong lahat.Pasinsya na kayo at ngayon lang ako nagpakita after how many years."Maam Jia,marami pa po kaming dating empleyado ng mommy mo,dati ang liit mo pa ngayon ang ganda gandang dalaga."Hindi naman po,naku!nakakahiya na kay mr.Sandoval.Ituloy nyo nalang yong pinagmeetingan nyo,pumunta lang ako dito para makinig.Hindi ko naman inaasahan na nandito lahat mga regular employer ni mommy."Mr.Sandoval i'm sorry.
"Ok lang maam Jia,sige makinig nalang po kayo dyan para konti nalang i discuss ko sainyo mamaya.
Umupo lang ako sa gilid at nakikinig,ang galing ni Erros mag explain ng bawat detalye.May time na napapahanga nya talaga ako.Nagulat nalang ako ng tinapik niya ako sa balikat dahil tapos na pala sila.Nag excuse ang mga empleyado sa amin at nagsipagbalikan na sa kani kanilang pwesto sa trabaho.
"Kumusta Jia,hindi ka man lang nagpasabi na darating ka.Kailan kayo dumating?"Kahapon ng hapon,hindi na namin kayo inabala ng dad,alam kong busy kayo."Para sana nasundo namin kayo sa airport,matutuwa si Ethan nito na nandito kana."Halika doon tayo sa office mo na ginagamit ko pa.Ready ka na ba magtrabaho?"Oo handa na ako pero i need you here for how many days to guide and assist mo kung ok lang sayo."Oo naman,basta schedule ko dito every afternoon lang."Sige kahit every afternoon nalang din ako papasok,ay hindi pala nandito naman si dad pag umaga kahit s'ya nalang muna ang kasama ko."Pwede rin,umaga kasama mo si tito at ako sa hapon.Bakit pala wala s'ya?"Sabi nya susunod nalang s'ya may aasikasuhin lang daw."Kumusta na pakiramdam mo,ok na ba?wala kana bang nararamdaman?"Erros i'm ok na,that was 2 years ago,nakapag aral na nga ako sa U.S eh."Mabuti kung ganun,so nagresign kana sa dati mong trabaho?"Oo mas kailangan ako ng kompanya ngayon lalo na't matanda na si daddy."Oo nga naman saka kompanya mo ito,you need to give attention here.
"Oo nga pala dinner sa bahay mamaya,si dad na daw bahala magsabi kay tita Anelia para bonding na rin and pasasalamat sa natulong n'yo for us."Sure,para naman makalabas labas din kami,puro nalang kaya kami trabaho ni Ethan,nakalimutan ko na nga paano mag enjoy e."Ganun,siguro nahirapan ka dito sa kompanya."Hindi ah,ang saya nga dito e ang dami mong makasalamuha."Kung ganun may nakita kana?"Nakitang ano?"May nakasalamuha kanang kapalit ng ex mo."Wala pa nga e,baka ngayon mayroon na."Buti naman,hindi lang s'ya ang babae noh,aba mag asawa kana Erros 32 years old kana."Wala naman 'yan sa edad kahit 40 na ako mag asawa.
Ang sarap ng usapan namin ni Jia,hindi parin s'ya nagbago.Una ko syang nakita at ngayon ganun parin s'ya makioag usap masyadong pormal at kung ngumiti,alam mo yong piling na busog kana agad kahit hindi kapa kumakain.
"Erros thank you sa pag discuss ha,sana bukas madami pa akong matutunan."Bilib nga ako sa'yo ang bilis mong matuto."Dahil magaling kang magturo,madami ka pa bang gagawin?Gusto sanang mag ikot muna sa production."Ito nalang ang report tatapusin ko."Mauna na ako sayo,dadaan muna ako doon."Sige susunod ako.
Minamadali kong matapos ang report ko sa araw na ito para makasunod kay Jia sa production.Hindi mawala wala ang ngiti sa labi ko,parang hindi ako napagod sa araw ng ginawa ko.Dahil nandito na s'ya at nakakasama ko.Parang ang bilis ng oras at hindi ko man lang namalayan na uwian na pala.
