-Partick-
Halos ayokong bumangon ngayong araw dahil sa ay naiinis pa din ako na hindi ko na muli pang nakita ang babaeng nakasama ko sa isang mainit na gabi. Bumalik kasi ako sa bar na yon kung saan ko ito nakita at nagbabakasaling makikita at ko pa ito ulit, subalit bigo ako dahil maging ang mga kaibigan nitong kasama nito noon ay wala rin. Nagtagal pa ako ng ilang oras hanggang sa mapansin kong mukhang lasing na rin ang halos lahat na naroroon at may kanya-kanya na silang parter na kasama. Masama ang loob kong sumakay ng aking kotse at saka umuwi na lang ng gabing yon. Kaya naman ng magising ako at hindi pa rin maipinta ang mukha ko dahil na rin sa pagod antok kong nararamdaman ngayon. Hindi naman kasi ako mahilig tumambay ng ganon katagal sa labas lalo na sa ganoong klaseng lugar. Nagpupungas ako ng aking mata at habang nakaupo sa pa rin sa aking kama, makikita sa akin ang kawalan ng ganang kumilos, ngun’t alam kong hindi pwde dahil sa kailangan kong pumasok sa office at marami pa akong dapat na asikasuhin at pipirmahan para sa susunod kong mga project. Nasa ganoon akong ayos ng bigla na lang tumunog ang phone ko at ang aking secretary na si Ms. Garcia ang caller ko.
“Yes” Walang buhay kong salita dito at ipinikit na lang muna ang aking mata dahil sa mabigat pa rin naman ito.
“Good morning! Sir, Sorry po kung nagising ko kayo ng ganito kaaga. Gusto ko lang po sanang sabihin sa inyo na naayos ko na po ang lahat ng schedule n’yo for the two months, ng sa ganoon ay hindi na rin po mahihirapan ang babalit sa akin. At andito na rin po pala ang kaibigan kong gustong mag-apply ng secretary sa inyo.” Magalang at malinaw nitong sambit sa akin nagising naman ang diwa ko sa sinabi nito at mabuti na lang at nasa phone lang ito at hindi nito nakita ang naging reaksyon ko. Sa totoo lang ay para akong nabuhayan ng marinig ko ang sinabi nito, parang may magnet ang katawan ko na kumilos lalo na ng malaman kong nasa loob ng office ko ang kaibigan nitong hindi ko pa man din nakikita o nakakasama. Pero aaminin kongi bang ang dating nito sa akin na hindi ko maunawaan hanggang ngayon.
“Ok, sige. I'm on my way see you on my office.” Sagot ko na lang dito at saka tumayo na lang para magpunta ng banyo para maligo naka ramdam din ako ng excitement ngun’t binaliwala ko lang yon at ayokong bigyan ng kahit na anong kahulugan ang nararamdaman ko. Nakasuot ko ng V-neck sweater na may button-up shirt at tie, simple lang naman ang mga pormahan ko kapag nasa office lang ako at walang gaanong ka-business meeting na malalaking tao. Hindi rin naman kasi ako sanay sa mga damit na mga elegant na tulad ng mga kaibigan ko, kung minsan pa nga ay naka pants lang ako at black t-shirt na papasok sa trabaho. Basta alam kong komportable ako sa suot ko at ok na rin naman msa akin yon. Pero hindi naman sa pagmamayabang ay kahit pa anong suot ko at nagiging pansinin pa din ako ng mga kababaehan. Hindi naman ako mahilig kumakain ng breakfast dahil sa mag-isa lang naman ako dito sa bahay ko at naalala ko lang si Mommy sa tuwing mag stay pa ako sa kusina kaya naman madalas ay sa labas na lang ako kumakain at pagkatapos ay uuwi na lang para matulog. May nagpupunta lang dito para maglinis sa buong bahay o kung minsan andito si Lola Nelia para bumisita at kamustahin ako at marami itong kasamang kasambahay para asikasuhin kami.
Nasa kotse naman ako ng biglang mag text sa akin si Ms. Gracia, tungkol sa mga meetings ko ngayong araw at dahil doon ay magiging busy ako ngayon at natitiyak kong gabi na matatapos ang lahat na kailangan kong puntahan na meetings. Napabuga na lang ako ng hangin at hindi pa ako nagsisimulang magtrabaho ay pagod na rin ako, ganito umiikot ang mundo ko at kung minsan ay nakakasawa na rin. Gusto ko nga minsan lumayo muna at h’wag isipin ang maraming bagay subalit alam kong hindi ko iyon pwdeng gawin dahil maraming tauhan ko ang umaasa sa akin kahit pa masungit ako sa kanila.
“Sir, ayos lang po ba kung maaaga akong uuwi mamaya. Kaarawan po kasi ngayon ng anak kong babae at may konting salo-salo sa bahay kung maaari po sana, pasensya na po, Sir?" Nahihiya at nakayukong sambit sa akin ni Mang Garry, ang isa sa pinakamagal ko na rin namang driver. Tinignan ko lang ito at saka tumango, nagpasalamat naman ito at mababakas sa mukhan nito ang kaligayahan na makakasama nito ang kanyang anak sa kaarawan nito. Matanda na rin si Mang Gary at alam kong ito lang din sa ngayon ang inaasahan ng kanyang pamilya, pero sulit naman dahil talagang masipag ito pagdating sa kanyang trabaho.
Natahimik ako dahil sumagi sa aking isipan ang mga magulang kong nasa langit na ngayon at alam kong nakabantay lang sa akin. Napatingin pa ako sa may labas ng bintana at tinanaw ang paligid na naming nadaraanan. Hindi ko na rin maalala kung anong taon ako huling ng birthday na kasama ko sila. Hanggang ngayon masakit pa rin sa akin ang lahat at sa tuwing may nakikita o nadadaanan kong pamilya na masaya at nakakaramdam lang ako ng ingit sa kanila. Hindi ko rin kasi maunawaan na kung bakit kailangan kong maulila ng maaga sa aking mga magulang, at patuloy lang naman akong nahihirapan. Muli akong napahinga dahil sa pagngungulila ko sa kanila subalit alam kong ang lahat ng ito ay may dahalin tulad ng sabihin sa akin ni Lola Nelia.
Minabuti ko na lang na umayos ng upo dahil malapit na rin naman ako sa kompanya ko, at ayokong makita ng iba ang lungkot sa aking mukha. Alam nilang malupit ako lalo na pagdating sa trabaho at wala din akong binibigyan ng second chance kapag napatunayan kong nagkamali ka sa akin, kaya ang iba sa kanila ay supladong boss ang tawag sa akin na hindi ko na lang pinansin dahil wala naman ako pakialam doon.
“Good morning po, Sir” Bati sa akin ng karamihan at napapayuko pa ang mga ito sa aking harapan, wala akong pinansin kasi isa sa kanila o kahit sagutin man ang kanilang pagbati. Naglakad lang ako na parang hari at taas noo sa lahat na aking nasasalubong. Pagbukas pa lang ng elevator ay nakatayo na agad si Ms. Garcia sa akin at maganda ang ngiti nito. Binati rin ako nito ng magandang umaga. At wala sa loob kong nasagot ko rin pala ang pagbati nito sa akin, darechong naman akong pumasok sa loob ng office, at ramdam kong sumunod sa akin ang aking secretary na masaya pa rin ang aura.
“Sir, narito po ang lahat documents na pwde n'yo munang basahin habang hindi pa po nagsisimula ang ilang meeting na magaganap ngayon.” Kalmadong salit nito at napapansin kong masaya pa ito ngayon na hindi ko man lang maunawaan.
“Mukhang maganda ang naging gising mo Ms. Garcia, at kanina ka pa nakangiti yan na animoy may nakikita kang nakakapagpasaya s'yo.?” Seryoso kong tanong dito, subalit bigla naman nawala ang ngiti nito ng mapansin nitong iba na rin ang tono ng aking pagsasalita. Kilala ako nito at alam din nito kung ikinatutuwa ko ang kanyang ginagawa o hindi.
“Pasensya na rin po, Sir. Napangiti lang ako kasi sa itinagal ko dito ngayon lang po kayo sumagot sa naging pagbati ko sa inyo, at masaya po akong marinig iyon mula sa inyo." Paliwanag nito na ikinakuno't ng aking noo at napaisip sa kanyang sinabi.
“Ibig mo bang sabibin sa halos ilang taon mong pagtatrabaho sa akin, ngayon lang kita binati ng ganon, Ms. Garcia?” Pagkikilatis ko dito at pinakatitigan ito sa kanyang mata, alam kong hindi ito magsisinungaling sa akin.
“Eh! Sir, hindi naman po sa ganoon nagulat lang po talaga ako dahil hindi ko expected na babatiin n’yo rin ako pabalik. Pasensya na po kung nagkamali ako, patawad po Mr. Sandoval.” Kinakabahan nitong turan sa akin at saka umayos ng pagkakatayo sa aking harapan. Wala akong naging tugon dito at nahawak na lang ako sa aking batok dahil parang ako pa ngayon ang naguguilty sa aking ginawa.
