Chapter 16

1040 Words
"Oras na may mangyari kay Jia ako mismo ang papatay sa'yo dito!Tandaan mo 'yan."Ethan enough,umuwe na tayo.Hayaan mo muna ako kuya,hindi pa ako tapos sa kanya!"Bakit gusto mondin ba maging kriminal kung mapatay mo s'ya?Hayaan mo na mabubulok na rin s'ya dito sa kulungan."Hindi mo ako naintindihan kuya e,gusto ko lang ihigante si Alexandra."Ethan lumalaban pa naman siya diba."Nakahanda ba din ang pasaporte natin,bibisitahin natin siya sa Amerika,si auntie na muna ang bahala sa kompanya.Alam din naman niya ang business nila Jia kaya pwede natin siyang bisitahin."Talaga kuya inayos mo na?"Oo at si auntie nagsabi na pwede tayong dumalaw.Siguro naman sapat na ang dalawang linggong pagbisita doon,dahil may iiwanan tayong trabaho dito."Salamat kuya at mapuntahan na natin siya doon." Parang bata ang kapatid ko ng marinig lang niyang pupunta kami sa Amerika ay tumigil na sa kakaiyak,batang binigyan lang ng lollipop ay tumahan na.Pati ako ay excited na din dahil mabisita ko din s'ya.Nagulat kami pareho ng may dumating na babae at pinagsusuntok si mr.Jackson.Nakita kong ngumingiti ang kapatid ko. "You know her?"Yes,best friend s'ya ni Alexandra."Francine,tama na iyan!nakailang suntok na ang natikman niyan mula sa akin."Ikaw pala Ethan,nanggigil kasi ako e.Hanggang ngayon wala pang malay si Jia dahil sa kanya."Aalis kami next day pupunta kaming U.S bibisitahin namin si Alexandra."Talaga?Baka sabay pa flight natin,next day din ang alis ko."Whoa,talaga!Si..sino siya?"Ah,siya si kuya Erros,kuya si Francine bff ni Alexandra."Hi,swerte naman ng bestfriend kl at may mga nagagwapuhang kaibigan." Ngumiti lang ako kay Francine na kaibigan ni Jia,maganda din ito at medyo chubby.Madaldal din at masarap kausap.Nagkataon pang magkasama kaming babyahe sa susunod na araw at same flight din.Hindi na mapakali ang kapatid ko excited na talaga ito at maagang naghanda ng gamit niya at akala mo doon na titira dahil isang maleta talaga ang gamit.May dala din siyang mga tsokolate at pastillas pasalubong kay Jia."Napailing nalang ako sa kapatid ko na nag aayos ng gamit at kumakanta pa. "Kuya ikaw,nakapagligpit ka na ba?"Bukas na,kontiblang naman dadalhin ko,ikaw yata may balak pang mag extend doon ah."Kung pwede sana."Pag-isipan ko ha,sa akin parin ang desisyon."Oo naman ikaw ang boss e."Loko ka talaga,maiwan na muna kita babalik pa ako sa factory dahil tapusin ko muna ang gawain ko doon bago tayo aalis.I endorse ko pa kay auntie ang mga dapat niyang gawin doon."Kawawa naman si auntie kuya dalawang kompanya asikasuhin niya."Kaya nga na dalawang linggo lang tayo doon dahil may mga trabaho tayo dito."Depende kuya,nandyan ka naman e,kahit ako lang mag extend doon tapos ikaw dalawang linggo lang."I will think about it,saka si Francine isang buwan ang bakasyon niya."Oy,naalala ni kuya si Francine,pretty din siya kuya malay mo."Manahimik ka nga wala sa vocabulary ko pa ang mag girlfriend ulit."Kung sa bagay,i feel you kuya. Nagkibit balikat na lamang ako sa kapatid ko.Agad kong tinapos ang trabaho ko dito sa factory at umuwe na para ma briefing ko kay auntie ang mga dapat gawin niya sa araw-araw.Nandito naman ang secretarya ko para i guide din s'ya. Handa na ang lahat nandito na kaming tatlo sa airport at hinihintay nalang makapasok sa loob ng eroplano.Hindi mapakali si Ethan,nag alala ito nang