Nahiya ako kay Erros na nakaabang lang sa kanya habang may ginagawa.Kaya naisipan kong mag ikot dito sa production.Ang daming mga nakabox sa gilid ang iba nasa forkleft na.Hindi ko pa kilala ang ibang managers,supervisors ang inspectors.Sila ang regular dito sa kompanya ang ibang regular ay ang mga tauhan pa dati ni mommy.Napadaan ako sa packaging area,naisipan kong manood muna sa ginagawa nila.
"Hi maam Jia good afternoon po."Hello,mahirap ba gawin 'yan?"Hindi naman po maam."Pwede pa try?"Yes maam,iyan po ang finished product ng ating foundation,nacheck na ng quality control at q.a kaya for packaging na."Maganda din,saka maayos ang pagkagawa.Sa laboratory ba ilang chemist amg nakaduty pag midshift?"Hindi ko lang alam maam,pwede nyo po itanong kay maam Diana siya po ang mid ngayon."Ok,anong pangalan mo?"Eruel Dela Cruz maam,bagong visor lang po ako dito."Kakapromote?Congrats!"Thank you maam Jia.."Sige,keep up the good work,pupunta lang akong laboratory."Sige maam,mag ingat po kayo d'yan sa gilid madaming naka stock na boxes."Salamat!
"Kainis ang ganda n'ya ang kinis ng mukha at parang dyosa."Oo nga Sir Ruel ang bait pa.Siya pala ang may ari noh ang simple lang nya."Oo nga e,balik sa trabaho baka makita tayo ni Maam Diana..
"Hi maam,may bawal po kayo sa area na ito."Yeah,sorry."May kailangan po kayo?"Itatanong ko lang kung ilang chemist ang nakaduty ngayon?"Every shift maam tag 20..Bakit po?"Hindi ba dapat mas marami sa midshift dahil busy at ang daming orders?"Actually maam 25 dapat kami kaso naka off yong 2 at ang tatlo naka leave."Dapat pala dagdagan pa sa mid ng lima pang chemist to make sure na matapos ang order."Iyon nga po sana maam,kaso parang walang pakialam ang manager namin dito ngayon."Who's the manager?"A..ako po ang manager nila,bakit po?"Name please?"Doctor Jett Valdez po."
"Jia why are you here?"Erros need ko lang malaman kung ok ba ang manpower dito sa lab dahil need nila nng pahinga din specially this shift."By way doc Jett i'm Jia Alexandra Gonzalez and i need your cooperation regarding sa manpower ng laboratory."Maam,kayo po pala.Sorry hindi ko a..alam na.."It's ok for me sana sa oras ng trabaho ay maayos kayo at hindi nahihirapan.Lalo na sa department na ito dahil kayo ang incharge na mapaganda ang produkto." I understand maam.Saka ito naman talaga sana ang sasabihin ko pag magkaroon kami ng meeting with the boss na magdagdag ng tao para mapabilis ang trabaho."Sige ako na bahala d'yan at maghire tayo ng lima para dito."Salamat maam Jia at maaksyonan mo agad."Sige doc Jett,pasinsya na sa istorbo at biglaan ang pagdaan ko dito."
"Sir Erros thank you din pala sa pagdagdag ng microscope dito,malaking tulong sa amin."Ok lang,gamit naman ng kompanya iyan."Mauna na kami."
"Bakit Erros nakulang ba sila ng Microscope?"noong si mr.Jackson pa daw kasi ang nandito,deadma ang mga nererequest nila.Kaya minsan na dedelay ang pagtapos ng trabaho nila."Kaya pala nagtaka si daddy noon na nakukulang sa budget lagi e may sariling pera ang kompanya."Binubulsa alam mo naman 'yon."Hkndinko pa kasi s'ya noon kilala.Malay ko ba,wala pa akong alam sa kompanya dati."Ngayon boss na boss kana Jia."Bagay ba?"hindi mo bagay,masyado kang simple lagyan mo naman ng pagka estrikta look."Ayaw ko ng ganun,ayaw kong matakot sila sa akin,dapat barakada lang kami dito.Walang boss boss.
Kakabilib talaga ang babaeng ito,simple pero rock...Nagpaalam na kami sa isa't isa dahil sinundo na sya ni tito Alejandro para makapagprepare pa dahil sa kanila kami magdidinner mamaya.Iyon pala ang inasikaso ng ama niya at dahil chief ito ay halos sa kanya lahat ang putaheng niluto.Umuwe na din agad ako sa mansyon para masundo na din sila auntie at Ethan.