Hindi ko alam ang dapat kong maramdaman kasi nakikita ko ang pagmamahal ni Luther sa ‘kin. Bigla ay nakikita ko na lang siyang nakatitig sa akin. Bawat oras na ginagawa niya iyon ay natutunaw ang puso ko sa saya. Habang nandito kami sa lugar ng pamilya niya ay ramdam na ramdam ko ang pagmamahal niya. Ipinagdarasal ko na sana nga ay hindi siya magbago. Kasi gagawin ko rin ang lahat huwag niya lamang akong iwan. Mamahalin ko rin siya at iintindihin sa abot ng aking makakaya. Nag-stay lang kami ng limang araw sa kanila at bumalik na rin sa lugar namin. Hindi naman siya palasalita. Napansin ko lang sa kaniya ay may pagka-pilyo siya kapag komportable na siya sa isang tao. Nawawala na rin ang nararamdaman kong pagkailang sa kaniya. Ramdam ko rin ang pag-aalaga niya sa akin at sa aking mga kapa

