"Tapang mo sir." Natatawang sambit ni Paye matapos ang interview ni Clement.
"Inaasar ko lang." Tugon ni Clement habang tumatawa.
"For sure kapag nagkita nanaman kayo ay magagalit nanaman sayo yun." Sambit ni Paye habang naglalakad pabalik sa sasakyan.
"Palagi naman." Sambit ni Clement.
three austin's
Jayden: woah? who's the lucky unlucky girl?
Jace: pumunta ka lang cebu may natipuhan ka na? Naks sign na ito para puntahan ka.
Clement: wala mga gágo!
Jayden: may nababasa ka kuya Jace?
Jace: wala, grabe box box lang kuya Clement hays.
Binitawan na ni Clement ang kaniyang telepono bago pa siya tuluyang mapikon ng dalawa niyang kapatid.
"May photoshoot ba ngayon?" Tanong ni Clement habang bumabyahe sila pabalik sa company.
"Rest day daw po ni Hazel hanggang bukas." Tugon ni Paye kaya tumango lang si Clement.
"Jace will come I don't know if today or tomorrow basta kapag may naghanap sakin papasukin mo nalang sa office. Doon ako mag stay.
Nang makarating sila Clement sa company at dumiretso na siya sa office niya. Marami pa siyang kailangang tapusin dahil ipinadala niya sa Cebu ang trabaho niya sa Manila.
"Paye, we'll stay here for a while. Pasabi sa manila magpadala ng gamit natin or if you want ikaw ang kumuha." Sambit ni Clement.
"Noted sir." Nakangiting sambit ni Paye bago lumabas ng office ni Clement.
Tahimik lang si Clement habang pumipirma ng mga papeles, maya maya pa ay walang katok katok na pumasok ang isang matangkad na babae sa kaniyang office kasunod ang kaniyang secretary.
"Hindi ko maawat sir, galit e." Sambit ni Paye.
Tumango lang si Clement at itinuon ang atensyon kay Hazel.
Mabilis na napangisi si Clement ng makita si Hazel, "Why are you here?" Tanong nito.
"Are you for real? Describing me as your fúcking type? You gotta be kidding me." Galit na sambit ni Hazel.
"Woah, chill! Wala akong sinabing pangalan bakit nag rereact ka?" Natatawang sambit ni Clement.
He knew Hazel would do this, expected na niya.
"Shut up jérk." Inis na sambit ni Hazel.
"We both knew na ako yon, why?" Seryosong sambit ni Hazel.
"How can you be so sure Hazel? Pangatlong beses palang tayong nagkikita at nagkakausap ah." Pag mamaang maangan ni Clement.
Clement was enjoying how Hazel was mad at him dahil lang sa pag decribe niya sa type niya kuno.
"Dàmn you." Galit na sambit ni Hazel.
"Hazel, calm down. Wala akong binanggit na tao sa interview and also, how can you be so sure na ikaw ang tinutukot ko? Hindi lang naman ikaw ang babaeng nakakasalamuha ko na pwede kong maging type." Sambit ni Clement na ikinaawang ng bibig ni Hazel.
"Liar." Galit na galit na sambit ni Hazel habang nakakuyom ang kaniyang mga kamay.
"I'm not lying, hindi lang ikaw ang babaeng may ganoong ugali Hazel. Wake up. And as your boss, you need to respect me." Sambit ni Clement.
He doesn't have a choice kung hindi gamitin ang boss privilege niya dahil kung hindi ay baka mas lalong kumulo ang dugo ni Hazel sakanya.
"Clement." Madiin na sambit ni Hazel.
Binaling na ni Clement ang tingin at atensyon niya sa maraming paper works na naka tambak sa kaniyang lamesa.
"You can leave now, I have so many paper works to do Ms. Pierce." Pormal na sambit ni Clement na ikinagulat ni Hazel.
"What a jérk." Rinig ni Clement na bulong ni Hazel bago tuluyang lumabas ng kaniyang office.
Mukhang napiga nga ni Clement si Hazel pero who cares? Nag sisimula palang siya.
"Hi brother!" Sigaw ng kakapasok lang na si Jace.
"Buti naisipan mo pang magpakita sa'kin." Masungit na sambit ni Clement.
"Syempre, sino yung girl na tinutukoy mo? Balitang balita sa buong company ah?" Mapang asar na sambit ni Jace.
"Wala, I'm just joking about that. I'm too busy at my work at wala akong panahon para diyan." Seryosong sambit ni Clement na ikinatawa ni Jace.
"Tatanda kang binata niyan sige ka." Sambit ni Jace.
"The f**k?" Sambit ni Clement at nag angat ng tingin kay Jace.
"Chill." Bawi ni Jace sa sinabi niya.
"Ikaw ang kamusta, tinakasan mo raw sila Mommy for what?" Taas kilay na tanong ni Clement sa kapatid niya.
