Fier's POV "So dito ka nakatira?", tanong ko kay Maxene. "Yep", sagot nya. "Anlaki naman ata nito. Ikaw lang ba mag-isa dito?", tanong ni Karlos. "Opo ehh" "Nasaan ang pamilya mo?", tanong ni Jared. "Ahh sila po? Patay na", malungkot niyang sabi. "Stop that 'po' thing",utos ni Hera. "Hehe, sige po-este sige." "Bakit naman sila namatay?", takang tanong ni Xai. "Pinatay sila ng mga taga-Skotadi Kingdom" "Bakit naman sila pinatay?", sunod naman na tanong ni Airice. "Para makuha ang mga batong ito", sabi niya sabay pakita ng 2 maliliit na treasure box. Kinuha niya ang bato doon at binigay kay Hera. "Sabi ng lola ko, ibigay ko daw po iyan sa inyo." Tumango lang sa kaniya si Hera at binuksa ang mga bato. Nagkuwentuhan lang kami hanggang magdilim na. "Uwi na kami", pagpapaalam ko na

