-Patrick-
“Ang aga-aga pero lahat ng trabaho n'yo mali na. Talaga bang walang laman ang utak n’yo na tama ha? Ako lang ba ang may kakayahan na ayusin ang gulong ginagawa n’yo, kung ganon naman pala ano pang ginagawa n’yo sa kompanya ko magsilayas na kayo at hindi ko kayo kailangan dito.” Galit kong sigaw sa mga tauhan ko na ngayon ay nakayuko sa aking harapan. Andito kami sa loob ng conference roon para ayusin ang malaking problem na hinaharap ng kompanya ko, nagkaroon kasi ng biglang pagbabago sa grand opening ng hotel at reasturant na pinagagawa ko. At hindi ko malamang dahilan ay wala akong makuhang mga special guest ngayon dahil lahat ay nasa Velasco na ngayon, ang palaging katapat ko lalo na sa pagpapagawa rin ng mga win o kahit na anong uri ng alak na meron ako, mula pa man noon ay matindi na rin ang alitan ng aming mga pamilya pagdating sa mga negosyo o kahit na anong bagay pa.
Ayon pa nga kay Lola Nelia ay noon pa man talaga ang malaki na ang ingit ng mga Velasco sa Sandoval. Ang mga ninuno ng aking Ama ang unang nagpatayo ng factory ng alak dito sa aming lugar o maging sa ibang bansa. Sayda kasing mayaman ang mga ninuno ko at kahit anong gawin ng mga kalaban namin noon ay hindi na rin kami napapabagsak, hanggang sa Velasco kaya naman lahat ng business ng aming pamilya ay kanilang ginagaya hanggang sa ngayon na ako na rin ang namumuno sa aming mga negosyo at tulad ko ay apo na rin ng mga Velasco ang nagiging kalaban ko ngayon. Pilit ko mang kumalkma ay hindi ko magawa dahil sa galit ako ngayon at walang sino man ang makakapagpahawi ng inis ko, lalo pa at wala akong magawa sa ngayon para ayusin ito ng mabilis, dahil ngayon gabi na rin ang grand opening. Alam ko ring may traydor ngayon sa mga tauhan ko ngun’t wala lang ako sapat na ibidensya at iyon ang mas kinaiinis ko.
‘Sir, sorry po! Pasensya na po talaga at hindi namin agad nalaman na ngayon din ang grand opening ng Velasco Hotel and companies, at nagulat na lang kami dahil sa nakopya na rin pala nila ang bagong brand ng wine na ngayon palang din naman natin ilalabas. Dahil po ang buong alam namin ay kayo lang din naman po ni Sir. Wilson ang nakakaalam ng tungkol dito?” Nakayukong paliwanag ni Albert ang isa sa mga taong pinagkakatiwalaan ko tinignan ko ito ng makahulugan at sabay naman kaming napatingin lahat sa kakapasok pa lang na kaibigan at best friend kong si Wilson. Ayokong isipan ito ng hindi maganda dahil kilala ko ang buong pagkatao nito.
“Dude, relax alam ko na kung paano nagawa ng mga kalaban natin na makopya ang dapat na ilalabas nating brand ng wine at maging grand opening ngayon gabi.” Bungad sa akin ni Wilson at saka tumingin kay Mrs. Flores na kaibigan naman ni Mommy at matagal na rin naming investors. Nangpanggap muna ako na hindi ko napansin ang pagtingin nito kay Mrs. Flores kaya naman muli itong napatingin sa akin dahil sa alam na rin nitong galit ako. Nakita kong napabuga pa ito ng hangin bago nagsalita sa aming harapan.
“Okey, Patrick, nalaman kong isa sa mga investors mo ang nagbigay ng copy ng products mo sa mga Velasco Company, at kung paano nila nalalaman ang lahat schedule mo kaya naman nila nasabayan ang grand opening mo ngayon. At nasisigurado akong hindi ka maniniwala sa kung sino ang traydor sa kompanya mo, Dude.?” Panimula ni Wilson na ikinasinghap naman ng lahat, nagkaroon pa ng bulong-bulungan subalit ayoko ng puro hinala lang kaya naman muli kong tinignan si Wilson ng sa ganon ay sabihin na nito at naiinip na rin naman ako.
“Ibig n’yo po bang sabihin ay may traydor sa company na ito Sir Wilson? Pero sino po s’ya Sir?” Tanong ni Albert na mas ikinaingay na rin ng lahat at ikinatingin nila sa kaibigan ko.
“Tama, at base sa mga nalaman ko ay matagal na rin n’yang gustong mapabagsak ang company ng kanyang matalik na kaibigan, na hindi man lang natin nalalaman ang totoong dahilan?” May diin na sagot ni Wilson at naglakad ito papalapit kay Mrs. Flores na ngayon ay malaki na rin ang mata dahil mukhang nararamdaman na rin nito na s’ya ang tinutukoy ni Wilson, subalit ako man ay hindi na rin magugulat dahil alam kong may lihim na galit si Mrs. Flores sa aking nasirang ina.
“Mrs. Flores, maaari mo pang ipaliwanag sa amin kung bakit n’yo nagawang kunin at copyahin ang pinaghirapan ng anak ng iyong bestfriend? At kung bakit n’yo nagawang sabihin sa mga Velasco na isabay ang kanilang grand opening sa kompanyang inyong pinagtatrabahuhan” May pang iinsultong tanong ni kay Mrs. Flower na ikinatigil naman ng Ginang sa kanyang paggalaw. Masama rin ang naging tingin ni kay Wilson na hindi naman pinansin ng aking kaibigan, bagkus at nagpokus na lang ito sa kanyang gusto pang sabihin.
“Oh my God, me? My god Wilson, ang tagal kong naging investors ng company na ito tapos ay pagbibinatangan mo lang ako? Ano bang pinagsasabi mo at sa gitna pa ng lahat moa ko pinagbibintangan, ha? Naririnig mo ba yang sinasabi mong bata ka?” Galit na rin na tanong nito sa aking kaibigan na hindi ko naman nakikitaan ng takot sa harap ng Ginang.
“Alam ko naman na hindi kayo aaminin dahil sa pagiging matigas ng puso n’yo. Kaya naman nagsama ako ng isang taong makakatulong para umamin kayo sa pagkakasala na ginawa n’yo sa company na minsan na rin n’yong tinulungan na lumago.” May halong pang-aasar na tanong dito ni Wilson at saka tumingin kay Mrs. Flores ng makahulugan. Hanggang sa pumasok ang anak ni Mrs. Flores na si Camille na dating kasintahan naman ni Wilson. Napangisi pa ako dahil mukhang nagpasarap muna ito sa babae bago dinala dito. Ibang kalse rin kasi ang lalaking ito at wala talaga itong inuurungang babae, dahil pa ex na rin naman nito dahil kapag tinaman ito ng libog ay na rin iyon mapipigilan pa.
“Camille, come here baby. Sabihin mo sa kanilang lahat ang ipinagtapat mo sa akin kanina habang nasa gitna pa tayo ng kalangitan?” Natatawang tanong ng kaibigan ko sa dalaga ng makalapit na rin si Camille sa tabi nito at hinagkan pa nito ang labi ng dalaga.
“Malandi ka talagang babae ka, minsan ka na niloko ng lalaking yan pero nagawa mo pa rin s’yang kampihan. Ang malas ko talaga ng isinilang pa kita sa mundo dapat ay noon palang pinatay na kita.” May diing galit ni Mrs. Flores sa anak nitong si Camille na anak n’ya sa kanyang pagkakasala. Ang sabi sa akin ni Mommy at nagahasa daw noon ang kaibigan n’ya at dahil walang ama ang bata ay pinalayas daw ito ng kanyang mga magulang kaya naman naawa s’ya dito at dahil nga best friend n’ya ito at tinulungan n’ya ito hanggang sa maipanganak si Camille. Subalit alam kong noon pa man ay hindi na rin ito gusto ni Mrs. Flores, hanggang sa muli itong nakaroon ng asawa at makakasama sa buhay at palagi pa rin itong galit kay Camille kahit pa walang ginagawa ang dalaga sa kanya.
“Mommy, nagpunta lang ako dito para matigil na rin ang ginagawa mong pagpapabagsak kay Partick, ang totoo naman kasi hindi mo matanggap na hindi ka pili nito Tito Roman at si Tita Particia ang minahal. Nagawa mong agawin noon ang asawa ng kaibigan mo at pasalamat na lang ako at hindi babaero si Tito Roman at mahal na mahal n’ya si Tita Patricia. Ikaw ang taong nakilala kong hindi marunong magpahalaga sa kung anong meron ka kaya naman pati ang kaligayahan ng iba ay pilit mo pa ring kinukuha. At h’wag mong isisi sa akin ang pagiging duwag mong ina, dahil ako man ay nagsisisi na ikaw ang naging ina ko. Noon pa man hindi lang ikaw ang nagpahirap sa akin, maging ang mga naging lalaki mo ay pinasamtalahan din ako, sinabi ko s;yo subalit ikaw pa itong galit sa akin at sarili mong anak hindi mo man lang pinaniwalaan. At kung pwde lang naman akong pumili hinding-hindi ikaw ang pipiliin kong maging magulang, kahit wala kang kuwentang tao.” Malakas ding sambit ni Camille sa kanyang ina at dahil sa mga sinabi pa nito ay marami ang nagulat si Mrs. Flores na ngayon ang laman ng pag-uusap ngayon.
