Chapter 6 Selina’s POV Mariing akong pumikit at mahigpit kong hinawakan ang seatbelt na nasa aking katawan. S*it! Hahalikan pa yata ako ng lalaking ito! Wika ko sa isipan. Ngunit lumipas ang ilang segundo walang lumalapat na labi sa aking mga labi, at ang tanging narinig ko lang ay ang pag-click— tanda na tanggal na ang suot kong seatbelt. Mabilis pa sa alas-kwatrong nag-mulat ako ng mga mata. Nakangising mukha ni James ang nabungaran ko. Lihim kong pinagalitan ang aking sarili dahil sa pagkapahiya. “s**t ka talaga, Selina!” usal ko pa. Parang gusto kong lumubog na lamang sa kinauupuan ko. “Bakit nakapikit ka?” nakangisi pang tanong nito. “Akala mo siguro hahalikan kita ’no!” saad pa nito at tila inaasar pa ako sa aking pagkapahiya. “Ang kapal naman ng mukha mo ’no! Pumi

