Why am I crying? Why the sudden falling of tears?
I looked intently at the sea infront of me. Unti-unti akong nagbuntong hininga upang kontrolin ang nagdadagsaang emosyon sa puso ko. Naguguluhan. Nasasaktan. Nalulungkot. Naghalo na sa bawat pitik ng orasan.
"Hey" Mahinahon ang kanyang tinig. Puno rin ito ng pag-aalala. "Gianne, please talk to me". He pleaded. Ngunit hindi siya makalapit.
Marahil ay nakita niya ang mga nakayukom na kamao ko. Punot ng pait. Puno ng galit. Maski sa sarili ko ay hindi alam ang nararamdaman at iisipin.
Nakatayo lang ako na ni isang hakbang hindi magawa. Sa paglipas ng segundo, unti-unting lumambot ang tensyon sa puso ko. Kalma, Gianne. Kalma. Paulit-ulit ko iyong sinasabi sa sarili. Nakatulong naman ito ngunit hindi ko na mapigilan ang paghikbi.
Makalipas pa ang ilang minuto, lumapit si Darren at hinarap ako. Agad rumehistro sa mukha niya ang pag-aalala at pagsisisi.
Para saan? Dahil nagsinungaling siya sa akin? Dahil pinaasa niya ako sa mga binibitawan niyang salita? How come I fell for his stupid game. Slowly I was giving him a damn chance. For a second, I didn't want to continue my revenge plan because I saw something in him. By what now?
Niyakap niya ako. Hindi ko pa rin ibinubuka ang bibig ko dahil ayokong magtanong o magsalita na maaaring makasakit ako ng damdamin niya. Really Gianne?
"Hush now, my princess. I'm sorry, okay? I'm so sorry," He said.
Humihingi siya ng tawad? Ibig sabihin ba nito na tama ang hinala ko?
Inaya niya ako sa upuang bato upang mas kumalma pa. Pinaupo niya ako doon at siya naman ay nakatayo lang sa harap ko habang hawak ang mga kamay ko. Nakatingin lamang siya doon na parang inaanalisang mabuti kung gano karaming talsik ng mantika mula sa pagluluto ang natamo ko.
Unti-unti niyang inaangat ang mata niya patungo sa akin.
"You know," that damn smile that made my heart skipped a beat. "You always overthink and conclude things on your own. Dapat talaga lagi mo akong kasama. Sa bahay mo na kaya ako mag-stay?" He winked at me as if this is one of those normal days.
Aba tinatawagan niya pa ako! Kumunot ang kilay ko. Arogante talaga itong lalaking ito.
Hinahid niya ang natitirang basa sa pisngi ko. "Why you're crying?" He asked again.
Bumuntong hininga ako bago sumagot. "Bakit?"
He smirked.
Tinabig ko ang kamay niya at aktong balak nang bumaba sa batong upuan nang pigilan niya ako. "Hindi ka naman mabiro. Hindi ko kasi alam bakit ka umiiyak. Tapos tatanungin mo ako na Bakit? If you're asking me dahil nandirito ako sa mall, ofcourse because this is a shopping place. At kung itatanong mo rin kung bakit may kasama ako? That's my sister." A smiled skipped from his face. Is he enjoying this?
"Kung sino ang dapat magtaka dito, ako iyon. I saw Pier. He is with you, right?" Then his face changed its expression instantly.
Hindi ako makapagsalita. Kapatid? Siya may kapatid? Napayuko na lamang ako. Nahihiya sa katangahang pinakita ko. Ito talaga ang isa sa mga mali kong nagagawa. Mabilis magpakita ng emosyon at mag-conclude ng mga bagay-bagay.
Pilit itinataas ni Darren ang mukha ko ngunit pinatitigas ko ang leeg ko upang hindi niya ito maiangat. Sa huli niyakap niya na lang ako habang tumatawa.
"Ibig sabihin ba nito tayo na? Gusto mo ako. Gusto rin kita. Ano pa bang hinihintay natin?" Natatawa pa rin niyang sabi.
Oh my gosh! Napalunok ako.
Yakap yakap niya lang ako at hindi binibitawan. Pinagpatuloy lang niya ang pagsasalita.
"I realized that, bakit ko pa patatagalin na ipakita sayong mahalaga ka sa akin kung kaya ko naman na gawin iyon ngayon." Pinutol niya ang yakap at sana siya naupo sa tabi ko. Pinaharap niya ako sa dagat. Hinawakan ang kanang kamay ko at tumingin din sa dagat.
"When we were in college, i don't like you. Not to the point na pinapahiya na kita. When I realized that I have feelings po you, doon na ako gumawa ng paraan para mapansin mo. Hindi ko naman intention na mapahiya ka sa klase. Kaya lang kasi ikaw rin may kasalanan." Natatawa niyang sabi. "Hindi ko alam kung dahil ba mahina ka talaga sa mga subjects noon o talagang parang tinitikis mo lang ang mga prof natin kaya hindi mo inaaral ang lessons. Either way, pumasa ka."
"I want to be with you. I want to start now being with you. If that's okay." He squeezed my hand asking for assurance.
For the first time in my life, I will be doing this for my own happiness.
I cupped his face and faced him to me. I slowly leaned forward as I looked directly to his eyes. And at that very moment. I acted to say yes. I kissed him giving my full assurance and my trust. Hoping we will hold each other's hearts until our last here on earth.
--
Tumunog ang alarm clock ng cellphone ko. Kinuha ko iyon malapit sa table na katabi ng kama ko. Napangiti ako. Ang alarm clock na tinutukoy ko ay ang tawag ni Darren. Saktong alas sais ng umaga ang karaniwang tawag niya sa akin simula nang maging kami. Napahawak ako sa dibdib ko at saka napangiti ulit ng matamis. Kung haharap ako sa salamin ngayon, siguradong mukha akong asong ulol kung makangiti.
Tumikhim ako bago sinagot ang tawag. "Hello?".
"Hey," ngisi niya sa kabilang linya. "Good morning, my princess. How's your sleep?" Tanong niya.
"Ayos lang naman. Kumain ka na?" Nakangiti kong sagot.
"Nope. I was going to ask you if I can steal your day?"
Napangiti ako lalo. May kasama nang mahinang halakhak. "Why?"
"You know, this is our first monthsary. I want it to celebrate". Alam kong nakangiti pa rin naman siya pero nang banggitin niya ang araw na iyon, napasampal ako sa noo.
I forgot! Napakatanga mo, Gianne!
"Happy monthsary." He continued.
"Happy monthsary, Babe." Pambawi ko. Bakit nakalimutan ko?
"I'll be there at ten this morning. If it's okay with your sched?"
"Sure, no problem. I'll prepare first. See you", then we hung up.
Napabangon ako agad na halos tumalon na sa kama. Kailangan kong makaisip ng paraan para makabawi. Alam kong nahalata niya na nakalimutan ko ang mahalagang araw ngayon.
Dali-dali akong nagpunta sa kusina upang tingnan kung may maari ba akong mailuto. Natanaw ko na may ingredients naman ako para mag-carbonara pasta at kare-kare. Ang mayroon lang ako ay iyong nabibiling powder lang sa grocery store na pang-kare-kare. Tumingin ako sa orasan sa salas. Mayroon pa ako halos apat na oras para makapagluto.
Isang nadiskubre ko sa isang buwan na magkasama kami ni Darren, gustung-gusto niyang nilulutuan ko siya. Ang mga paborito niya na ilan sa mga niluluto ko ay kare-kare kung kaya mayroon ako madalas rekados dito sa bahay. Dahil espesyal ang araw na ito, ipagluluto ko siya.
Nag-umpisa na akong maghiwa at magluto. Habang nagpapakulo ako ng pasta, gumagawa naman na ako ng sauce. Matapos niyon ay sinunod ko na ang kare-kare na lutuin. Nagsaing na rin ako. Gumawa ng pineapple juice dahil paborito niya iyo. At pinalamig ko ang Red Wine. Lahat ito ay paborito niya. Nang makapag-ayos na ako ng dining table, naligo na ako. May isang oras pa para makapag-ayos ng sarili. Naglagay lang ako ng lipstick, blush on, marcara, light eyeshadow at nagkilay. Sinuot ko ang 90's highwaist maong pants ko na tinernohan ng black halter sleeveless top. White converse rubber shoes at white belt bag na ginawa kong shoulder bag. Gumamit din ako ng black belt para sakto ang higpit ng pantalon ko.
Nang mapatuyo ko ang buhok ko, bumaba na ako upang hintayin si Darren. Alas nueve cincuenta nang may nagdoorbell. Pagsilip ko sa gate, si Darren nga ang nakita ko.
Agad akong tumalima upang buksan ang pinto at salubungin siya. Bumungad sa akin ang isang bouquet ng asul na tulips at paper bag na siguradong regalo niya. Inabot niya sa akin ang mga iyon at hinalikan ako mula sa noo, ilong hanggang sa labi. Ibaba pa nga niya sana ang halik hanggang sa leeg ko ngunit pinigilan ko siya nang makangiti. Nginuso ko ang mga kapitbahay na maaaring makita kami.
"Let's continue later," he smirked.
Pumasok kami sa loob dahil inaya ko muna siya. Ang gusto nga niya ako umalis na kami kaagad pero pinigilan ko muna siya. Aalis naman kami pero gusto ko muna kumain kami bago umalis. Nabanggit niya na kasi sa akin na gusto niyang magpunta sa Intramuros para mamasyal. Kaya mas okay na dito na lang kumain para tipid.
Pagpasok sa loob ng bahay, matamis na ngiti ang kumawala sa mukha ni Darren. Totoo nga ang kasabihan na "The way to a man's heart is through his stomach". Bumaling siya ng tingin sakin at saka niya sinuklian ng matamis na halik ang supresa ko.
"Thank you. I love you", he sincerely said. I mouthed I love you too.
Sa totoo lang hindi naman ito surpresa dahil palagi ko naman siyang pinagluluto. Inaya ko siyang maupo na matapos kong ibaba ang mga bigay niya sa tabi ng plato ko.
Tinulungan niya akong maupo na lalong nagpangiti sa akin at ganoon din siya.
Inabot nya ang kamay ko upang magdasal. Ito ang isa pa sa mga nadiskubre ko kay Darren. He makes sure na nagpapasalamat siya sa mga bagay na natatanggap niya. Ang akala ko nga ay talagang masama ang ugali niya. Pero maskara lang pala niya iyon lalo na sa mga hindi pa nakakakilala sa kanya.
Matapos magdasal ay kumain na kami. Kumuha ako ng remembrance ng araw na ito kung kaya kinuhanan ko siya ng litrato habang kumakain kasama ang bulaklak at regalo niya sa akin.
Halata sa mukha niya na nasarapan siya dahil sa bukod sa nakikita ko na ang ebidensya, naririnig ko pa ang mga sambit niya kung gaano ako kasarap magluto. Napangiti tuloy ako ng lihim.
"Babe, pwede ko na ba buksan 'yong bigay mo?" Tanong ko habang kumakain.
"Mamaya na kapag nakauwi na ako. Buksan mo kapag ikaw lang mag-isa," nakangiti niyang sagot.
Tumango na lang ako bilang sagot.
Nang matapos na kaming kumain ay tinulungan muna niya akong magligpit ng pinagkainan. Kinuha ko naman ang ice cream sa ref para panghimagas. Naupo kami sa sofa at binuksan ko ang telebisyon. Nanuod kami ng pelikula na Lucky One na isa sa movie adaptation ng nobela ni Nicholas Sparks.
Tahimik lang kaming nanunuod nang mapunta na ang eksena sa barn kung saan ay may love scene na naganap. Kinabahan ako. Hindi ko alam kung dahil ba sa katabi ko o dahil nga sa katabi ko na kasama kong nanunuod ng ganitong eksena. Napansin ko rin na bahagyang kumislot si Darren papalayo sa akin. Kinakabahan na rin ata siya.
Sa hindi ko malamang dahilan at sa naglalarong kaisipan ko, hinawakan ko ang kamay niya. Piniga ko iyon na tila pagpapahiwatig. Para bang nawala ako sa isip na bigla ko na lang ginaya ang position ni Zac Efron at Taylor Schilling. Tumayo ako at sinakyan sya hita nang nakaharap sa kanya. Wala siyang nagawa kundi ang tingnan lang ako sa mata. Rumehistro ang napakapilyo kong ngiti.
Walang ilang segundo, sinakop ko ang mga labi niya. Idinikit ang dibdib ko sa katawan niya at ininda-indayog ang aking baywang. Nanigas ang buo niyang katawan. I caught him off guard.
Kinuha ko ang kamay niya at pinalupot ko iyon sa katawan ko habang patuloy lang ako sa paghalik sa kanya. Ang lambot ng labi niya na parang alagang-alaga. Napakasarap na para akong mababaliw.
Sa mapaglaro kong isip, tumigil ako sa pahalik sa kanya. Nakatitig lang ang mga mata niyang may pagtutol. Ngumisi ako at saka naupo ulit ng maayos sa tabi niya.
Tumayo ako at pinatay ang telebisyon. Nang lingunin ko siyang muli, ganoon pa rin ang posisyon niya. Naestatwa na roon. Hindi gumagalaw at nakatingin sa parang. Nakatulala siya.
Nilapitan ko siya at pinahawak ko ang kamay niyag iyon sa hita ko. Lalong mamurirat ang mga mata niya kung saan ko nilagay ang kamay niya. Doon lamang siya nakatingin.
"Babe, di'ba sabi mo aalis tayo? Tara na," ito na siguro ang pinakamaharot kong tono ng pagsasalita.
Napayuko siya na siya namang tahimik kong tawa.
"Humanda ka sa akin kapag ako ang gumanti. You'll pay for this, Babe. And that will cost everything,"
At saka siya lumabas ng bahay. Ako naman ang natulala. Damn it. Wrong move, Gianne. Ako ang mas kinakabahan ngayon.
----
Lady Micadel @ 2020
----