sobra.Kulang pa nga sa tulog at hindi masyadong makakain.Ako naman ay inaaliw ko nalang ang sarili ko,nagpapakalunod sa trabaho at may time pa na bigla nalang umiinit ang ulo ko.Masyado na akong stressed sa kakaisip at pag alala. "Be ready guys,lilipad na tayo."Francine bakit namumutla ka diyan?."Ethan kasi first time ko sumakay ng eroplano."Don't worry,itulog mo nalang."Nakakahiya sa kuya mo,ganyan ba talaga iyan ka seryoso?"Oo masasanay ka din dyan."Naku kung hindi lang gwapo 'yan hindi ko talaga pansinin 'yan.Takot kasi ako sa mga suplado na,napaka seryoso pa."Huwag ka maingay,masungit din 'yan."Takot naman ako,kabaliktaran mo pala ang kuya mo."Oo kaya 'wag ka nang maingay." Ngumiti nalang ako sa kanilang dalawa,magkatabi kami ni Ethan ng upuan at si Francine naman ay sa likuran niya.Matapos ang mahabang byahe ay nakarating na rin kami dito sa U.S.Hinihintay nalang namin ang susundo sa amin na pinadala ni tito Alejandro.Sa wakas ay dumating na rin,hindi na rin ako makapaghintay na makita si Jia.Anu na kaya ang hitsura niya pagkatapos ng isang taon at isang buwang tulog.Siguro pumayat na siya dahil hindi siya nakakain ng maayos.Pagkatapos ng kalahating oras na byahe ay nakarating na din kami sa bahay nila dito sa New york.Agad kaming sinalubong ni tito Alejandro na nakangiti. "Ang saya ko na nakarating kayo dito,kumusta na kayo?ok lang kami tito..sagot agad ni Ethan sa hinihingal na ama ni Jia."Kayo po kumusta?"Medyo ok na,at sino itong magandang dalaga na kasama ninyo?"Thanks sa compliment tito i'm Francine ang magandang bestfriend ni Jia."Naku,pasok kayo si Jia ayon mahimbing parin na natutulog.Hindi nga nagsasawa e,laging tulog."Ikaw talaga tito,pwede na ba namin siyang tingnan at gisingin?"nandoon pa ang doktor niya,mamaya nalang.Hinihintay ko din ang sasabihin niya tungkol sa development ng anak kong antukin.Oh ayan,lumabas na din s'ya. "Sir Alejandro, i'm sorry to tell you this but Jia is still the same.Her body isn't responding.And her pulse rate are weak.Only a miracle can survive her."Doc don't tell me that she has no chance to survive?"Yes,sir thats my observation to her.But don't give up,ok?"Thank you doc.Excuse us! Hindi ako maka paniwala sa narinig ko si Ethan  at Francine naman ay tumakbo kung saan naroon si Jia.Nadatnan ko silang kinakausap ito.Pumayat ito ng kaunti at tulog na tulog. "Jia best friend bangon ka na dyan oh,mamasyal tayo dito sa U.S.Diba pinag usapan pa natin  ito na papasyal tayo dito pag makaleave tayo sa trabaho at maging ok na kayo ng daddy mo?Nagulat ako ngbnalaman kong hindi mo pala tunay na daddy ang nakilala ko noong una.Nandito kami ni Ethan at ng kuya niyang suplado ngayon.Gising kana ah, para makapag bonding na tayo.Namiss na kita sobra!Alam mo ba sa office nalulungkot din sila,get well soon daw sabi nilang lahat lalo na silang kontra bidang katrabaho mo.Naaawa sa'yo.Magpakabait na daw sila basta gumaling ka lang.Pati si Andrew na may crush sayo namiss kana din daw niya.Ang daya mo kasi tagal mong gumising.Ethan bahala kana muna dito,hindi ko na matiis,naiiyak na talaga ako at naiihi pa.Tito saan po ang c.r ninyo?" Natawa nalang ako sa kaibigan ni Jia,ang kulit niya..Umupo ako saglit sa sofa,hindi ko pa kayang lumapit kay Jia.Awang awa ako sa kalagayan niya na ang daming tubong nakakabit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD