Kinabukasan ay pinatawag ni Clement si Ace, "How was it?" Tanong ni Clement.
"Nirereview ko palang mga clips hindi pa ako nag eedit, kailan labas neto?" Tanong ni Ace.
"Kapag tapos mo iedit, rerelease yan as trailer." Sambit ni Clement.
"What the f**k? For real?" Gulat na tanong ni Ace at mukhang hindi expected na ilalabas agad.
"Hmm, kaya tinatanong kita." Sambit ni Clement.
"I'll edit it right away." Sambit ni Ace at lalabas na sana ng pinigil ni Clement.
"Edit that here." Sambit ni Clement kaya napangisi si Ace.
"Hindi talaga ako naniniwalang wala lang yang pang aasar mo sakanya." Sambit ni Ace ng makaupo muli.
"f**k off Ace." Masungit na sambit ni Clement na tinawanan lang ni Ace.
"I'm not lying though." Dagdag pa ni Ace, halatang nang aasar at natutuwa sa reaction na nakikita kay Clement.
"Just do your thing Ace." Seryosong sambit ni Clement kaya napataas ng dalawang kamay si Ace habang tumatawa.
"Okay okay." Sambit ni Ace.
While Ace is editing their music video ay pinatawag ni Clement si Paye.
"Paye, can you bring us breakfast here?"
"Yeah, me and Ace."
"Thank you." Sambit ni Clement.
"Wanna see the first clip?" Tanong ni Ace kay Clement.
"Bilis mo naman." Natatawang sambit ni Clement.
"Easy peasy." Tumatawang sambit ni Ace kay Clement.
"Alright let me see." Sambit ni Clement at tumayo na saka nilapitan si Ace.
"Woah" Gulat na sambit ni Clement dahil hindi niya iniexpect na ganon ang kalalabasan.
"You know what, let's just post a teaser after you edit the whole video." Sambit ni Clement at bumalik sa kaniyang kinauupuan.
He's trying his best not to smile para hindi siya asarin ng kaniyang kabigan.
"You can just smile if you want dúmbass, mukha kang timàng." Natatawang sambit ni Ace habang si Clement ay pinakitaan lang siya ng kaniyang middle finger.
Nagsimula na muli si Clement sa kaniyang work habang si Ace naman ay busy pa rin sa pag eedit.
***KNOCK*** ***KNOCK*** ****KNOCK***
"Come in!" Sigaw ni Clement kaya pumasok na si Paye at may tulak tulak na pagkain.
"Heavy meals?" Tanong ni Ace kaya tumango si Paye.
"Nag heheavy meal ka na?" Gulat na tanong ni Ace kay Clement.
Hindi kasi nag heheavy meals si Clement tuwing umaga noong magkasama pa sila ni Ace kaya laging gulat ngayon ni Ace na si Clement pa mismo nag request ng heavy meals.
"Nag heheavy meals ako, matic pag tungtong ng 7-9 am may heavy meals na. Ganon talaga pag tumatanda." Pabirong sambit ni Clement.
"Gàgo 27 palang tayo uy." Reklamo naman ni Ace.
"Lapit na mabura sa kalendaryo." Natatawang sambit ni Clement.
Hinayaan nilang maghain muna si Paye bago sila tumayo at naupo sa isa pang table.
"Paye did you eat breakfast?" Tanong ni Ace.
Tinanguan naman ito ni Paye at ngumiti, "Of course sir." Sambit ni Paye kaya ngumiti si Ace.
"Kamusta maging secretary ni Clement?" Tanong ni Ace.
"Masaya." Natatawang sambit ni Paye.
"Alis na po ako." Tumatawang sambit ni Paye at tuluyan ng nagpaalam para umalis.
"I'm still curious bakit 'Paye'?" Tanong ni Ace habang kumakain.
"He wants it, ayaw niya raw ng Patrick e." Natatawang sambit ni Clement.
"So Patrick name niya?" Gulat na tanong ni Ace.
Tumango naman si Clement, "Oo?" Patanong na sambit ni Clement.
"Paano mo nakilala?" Kuryosong tanong ni Ace.
"Sa japan, nakita ko siyang binubugbog at pinapalayas ng magulang niya, siguro dahil sa kasarian niya? Idk. I never asked. Nung una ay hinayaan ko, hindi ko pinansin kasi hindi naman ganto sa pinas mga ugali ng tao don." Natatawang sambit ni Clement.
"Pangalawang pagkikita namin, namamalimos nalang siya pagala gala tapos paminsan minsan sinasaktan, hindi na ako nakatiis. I asked him kung gusto niya sumama sa akin tutulungan ko siya." Sambit ni Clement.
"Wala ka pa rin pinagbago." Namamanghang sambit ni Ace.
"Nung natulungan ko siya, doon ko lang nalaman na kababayan pala, pinoy e. I asked him to be my secretary, ayusin niya lang at magiging permanente siya kaya ayan. Successful na." Tumatawang sambit ni Clement.
"Laki rin ng itinulong mo kay Paye." Gulat na sambit ni Ace.
"Maliit pa yon kumpara sa help na binibigay niya sa'kin." Dagdag ni Clement.
"Hindi mo naisip taas position niya?" Tanong ni Ace.
"Naisip, siya mismo may ayaw e." Sambit ni Clement.
"Huh? Tinanggihan? Wow." Gulat na sambit ni Ace.
"Kahit ako nagulat, ayaw niya raw kasi sanay na siya at mas gusto niya ang trabaho niya." Paliwanag ni Clement.
"Iba rin talaga secretary mo." Tumatawang sambit ni Ace.
"Hinayaan ko na, sakanya lang din naman ako comfortable saka bukod doon ayoko ng babaeng secretary." Seryosong sambit ni Clement.
"Sabagay. Paano ba yan? Yari na ako ha." Sambit ni Ace at muling bumalik sa kanina niyang pwesto para yariin ang ineedit.
Clement calls Paye again para ipaligpit ang pinagkainan.
"Thanks." Natatawang sambit ni Clement dahil may ibinulong si Paye sakanya.
"Mata mo." Bungad ni Clement kay Ace nang mapansin ang titig ni Ace kay Paye.
"Tàngina mo." Reklamo ni Ace dahil baka narinig ni Paye, nakakahiya.
"Tipo mo?" Tumatawang sambit ni Clement.
Paye likes Ace. Matagal na pero kanina lang umamin, yun din ang reason bakit tumatawa si Clement.
"Shut up." Reklamo ni Ace at nag iwas ng tingin.
"He's not straight Ace." Diretso at seryosong sambit ni Clement.
Natigilan naman si Ace at napatulala ng saglit, "You're not joking?" Tanong ni Ace kay Clement.
"Do I look like? Ilang taon ko na yan kasama, kaya nga pinalayas e. Sabog ka ba?" Reklamo ni Clement habang nakangisi.
Mukhang tama ang hinala niyang may gusto si Ace sa kaniyang secretary.
"Shut up." Sambit ni Ace at nag focus nalang sa pag eedit.
Clement being Clement, hindi niya titigilan ang kaibigan niya mapaamin lang. Palagi siyang may idea o paraan para mahuli ang mga kaibigan niya, walang lusot dahil kayang kaya niyang kuhanin sng kiliti mo.
"Payari na ako manahimik ka na." Reklamo ni Ace kay Clement na hanggang ngayon ay hindi tinitigilan si Ace.
"Pakita." Sambit ni Clement.
"Teaser lang iyo, taràntado ka e." Reklamo ni Ace at sinend kay Clement ang teaser.
"Mag abang ka rin ulól" Tumatawang sambit ni Ace kay Clement.
"Bawasan ko sahod mo e." Pananakot ni Clement.
"Lúl, akala mo wala akong ganti ayaw mo manahimik." Tumatawang sambit ni Ace kay Clement.
"Naka forward din yan sakanya." Sambit ni Ace.
Pinlay na ni Clement ang video at pinanood.
Teaser lang ito kaya hindi pa umabot ng isang minuto.
Sa video na yon makikita ang clips ng dagat, gitara at camera ni Clement at ang scene na nag aaway si Hazel at si Clement.
"Wow." Sambit ni Clement ng mapanood ang video.
"Let me see the full vid." Reklamo ni Clement.
"Sir Ace, sir Clement may sched daw po ng photoshoot si ma'am Hazel, hinahanap kayo." Sambit ni Paye.
"Shít oo nga pala, gàgo ka." Gulat na sambit ni Ace ng maalala.
"Sama ka?" Tanong agad ni Ace habang nagliligpit.
Thank God yari na edit niya at wala na siyang poproblemahin pa.
"Malamang." Tumatawang sambit ni Clement habang naghihintay.
"Tell them to get ready, on the way na kamo. Pagpunta ready to shoot na." Sambit ni Clement kaya mabilis na tumango si Paye at lumabas ng office.
"Ano theme ng photoshoot niyo ngayon? " Tanong ni Clement.
"Yung kahapon lang din, need natin maghapon na photoshoot kailangan niyong dalawa ng raw." Nakangising sambit ni Ace.
"Tàngina." Sambit ni Clement.
Ano ba 'tong pinasok ko. Tanong niya sa kaniyang sarili.
"Bakit kasama pa ako?" Takang tanong ni Clement.
"Malamang kasama ka sa music video diba?" Tumatawang tanong ni Ace kay Clement.
"After nung teaser na inilabas, ayang mga pictures muna ang isusunod." Paliwanag ni Ace ng makarating sila ni Clement sa lugar.
Tinaasan naman ng kilay ni Hazel si Clement ng makalapit sya.
As always, galit nanaman si Hazel sakanya.
"Umayos kayo, ayan nanaman yung away niyo namumuo." Reklamo ni Ace.