Pagkalabas ni Chris ay siyang dating naman ni Levie, nasa mukha nito ang pangamba. Hawak ang phone nito at abala sa pakikipag-usap sa kabilang linya. Mabilis ito na luamakad palapit sa akin saka sandal na inilayo ang phone sa tainga. “Boss, si Don Drylon, gusto ka daw makausap ngayon.” Bakas sa boses nito ang kaba sa dibdib. Tinapos ko ang sigarilyo na hawak ko habang nag-iisip kung ano ang isasagot ko rito. Tinapon ko ang upos ng sigarilyo sa ashtray saka ako nagsalita. “Tell him not now, may importante pa akong aasikasuhin.” Sabi ko sa kanya na inisang lagok ang alak sa baso. “E… B-boss… Nagagalit si Don dahil sa nangyari si laboratory sa Zambales….” Nabitin ito sa mga gustong sabihin nang masama ko itong tinitigan. Muli ay nagsalin ako ng alak sa baso saka ko inisang lagok iyon at

