Bandang hapon nga ay naghahanda na kaming umalis. Sponsored lahat ni Luther ang kasal ni Mr. Suave at Bisonga. Gamit ang malaki niyang van na tila isang kuwarto sa loob ay umalis na kami. Hindi ko mahagilap si Luther pero alam kong hindi iyon sasabay sa amin. Ang sabi ay nandoon din ang mga relatives ni Luther. Hindi ko rin kasama si Ania which is a good thing dahil makakalbo ko iyon sa inis. “Umama iguro i, Ania kay Oter,” ani Bisonga. Natigilan naman ako at pinigilan ang sariling magreklamo. “M-mas maganda nga at wala rito ang bruha,” sagot ko. Tiningnan naman ako ni Bisonga. “Bakit? May laman ang tingin mong iyan ha,” dugtong ko pa. Huminga lamang nang malalim si Bisonga at umiling. “Denial ka pa. Akala mo iguro hindi ko napapan-in na may guto ka kay, Oter ano?” saad niya.