“So, ginawa mo ang lahat ng ito para maghiganti sa akin? Gusto mo akong sirain sa lahat ng sa ganoon ay makita mong magdudusa ako ganon ba, ha? Gumaganti ka dahil hindi ako naging mabuting ina sa, ha, Camille. Hindi ka ba naging masaya at binigyan kita ng education at marangyang buhay, hindi ka marunong makontento sa kayang ibigay sayo ng tao kaya sa tingin ko wala ring lalaki ang tatagal yan sa pag-uugali mo.?” Tanong nito kay Camille na ikinatawa lang ng dalaga.
“Mali ka Mommy, gusto kong matigil ang pagiging sakim mo at lalo na ang kakatihan mo. Alam ko naman na may relasyon kayong dalawa ni Mr. Velasco at alam ko rin na si Kevin Velasco ay anak mo sa kanya, di ba? At ito ang tandaan mo walang lalaki ang muling makakakuha sa katawan ko dahil si Wilson lang ang magiging huli sa buhay ko.” Pagbubunyag ni Camille sa aming lahat. Napatingin naman ako sa kaibigan ko at ngumisi lang ito ng nakakaloko sa akin. Marami ang nagulat dahil sa sinabi ni Camille na katotohanan na maging ako ay hindi ko matiyak kung tama pa ba ang naririnig ko. Dahil kung totoong si Mrs. Flores ang may kagagawan ng lahat ng ito at anak pa nito ang anak ng kaaway ko ay ibig sabihin lang noon at malaki na rin ang nakukuha ng mga Velasco sa company ko.
“Hayop ka wala kang utang na loob.” Nagwawalang sambit ni Mrs. Flores at sinampal ng malakas si Camille na hindi naman ininda ng dalaga at mas tumingin sa inang galit na galit na rin ngayon.
“Ayos lang kung wala akong utang na loob s’yo dahil alam kong una palang ay ayaw mo na rin naman sa akin. Matagal ko na rin na hinangad na umalis sa buhay na meron ako ngayon dahil ayokong mamatay na kasama pa rin kita. Pero dahil alam na rin naman ng lahat ay malaya akong makakaalis sa buhay mo na hindi ko na rin naman kailangan ipakiusap pa s’yo” Salita nito sa kayang ina na ngayon ay galit na galit na rin ang aura. Mukhang matindi pala ang pag-aaway ng dalawang ito at mukhang malalim din ang galit ni Camille sa kanyang ina na hindi rin alam ng lahat.
“Bakit sa tingin mo ba makakalaya ka sa ginawa mong ito? Sinasabi ko s’yo Camille ibabalik ko ang lahat ng ginawa mo sa akin at bilang ina mo isasama kita kahit sam ako magpunta.” Galit nitong sagot kay Camille, nakikita kong hindi talaga magpapatinag ang babaeng ito sa kanyang tunay na ina.
“Alam kong hindi mo ako hahayaan na maging masaya diba, kaya nga ngayon pa lang ay wawakasan ko na rin ang buhay ko.” Salita nito at mabilis na nakuha ang baril ni Wilson na nasa kanyang bewang at dahil palaging nakakasa iyon at mabilis nitong naiputok sa sintido ng dalaga na ikinabagsak rin naman nito sa semento.
“Camille” Malakas na sigaw ng kanyang ina ng makita nitong wala na ring buhay ang kanyang anak.
“Call the ambulance, bilis.” Nagamamadaling turan ni Wilson sa lahat at alam kong maging ito at nabigla sa mga sumunod na nangyari. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa utak ni Camille at naisipan nitong hakasan ang buhay nito ng ganon-ganon lang.
Nasa ganoon kaming tagpo ng dumating ang halos sampong police na tinawagan ni Wilson, at para hulihin na rin si Mrs. Flores at pagbayaran nila ang ginawa nitong pagtatraydor sa company ko. Maganda naman ang naging ngiti sa akin ni Wilson subalit inirapan ko lang ito. Pero humahanga ako dito dahil alam kong kakampi ko pa rin ito sa lahat ng oras, kaibigan na maaasahan.