Nagpaalam na lang ito na lalabas at kakatok na lang mamaya kapag nais ko na daw makita ang kaibigan nitong applicant. Ni hindi ko na rin ito tinignan pa at nakatuon lang ang aking tingin sa may computer ko dahil sa nagbabasa na rin ako ng mga files na kailangan kong tignan.
Lumipas pa ang ilang oras na pagbabasa ko ay kumatok nga ito at kasama na rin nito ang babaeng kaibigan nto. Nagpapatuloy lang ako sa aking ginagawa at hindi ko magawang tignan ang mga ito, hanggang sa muling nagsalita si Ms. Garcia at ipinakilala ang kanyang kaibigan.
“Sir, pasensya na po sa abala nais ko lang po ipakilala sa inyo si Pamela Solomon ang kaibigan ko po na sinabi kong mag-aapply.” Mahina nitong sambit na abot naman sa aking pandinig napatigil naman sa ako sa pagbabasa ng mga email ko sa computer. Nilingon ko ang mga ito at para naman ako natuklaw ng ahas dahil sa babaeng nasa aking harapan ngayon. Ngun't alam kong kailangan kong magpakaprofessional dahil baka kung ano pa ang isipin sa akin ng mga ito.
“Pamela, siya ang boss ko si Mr. Patrick Sandoval CEO ng kompyang ito.” Pakilala sa akin ng aking secretary. Nagtaas naman ng tingin sa akin ang babae at ipinakilala ang kanyang sarili.
“Good morning po, Mr. Sandoval. Ako po si Pamela Solomon ang kaibigan at best friend ni Ms. Garcia. Masaya po akong magtrabaho dito sa kompanya n'yo salamat po ulit sa pagtangap sa akin, Sir." Nakangiti pa nitong salita at hindi ko nakikitaan ito ng kahit na konting kaba. Ngun’t kilala ko ang babaeng ito at kahit na kailan ay hindi ko makakalimutan ang maganda nitong mukha. Dahil ang babaeng ito ang gumugulo ngayon sa aking isipan, subalit nakikita kong hindi ako nito kilala o namumukaan.
“Pamela Solomon” Pag-ulit ko sa pangalan nito at tinignan ito mula ulo hanggang paa. Naka pang office attire naman ang damit nito pero sa paraang tignan ko ito at para ko na rin nakikita nag hubad nitong katawan sa akin. Iniwas naman nito ang tingin sa akin at saka tumingin sa paligid ng office, tahimik naman si Ms. Garcia at napapatingin sa kanyang kaibigan.
“Alam na ba n’ya ang mga dapat at hindi dapat n’yang gawin, Ms Garcia?” Seryoso kong tanong sa tauhan pero ang mata ko ay nasa babaeng nakatingin na ngayon sa akin. Nagtatama ang tingin namin dalawa subalit wala akong makita dito na kakaiba, para lang itong applicant na naghihintay ng aking sasabihin.
“Yes, Mr. Sandoval. Nasabihin ko na rin po s’ya sa lahat na mga kailangan n’yang gawin lalo na po kung siya ang makakasama n’yo sa meeting. Ready rin naman po s’ya Sir.” Determinado at malinaw nitong pagkakasabi sa akin. Napatango na lang ako dito at saka na rin lumabas ang mga ito ng wala na rin ako sabihin sa kanila.
Napatayo naman ako papuntang bintana at tumanaw sa mga kapalit ko lang din na mga buildings. Lihim naman akong napangiti dahil mukhang magiging exciting ang pagsasama namin ni Pamela, at kung totoong hindi ako nito makilala ay ipapaalala ko dito kung sino ako sa buhay n’ya. Tumunog muli ang phone ko at sa pagkakataong ito at si Wilson, hindi ko na lang muna ito pinansin at tiyak na magugulo lang ang araw ko kung pakikinggan ko ang sasabihin nito sa akin. Napatingin naman ako sa relo kong pangbisig at nakita kong malapit na rin palang mag lunch, lumabas ko ng aking office at sinabing ang bagong secretary ang gusto kong sumama sa lunch meeting na meron ako ngayon. Nagulat pa man ito subalit wala rin naman ito magagawa dahil ako lang ang boss na kailangan nilang sundin, kung ayaw nilang makita kung paano ako magalit.