-Paloma- Masasabi kong naging mabilis ang lahat sa amin ni Mr. Sandoval o mas gusto niyang tinatawag ko siya sa pangalan niya na Patrick. Maayos naman ang naging pagsasama naming dalawa at kahit hindi ko aminin ay kinikilig pa rin ako sa tuwing maiisip ko kung gaano ito kapatay na patay sa kagandahan ko. Well, hindi naman sa nagbibit-bit ako ng sariling bangko pero may ibubuga rin naman ako at marami ang nagsasabi na hawig ko si Nadine Lustre lalo na kung mag-aayos lang ako. Palagi lang kasi naka ponytail ang buhoy ko at simpleng office attire ang mga suot ko, hindi ako mahilig sa make up kaya naman manipis na poundetion lang ang pinapahid ko sa aking mukha. Leptin lang din ang ginagamit kong lipstick dahil sa ayokong ang makapal pagdating sa pag-aayos ng sarili kong mukha. May sanay kasi

