Nagkatinginan kami ni Ethan senyales kung tutulungan ba namin ang taong ito na syang pinagkakatiwalaan ni auntie.Ethan has a lot of connection,mga kaibigan niya ang mga pulis ako naman ang mga malalaking tao sa politiko.Kaya siguro naisipan ni auntie na kami ang lapitan ng kapatid ko para sa taong matagal na niyang tinutulungan.
"Erros,Ethan sige na please mabuting tao si Alejandro.Namatay ang asawa niya nang wala s'ya at ngayon ang anak niya ay nasa panganib.
"Auntie hindi natin siya kilala,pati tayo ay malagay sa panganib kung tutulungan natin s'ya.Siya na din mismo nagsabi na malupit na kalaban ang pinsan niya at...Sir kakambal nyo po ba si Mr.Jackson Gonzalez,naalala ko na kasi kung sino ang kamukhang kamukha mo.
"Siya ang sinasabi kong pumatay sa akin at sinuwerte lang ako dahil napadaan ang auntie mo sa lugar kung saan niya ako binaril.
"Ano? Ibig mong sabihin si mr.Jackson ang nagtangka sa buhay mo?
"Oo Erros kaya alam kong nasa panganib din ngayon ang nag iisa kong anak.
"Pe...pero si mr.Jackson ay isa sa pinakamayamang tao dito sa bansa natin,may J.A cosmetics siya dito at sa ibang bansa na syang tinatangkilik ngayon.Auntie sigurado ba kayo?
"Iho,isa siyang impostor,si Alejandro ang tunay na may ari ng J.A cosmetics.
"Ginaya niya ang mukha ko,pumunta siya ng Korea noon para magpa plastic surgery pagkatapos niya akong barilin na inaakalang namatay na ako.Para hindi siya hanapan o tanungin ng asawa ko kung saan ako,kaya nagpanggap siyang ako.Pinaghahanap nya na din ako ngayon dahil natuklasan niyang buhay pa ako.
"Pero may anak siyang babae at 'yon ang initial name ng J.A cosmetics.
"Siya talaga ang anak ko,si Jackson ay may malaking gusto noon sa asawa ko na akala ko tanggap na niya na kami ang nagkatuluyan.Ampon lang siya dati ng mga magulang ko dahil namatay ang magulang niya sa isang aksedente na kapatid ng ama ko ang ama niya.Mula noon sa amin na siya nakatira.Magkaedad lang kami at super close kami noon,hindi ko naman alam na may binabalak s'ya sa amin ng pamilya ko.Sobrang mahal niya ang asawa ko kaya nagawa niyang ipagaya ang mukha ko.Gusto ko wala munang makakaalam na mga pulis o sino mang malalaking tao na buhay ako dahil nasa panganib ang anak ko."
"Pero anong tulong ang magagawa namin sa'yo sir?
"Ethan,Erros ibigay ko ang larawan ng anak ko sainyo baka pwede itago nyo muna s'ya habang ako naman ay lihim na kikilos para sa pinsan ko.Pinuprotektahan ko lang si Jia para din sa kanya ang lahat ng ito.
"Jia?
"Oo si Jia Alexandra sa kanya iniwan ng mommy niya ang J.A cosmetics .
"Oh Ethan bakit ka nakangiti d'yan.
"Wala auntie,sorry paano kasi ang daming Jia sa mundo ang dami ding Alexandra ngayon pinagsama pa ang pangalan niyang kakilala namin ni kuya.Ako kakilala ko si Alexandra kay kuya naman si Jia..Pero teka,Gonzalez ba kamo?
"Baka kaapilyedo nya lang at kapangalan.
"Kuya anong real name ng kakilala mong Jia?
"Hindi ko natanong e ang alam ko Jia lang.
"Tama na yan ikaw talaga Ethan pagdating sa babae.Seryoso ang pinag usapan natin.
"May picture ka po bang dala ng anak ninyo sir?
"Wa...wala e ang mayroon ako noong bata pa siya,5 years old lang siya noon e.
"Paano natin siya mahahanap niyan?
"Patingin baka wala naman siguro nagbago sa mukha niya.
"Ethan,malaking nagbago,ikaw nga noon ibang iba sa mukha mo ngayon.Dati cute ka ngayon nakakatacute...
"hahaha,si kuya nakakatawa ikaw nga e tabachingching noon ngayon,kita nyo naman auntie diba ang ganda ng katawan.Hindi na makilala.
"Manahimik kayong dalawa para kayong mga bata!
"Sorry po,alam mo naman kami ni Ethan pag nag asaran.Patingin po ng picture sir.
"Medyo malabo na e,iniingatan ko talaga 'yan kaso nabasa ng ulan.
"Maganda s'ya ang cute para siyang Kathryn Bernardo noong bata.
"Sige sir tutulungan ka namin,Ethan alam mo na..
"Opo boss, i know what to do.Kaya ikaw auntie magrelax ka lang ok?Tutulungan namin si sir..
"Tito nalang ang itawag ninyo sa akin,kakahiya naman na nagsi sir pa kayo.Maraming salamat sa tulong ninyo tatanawin ko itong utang na loob.
"Saka na po kayo magpasalamat pag nakita na namin si Jia Alexandra,atleast alam ko na na hindi mabuting tao si mr.Jackson,pinipilit pa naman namin syang maging investor ng itatayo naming hotel sa China dahil parating si mr.Kang.
"Sige mga iho maraming salamat,Erros sayo ko ipagkatiwala si Jia Alexandra kung makita nyo na s'ya.
"Basta hindi masungit at maldita ito tito ha,allergy pa naman ako sa mga babaeng maldita.
"Kay Ethan nalang kaya ninyo ipagkatiwala kasi madaming pagtagu-an to si Ethan may lahing daga kasi e.
"Kuya kanina kapa ha..Hindi ako pwede noh,maging busy na ako pag mapasagot ko na si Alexandra ko.
"Babaero ka talaga Ethan,sige na ako na bahala dito.
"Mauuna na din ako,ito ang contact no.ko Erros at Ethan pagnakita nyo na ang anak ko.Umatras na kasi ang dating bodyguard ko na siyang naghahanap dahil niyaya ng asawa niya sa probinsya nila.Kaya wala na akong pinagkatiwalaan sa anak ko.
"Ok po tito makaka-asa ka sa amin.
"Maraming salamat,Anelia thank you din sayo.
"Lagi lang ako nandito Alejandro para saiyo.Mag ingat ka sa pagdadrive.
"Ikaw auntie ha,may tinatago ka.Kung sa bagay biyudo na s'ya at si auntie dalaga parin.
"Manahimik ka nga Ethan,sinasali mo talaga ako sa kapilyuhan mo.45 na ako,wala na akong time sa mga ganyan!
"Sus si auntie e mukhang crush mo nga e.
"Tse! manahimik kang bata ka,makutusan na kita d'yan e.
Natawa na lamang ako sa auntie ko at sa kapatid ko.Naging pala isipan tuloy sa akin kung sino ang anak ni tito Alejandro.Nagpaalam nang umuwe ng condo niya si Ethan at bukas niya aasikasuhin ang pagtulong kay tito Alejandro.Ako naman ay nag umpisa na sa kaibigan kong detective na tulungan ako maghanap sa babaeng nag ngangalang Jia Alexandra Gonzalez.
"May kakilala akong Jia Alexandra pare actually kaklase ko ito noong high school.Last kita ko sa kanya that was 3 years ago, nang makapagtrabaho siya sa gobyerno.Hindi ko lang alam kung nandoon pa siya ngayon.Itatanong ko pare ha.Anu ba kailangan mo sa kanya,may atraso ba saiyo?Mabait naman ito pare at maganda din."Wala,wala siyang atraso sa akin,pinapahanap lang din siya ng kaibigan ko.
"Oh sige pare balitaan nalang kita.
Pagkatapos kong makausap si Philip ay nagpasya akong dalawin si Jia sa tinitirhan niya para makausap.Gusto ko din makalimutan na ang nangyari sa amin ni Yvone.Bakit parang naapakan ang ego ko,alam ko namang hindi ko pa talaga siya mahal pero bakit ang sakit,dahil ba lalaki ako at niloko lang ng isang babae?Sakay ng kotse ay pinaharurot ko nalang ito basta basta dahil linggo naman at walang trapik,hanggang nakarating na ako sa destinasyon ko.Paakyat na ako ng elevator ng may makasabay akong lalaki at hindi ako nagkamali siya ito,siya nagpupumilit noon kay Jia na sasama na sa kaniya.
"Excuse me sir,kilala kita ah.
"Ako po ba?
"Oo ikaw yong nag pumilit last week kay Jia sa Bagiuo na sumama nalang sayo.
"Oo ako nga ho,dahil napag -utusan lang ako ng ama nya.
"Bakit kailangan mo pa siyang pilitin e ama naman pala niya ang gustong kumausap sa kanya.Siya ang sadya ko ngayon dito.
"Wala po siya dito,kami ngayon ng anak ko ang nakatira sa unit niya.
"Ha,saan siya ngayon?
"Hindi ko alam basta ang sabi niya may hahanapin lang s'ya.Kung magkita kayo sa kanya ka nalang magtanong.Papasok na ako sa loob.
"Manong sandali!"
Mukhang close sila ni Jia dahil tinutulungan pa niya ito.Bumaba na ako dahil wala pala si Jia sa unit niya.Nang may isang babae akong nakitang nagmamadaling maglakad patungong parking lot..Agad ko naman itong hinabol dahil parang si Jia iyon,nagdamit panglalaki at nakasumbrero,nakita kaya niya ako at umiiwas siya sa akin?Sa anong dahilan?