PROLOGUE

204 Words
Kapag mayaman ka, marami kang pera, maganda at malaki ang bahay mo. Pero kapag mahirap ka, butas ang bulsa, masikip at maliit lang ang bahay mo katulad ng kubo.   May private school para sa mga mayayaman. May public school  para naman sa mga mahihirap.   Tuwing summer, silang mayayaman pumupunta sa mga resort o beach, kaming mahihirap pumupunta naman sa ilog, at mag lalaba na rin. Kung sila ay may washing machine at dryer, kami naman ay may batya, tabla, at fishnet.   Sila naka aircon, kami naman ay naka pamaypay na karton lang. Sila naka friedchicken, kami naman ay naka fried tuyo o kaya fried dilis. Minsan nga asin nalang na may konting tubig, para may sabaw.   May kotse o sasakyan para sa mga may pera, at may kariton naman na para sa mga walang pera. Pwede mo pang gamitin sa pangangalakal ang kariton, pero ang kotse hindi di ba?   Sa inomin? Sila nakamineral, kami sapat na sa'min ang tubig mula sa bukal sa tabi ng ilog. Sorry wala kase kaming gripo, poor kami eh.   Mahirap bang maging mahirap?   Sa tingin ko kase, sanayan lang iyan lalo na kung walang wala talaga kayo... Eh ang maging mayaman kaya? Ano kaya ang pakiramdam ng maraming pera?  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD