KABANATA 5

1386 Words
Pagkagaling ko sa hospital ay dumiretcho muna ako sa isang coffee shop. Nagugutom na talaga ako, hindi nga pala ako kumain ng breakfast kanina at past lunch na. Um-order lang ako ng tea at isang cheesecake. Hindi na ako nakakapag-workout this past few days kaya medyo nadagdagan ang weight ko. Habang naghahanap ng upuan ay nadaanan ng mata ko ang dalawang lalaki sa gilid na nag-uusap. Pamilyar sa akin ang isang iyon, kung hindi ako nagkakamali siya yung nakabangga ko sa labas ng bike shop at nag-aaral siya sa school na papasukan ko. Si Chifuyu. Naupo ako sa upuang medyo malapit sa kanila, dahil occupied na ang karamihan sa upuan. Hindi nagtagal ay dumating na ang order ko. Nilabas ko ang phone ko at ni-connect sa wifi ng café. Chinat ko si tita at sinabing nasa isang coffee shop ako at baka mamaya pa ako makakauwi. Tatambay muna ako saglit dito. Medyo napagod din naman ako sa mga nagdaang araw na paikot-ikot ako dito sa Shibuya. Naiinis na naman ako. Papaanong hindi, fresh na fresh pa ang encounter namin ni Shuji sa isip ko. Humanda talaga sa’kin yun. Sa susunod na magkita kami… papatayin ko siya. Binuksan ko ang e-mail ko at muling tiningnan ang file ng mga information ni Emma. According to the information, she’s Sano Manjiro and Sano Shinichiro’s sister. Manjiro-kun is the current president and leader of Tokyo Manji Gang. So, connected pala sila. Pero bakit nasali yung kapatid niya sa mga namatay, e hindi naman siya kasali sa gang. Tinuloy ko ang pagbabasa. At habang patuloy na pumapasok sa utak ko ang mga impormasyon ay patuloy na nadaragdagan ang galit ko kay Kisaki Tetta. Siya rin ang nagplano ng pagkamatay ni Emma! Sinabi naman na sa’kin ni Kakucho ang lahat pero ngayong nababasa ko at nakukumpirma ay lalo lamang akong nagagalit. Para magalit si Manjiro, pinatay niya ang kapatid nito! Napabuga ako ng marahas. Grabe! Ininom ko ang tea, sabay nilantakan ang cheesecake na in-order ko. Ngumunguya-nguya pa ako ng marahas nang maramdaman ko ang pares ng matang nakatingin sa’kin. Pasimple kong iginala ang paningin ko. Napabuntong-hininga naman ako ng makitang ang kasama lang yun ni Chifuyu. Pasimple ko siyang pinag-aralan. Kung hindi ako nagkakamali, sa iisang school lang din siya nag-aaral kasama ni Chifuyu. Kumpara noon, mas maayos na ang hitsura niya ngayon. Mga konting galos na lang. Inayos ko ang mga pinagkainan ko, nag-iwan din ako ng tip bago ko inayos ang mga gamit ko. Pagkalabas ko ng café ay dumiretcho ako sa parking sa hindi kalayuan, kung saan ko iniwan ang bike ko, ngunit nagulat na lamang ako dahil pinalilibutan ang bike ko ng ilang mga lalaki. Kinakabahan naman akong naglakad papunta doon. Sa tantya ko ay mga pito silang nandun. Hindi ako marunong sa combat! Bumuntong-hininga ako bago lumunok. Hindi ko naman pwedeng iwan ang bike ko. Ano bang gagawin ko? “Excuse me. That’s my bike.” Seryoso kong sabi. Tumingin silang lahat sa akin bago unti-unting ngumisi. Hinimas pa ng isa sa kanila ang manibela ng bike ko. “Ang ganda naman nitong motor mo, pero hindi bagay sa’yo. Mukhang mas bagay ‘to sa’min.” Sabi niya. He looks so amused about something. I licked my lips, and heaved a deep sigh. Kaya nga ako umalis ng shop dahil nagagalit na’ko, tapos dadagdagan lang ng mga kumag na ito. Natatawa naman akong bumaling sa kanila. “Kung bagay sa inyo, edi bumili kayo.” Napataas naman ang kilay ng nagsalita, samantalang umamba ang ilan na pinigilan niya naman agad. “Tabi!” Maangas na sabi ko. Mukhang napuno na ang kausap ko kaya nanlilisik ang mga mata niya nang tumingin siya sa akin. Ngumisi ako sa kaniya. Lumapit siya sa’kin at akmang hahawakan ang damit ko nang tapikin ko ang kamay niya. Napabuga siya ng hangin at susuntukin na dapat ako nang may humawak sa kamay niya. Napatingin kami kay Chifuyu na may hawak sa kamay ng lalaki sa harap ko. Binabawi ng lalaki ang kamay niya pero lalong hinigpitan ni Chifuyu ang hawak niya. Nagpalitan sila ng masamang tingin. Naglakas loob lumapit ang isa sa kanila para sana suntukin si Chifuyu ng saluhin niyang muli ang kamay nito. Hindi na nagdalawang-isip pa ang iba at nagsimula na ring sumugod. Napatingin ako sa kasama ni Chifuyu kanina. Nakikipagpalitan na rin siya ng suntok sa kalaban niya, pero mukhang mapupuruhan na naman siya. Hinubad ko ang coat ko, at nakisali na rin sa kanila. Dalawa ang kalaban ng kasama ni Chifuyu samantalang pinagkakaguluhan ng lima si Chifuyu. Hinatak ko ang colar ng isa sa kanila at saka ko sinuntok sa panga. Mukhang nahilo siya kaya medyo na-out of balance siya. Sinipa ko siya sa tiyan sabay suntok sa batok. Nakita siya ng kasamahan niya kaya sinugod din niya ako. Nakaamba ang suntok niya sa akin habang tumatakbo. Nang makalapit ay yumuko ako sabay tilapid sa kaniya. Sumubsob naman siya una baba. Habang nakayukyok at iniinda ang sakit ay inapakan ko ang likod niya. Hindi nagtagal ay sinugod na rin ako ng iba. Nakakaiwas naman ako, pero dahil hindi ako sanay makipaglaban ay minsan akong nasuntok sa pisngi. Maluha-luha ako sa sakit! Ni minsan hindi ako pinagbuhatan ng kamay ng mga magulang ko, tapos sila basta basta nalang akong susuntukin! Nakita ng kasama ni Chifuyu ang nangyari kaya lumapit siya sa’kin at humarang sa unahan ko. Anong ginagawa niya? “Bakit ba kayo nanggugulo? Tingnan niyo ang mga kasama niyo. Pwede bang umalis nalang kayo ng tahimik?” Sabi pa niya. Napahinto naman kami, at tumingin sa paligid. Walang tao sa parking at nasa likurang bahagi ito ng café. Wala ring taong dumaraan kaya kami-kami lang ang nandito. Bagsak na karamihan sa kanila at puro dugo na ang lumalaban pa. Napaisip naman sila at isa-isang tumayo. Tiningnan pa nila kami bago iika-ikang umalis. Napabuntong-hininga ako at napahawak sa pisngi. Ang sakit. Humarap ako sa kanilang dalawa. Wala masyadong tama si Chifuyu, pero may putok ang labi niya. Si… ang kasama niya naman ay nagdudugo ang ilong, maga ang mata at may namunuong pasa sa mukha at braso. Mukhang napuruhan na naman siya. “Arigatou gozaimasu.” Pagpapasalamat ko. “Let me take you in the hospital.” Dugtong ko pa. Umiling naman sila agad. “Uh, hindi na okay lang. Konting ointment at band aid lang ito.” Sabi ng kasama ni Chifuyu. Kinagat ko ang labi ko para pigilang matawa. Sa aming tatlo siya ang may pinakamalalang lagay. “Oo nga, KONTING ointment at band aid lang ‘to.” Natatawang segunda ni Chifuyu. Napangiti naman ako ng tipid. “Salamat ulit. Ako nga pala si Riku Urrutia.” Pagpapakilala ko. “Ako naman si Chifuyu Matsuno.” Nag-bow pa siya bago ngumiti. “Uh, ako si Takemitchi Hanagaki. Nice meeting you.” Nag-bow din siya bago ngumiti sa’kin. Saglit na nagtagal ang tingin ko sa kaniya. Siya si Takemitchi? Mukhang maliit lang talaga ang Shibuya. Ngumiti rin ako sa kaniya. “Takemitchi… Hanagaki?” Ulit ko pa. Saglit ko ulit siyang pinag-aralan. Mukha lang siyang ordinaryong estudyante’t lalaki pero may kakaiba sa kaniya na hindi ko mawari. “Hai!” Tumango-tango ako. Ngayong nandito siya, baka may makalap din akong impirmasyon sa kaniya tungkol sa nangyari. Alam kong nasabi na Kakucho ang nangyari noon, pero kailangan kong malaman kung ano ang koneksyon niya sa nangyari. Nabanggit siya sa’kin ni Kakucho, at alam kong kabilang siya sa Tokyo Manji Gang. Kung kabilang siya doon… ibig sabihin ba nun kabilang din si Chifuyu? “Mukhang ayaw niyo talagang padala sa hospital. Bakit hindi na lang sa bahay namin gamutin ang mga sugat? Malapit lang dito yun.” Suhestiyon ko. “Sagot ko na rin ang dinner kung pwede. Bilang thank you na rin sa inyo.” Dagdag ko pa. Nagkatinginan naman sila. Nakangiti ako sa kanila habang hinihintay ang sagot nila. Shempre hindi ko sila dadalhin sa bahay na tinitirhan ko kasama si tita. May isa kaming apartment sa hindi kalayuan, pero walang nakatira. Chineck ko ang susi ko, at nakitang nandun din naman ang susi ng apartment. Ayos. “Okay.” Sagot nila. Cool.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD