STEVIE'S POV "Tristan?" ang nasabi ko nang makita ko siya. "Shhhh!" senyales niyang 'wag akong maingay at pumasok siya sa dorm namin ni Tim. "A-anong ginagawa mo rito?" tanong ko. "Syempre para makita ka. Tumakas lang ako mula sa guard dahil bawal lumabas ng dorm." sagot niya. Sinigurado niyang naka-lock ang pinto bago lumapit sa akin. "Pormal muna akong magpapakilala sa 'yo bago may mangyari sa ating dalawa dahil ang awkward ng una nating pagkikita. I'm Tristan Navarro. Tawaging mo na lang ako kung anong gusto mo. Baby, cutiepie, love, sweetheart, handsome." pagpapakilala nito sa sarili na may halong yabang at kindat. Ang straightforward naman ng lalaking 'to. Harapan talaga niya akong nilalandi. "I'm Stevie Lisbo." pagpapakilala ko naman sa sarili ko. "Teka, paano mo nalamang dito

