Hanggang ngayon ay balisa pa rin ako sa aking nalalaman. Hindi ko lubos maisip na ganito pala talaga kasakit ang katotohanan. Ni hindi ko inakalang maaapektuhan din ako sa nakaraan niya. Huminga ako nang malalim at napahiga nang maayos. Kanina ay hindi kaagad kami nakapag-usap nang maayos dahil sa umalis na rin ako kaagad. Kailangan kong pakalmahin ang sarili ko. Kailangan kong mag-isip at timbangin ang nangyayari. Siguro nga ay tama lang din na hindi sinabi ni Luther ang nakaraan niya kasi unfair iyon. Biktima siya nu’ng mga pangyayari. Kung ako man ang nasa sitwasiyon niya paniguradong mababaliw ako sa sakit. Kinuha ko ang aking cellphone at hinaplos ang mukha niyang naka-wallpaper. Ang guwapo ng mukha niya. Naiintindihan ko na ngayon kung bakit ang lamig ng mga matang iyon. Kung bak

