"Engot, kunin mo iyong helmet na suot ko, at isuot mo."
"Bakit naman ha?"
"Mas importante ka, kaysa s'kin."
"Back to normal kana ba shojin? Nawala na ba ang mga sungay mo?"
"Tss!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! Bakit ba sumama ka pa kay clinx?!"
"Kase mabait sya, at hindi ko sya mahindian. Ang akala ko minamahal mo sya, iyon pala..
Pinsan mo pala sya.."
"Boplax, kilala mo naman kung sino ang mahal ko di ba."
"Si sabuya? Ang bait din nya, parang mahal ka pa rin nya. Balikan mo kaya sya."
Bigla syang napa preno, dahilan para mapasubsob ako sa likod nya.
"Tanga ka ba, o nag tatanga tangahan lang?"
"Ano bang problema mo, at bigla bigla kang humihinto?"
"Anak ng pitongpu't pitong tupa!!!!!!!!!!!!!!! Mamaya makikilala mo ang tunay na ako!."
"Oi, natakot naman ako sayo. Hindi porke't mayaman ka dapat ka ng katakutan."
"Iyan ang gusto ko sayo, tatanga tanga pero palaban."
"Hwag mo nga akong tinatanga tanga dyan!"
"Hwag ka ng umimik, dahil bumabaho ang sariwang hangin na nalalanghap ko."
Kinuha ko iyong helmet nya, at isinuot ko.
Tapos..
Sinabunutan ko sya.
Sumosobra na kase sya.
"Tamanaaaaaaaa!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! Namumuro kana s'kin engot!"
"Makapal pa sa pera mo, ang pag mumukha mo! At kasing tigas naman ng sampong piso ni Gloria ang ugali mo!"
Hindi ko na sya inimikan, hanggang sa maihatid na nya ako.
Kukunin ko na sana sa bulsa ko ang susi ko, ng maalala ko iyong mga damit ko na naiwan ko sa shop.
"Oh, ano na? Gusto mo bang humingi ng good night kiss at hug s'kin? Kaya hindi ka pa pumapasok sa loob?"
"Iyong.. Susi ko at iyong mga damit ko..... Naiwan ko sa shop nung.. Ayusan at, pag palitin ako ni clinx.. Ng damit.."
"Sarado na ang shop nyo, kaya hindi mo na iyon makukuha. Kung gusto mo dun ka na muna sa unit ko, share tayo sa bed ko. May gardenia dun kaya hindi mo na kakailanganin pang bumili ng pandesal sa umaga. Dahil may breakfast kana. Ang swerte ko naman ngayon." masayang masaya nyang sinabi.
Tingin ko sa kanya, nag niningning ang buong paligid nya.
"Sipain mo nalang kaya itong pinto?"
"Ayoko, baka masira ang mamahalin kong shoes."
"Ang arte mo, madami ka namang pambili nan."
"Bye bye na, katok ka lang sa unit ko kapag nakapag isip isip kana. Welcome na welcome ka dun. Ang dilim dilim pa naman dito."
"Sa-sandali.."
"Oh, bakit? Nakapag isip kana ba? Bilis ah."
"Uhmm.. Kahit sa sofa nalang ako.."
"Pag iisipin ko, tarana."
Nakayuko lang ako, hanggang sa makarating kami sa napaka ganda at napaka linis nyang unit.
"Ikukuha lang kita ng damit para makapag palit ka."
"Salamat..."
Tinungo ko ang veranda nya, at hindi ko makita ang bahay ko dahil sa sobrang dilim.
"Heto, bestida iyan ni Reika gamitin mo na muna."
"Sige?.. Sino si Reika?"
"Nevermind, mag palit kana sa kusina lang ako."
"Ok, salamat ulit."
Nakaharap na ako ngayon sa isang malaking salamin. At pinag mamasdan kong mabuti ang sarili ko.
"Muka ba talaga akong pulube? Pero.. Feeling ko, ang ganda ganda ko sa bestidang ito." sabay ikot ko.
Pumunta ako sa cute na cute nyang kitcken, at nakita ko syang umiinom ng tsaa.
"Gabi na, tsaa pa din?"
"Oriental tea, ang pinaka gusto ko sa lahat. Gusto mo ba?"
"Hindi na.. Mag tutubig nalang ako.."
"Kumuha ka nalang dyan sa refrigerator."
Pag bukas ko ng ref.
"Ang dami mo namang mga imported na chocolates."
"Gusto mo?"
"Oo naman, pwede bang pahingi ako ng isa?"
"Di ba may trabaho ka? Bakit hindi ka bumili?"
"Chocobot lang na tig pipiso ang kaya kong bilhin.."
"Kung bibigyan ba kita, mag papaligaw ka na s'kin?"
"Hu, hwag nalang nu, mag iipon nalang ako at bibili ako ng maraming ganyan."
"Okay, kumuha ka kung gusto mo, baka mamaya tumulo pa ang laway mo."
"Grabe ka, okay salamat. Mabait ka din naman pala kung minsan."
"Hm."
"Hindi naman sa.. Makapal ang mukha ko, pwede bang pahingi na rin ako ng strawberry? Hindi pa kase ako nakakatikim nun."
"Bahala ka, kainin mo kung ano ang gusto mong kainin."
"Salamat."
"Oo nga pala, akin na ang cellphone mo."
"Bakit naman?"
"Kukunin ko ang number mo."
"Wala akong cellphone, nakita mo ba akong gumagamit nun?"
"Poor talaga, cellphone lang hindi pa makabili."
"Ano namang gagawin ko dun? Iyong ipambibili ko nun, ibibigay ko nalang sa Bantay Bata." sabay kagat ko sa chocolate na hawak ko.
"Minsan, na isip kong paimbestigahan ka."
"Wala kang mapapala kung gawin mo man iyon."
"I see."
"I see, i see ka dyan. Hwag ka ngang mag english dyan, i see, may nakita akong ice cream dito sa freezer, pahingi ako ha."
"Oo na, bahala ka." sabay alis nya.
"Sige lang, kainin mo ang lahat ng masasarap na pag kain dito Yanri." sabi ng patay gutom kong dila.
"It so patay gutom talaga, gusto mo bang habambuhay ka nalang nyang tawaging engot, at pulube?" sabi ng konsensya ko.
"Kain ka lang ng kain, ang importante walang lason ang mga iyan." sabi naman ng kumukulo kong tyan.
At ang nag wagi?
Ang dila ko at ang tyan ko.
Binusog ko ng sobra ang tummy ko.
12 am ng makauwi kami dito, at 1:15 na ng tumingin ako sa orasan nya dito sa kusina.
Oras na para matulog, pumunta ako sa nag iisa nyang kwarto.
Madilim..
Kaya kinapa ko ang switch ng ilaw.
Pag kabukas ko..
Nakita ko syang..
Duguan...
Hinde, joke lang...
Naka boxer shorts lang naman sya at......
Mahimbing ng natutulog.
"Saan kaya ako matutulog nito? Sa Sofa??? Parang nakakatakot naman sa salas nya..." tanong ko sa sarili ko.
May na alala ako na napanood ko noon.
Ganito iyong situation ni Girl.
Nilapitan nya si boy na natutulog, tapos biglang nagising si Boy, tapos.. Tapos..
Nag kiss sila. :*
Hay naku!!!!
Erase, erase, erase!!!!
May eksena rin na, tulog si boy, tapos magigising sya at makikita nya si girl na nakatayo.
Bigla syang lalapit kay girl, tapos ang akala ni girl yayakapin sya nito.
Pero...
Ilalock lang pala ni boy ang pinto. Tapos.. Tapos.. Bubuhatin sya ni Boy at..
Erase, erase, erase!!!!
"Ano, ba itong mga na aalala ko, para akong feelingerang pulube ngayon. Hindi porke't nakikita ko na naman ang mga abs nya, magiging ambisyosang pulube na naman ako." sa isip ko.