"Wala lang." Bored na sambit ni Jace at naupo sa bangkuan na nasa harap ng lamesa ni Clement.
"Liar." Sagot ni Clement.
"Okay okay, may nililigawan ako and she's here in cebu. Sinundan ko lang pero dahil nalaman nila Mommy na tumakas ako, binigyan ba naman ako ng sandamakmak na paper works." Nakangusong sambit ni Jace.
"Deserve." Natatawang sambit ni Clement.
"Kailan ko mameet yan?" Tanong ni Clement.
"Saka na kapag sure na." Natatawang sambit ni Jace.
"I'll leave na, nangamusta lang ako wala naman pala mapapala." Reklamo ni Jace.
"Àsshole." Sambit ni Clement bago makaalis si Jace.
"Sir." Sambit ni Paye.
"What?" Tanong ni Clement.
"May emergency photoshoot po sila Hazel right now, gusto po ng photographer na sabihan kayo at kung sakanila ay kayo ang mag direct. It's for her debut album pa rin daw." Sambit ni Paye.
"Alright." Mabilis na sambit ni Clement at tinigil na ang kaniyang ginagawa.
One thing about him ay mula noong nakilala si Hazel ay kahit gaano pa kadami o kabusy ang schedule at work niya ay nagagawan niya ng paraan as long as si Hazel ang usapan.
Aminin man ni Clement sa sarili niya o hindi ay alam niyang nagsisimula na siyang magkagusto kay Hazel.
Nang makarating sila sa lugar ay halatang nagulat si Hazel.
"Clement." Nakangiting sambit ng photographer.
"What do you want?" Taas kilay na sambit ni Clement sa photographer.
"Ikaw mag guide, wala manager ni Hazel e. Mag isa ko lang din." Sambit ng photographer na ikinagulat ni Hazel.
"Wait, no." Mabilis na sambit ni Hazel.
"What's the theme?" Tanong ni Clement.
"R18 bilin ni mama diyan e." Sambit ng photographer at tinutukoy ang manager ni Hazel.
"Hazel kailangan mong sumunod, wala kang choice." Bulong ni Sha kay Hazel.
"We can switch, I'll be the photographer and you'll guide her." Suhestiyon ni Clement.
"Good idea." Sambit ng photographer at iniabot kay Clement ang camera.
Pumwesto na si Clement sa harap ng camera habang nakangisi kay Hazel, nang aasar muli.
"Okay Hazel, I need you to look at the camera. Fierce lang ha. Seryoso." Sambit ni Ace, photographer.
Sinunod ito ni Hazel at kinuhanan naman siya ni Clement.
Habang kinukuhanan ni Clement ng picture si Hazel ay hindi niya maiwasang mamangha.
Mukha namang mabait at inosente si Hazel kapag seryoso, pero kapag hindi ay mala dragon nanaman ang ugali sakanya.
"Focus Hazel!" Sigaw ni Ace na nakapag pabalik sa ulirat ni Clement.
"Rest for a while then change your clothes, next scenes tayo." Sambit ni Ace.
Inabot naman ni Clement ang camera kay Ace at nireview nila pareho ang mga kuha na litrato.
"f**k men, walang kupas." Namamanghang sambit ni Ace habang tinitignan ang mga litratong kinuha ni Clement.
"Mas magaling ka pa sakin." Biro ni Ace na ikinatawa ni Clement.
"Hazel wanna take a look?" Tanong ni Ace kaya tumango si Hazel at lumapit.
"Wow." Ang tanging nasambit ni Hazel.
Mahina man ito ay hindi ito nakaligtas sa pandinig ni Clement kaya napangisi siya.
"Next scenes na." Sambit ni Clement kaya napairap si Hazel.
"Hindi naman 'to rush, kung makapag madali ka." Walang galang na sambit ni Hazel kay Clement.
"So what? I am the photographer here. Ako ang masusunod." Mayabang na sambit ni Clement kaya napairap si Hazel.
"Palit ka na." Aya ni Kia kay Hazel kaya nagpunta na sila sa cr.
"Inaasar mo nanaman, kaya laging pikon sa'yo e." Sambit ni Ace kay Clement.
"Ayos lang, nakakatuwa reaction niya. Nag eenjoy ako." Sambit ni Clement.
Maya maya pa ay lumabas na si Hazel, wearing a bikini.
Napatitig si Clement pero hindi niya pinahalata.
"Okay ready." Sambit ni Ace kaya tumango ang dalawa.
"Smile Hazel." Sambit ni Clement at kinuhan na muli ng sunod sunod na shots sa magkakaibang angle si Hazel.
Hazel does have a curvy body, hindi expected ni Clement na may ganitong scene kaya medyo nagulat siya but thank God ang nakapansin lang ay si Ace at Paye, or so they thought?
"Akala mo ah." Bulong ni Ace matapos ang photo shoot ni Hazel.
"Tàngina mo." Sambit ni Clement bago tuluyang umalis.