Pangalawang araw ng pasukan ay tinatamad na kaagad ako kahapon hindi ko agad naumpisahan ang misyon ko sa kadahilanang nakatulog ako sa buong araw papasok
Papasok nako sa room ng makita ang lalaking masungit nakaupo ito sa likod ng bangkuan ko at nakatingin sa may bintana malalim siguro ang iniisip nento
Tahimik na lamang akong umupo at dumukdok uli sa desk siguro ay iidlip muna ako anong oras na din kase akong nakatulog kagabi dahil sa pambibwiset sakin ni asunsion
"Ano ba" sigaw kong usal ng maramadamang may sumisipa sa bangkuang inuupuan ko bago lumingon sa likod ko nagkatinginan kami kaya sinamaan ko ito nabibwisit ako nabitin ang tulog ko
"Ms valencienza,sit down!" Napatingin ako sa unahan ng makitang may guro na halos pumula na ang buong mukha dahil sa galit tinignan ko naman ang katabi ni mr holencio sinamaan ko naman ito ng tingin ng tatawa tawa ito sumama din ang timpla ko ng makita sya wala ng iba kung hindi si asunsion
Sirang sira na talaga ang araw ko dahil sa kumag na asunsion na iyon ipinakilala samin ni sir si asunsion bilang bagong classmate nakakabwisit
" hoy miñadre ikaw ha natutulog ka sa klase i will tell this to fernando bwhahaha" inis kong nilingon si asunsion na katabi ko ngayon
"edi sabihin mo konyatan ko kayo parehas ni fernando eh" naiinis kong usal sa kanya
" Hey boss did you hear that?" Nanlaki ang aking mata ng makita ko si asunsion na hawak hawak ang cellphone
"yes" usal ng nasa kabilang linya sinapok ko naman si asunsion sa balikat at tatawa tawa itong tumingin sakin
"im joking"malakas kong usal sa telepono ngunit pinatay na ni asunsion
Sinamaan ko naman ng tingin si asunsion ngunit tinawanan nya lamang ako
Break time namin at nandito lang kami ni asunsion dahil may dala naman akong baon kaya naman inilabas ko ang baon ko
"Hey miñadre makikihati ako sa baon mo,tinatamad akong pumunta sa cafeteria" inirapan ko naman sya bago kinuha ang sandwich
"What kind of bread is this miñadre" ngumisi ako ng makita ang kanyang mukha
"Vegetables and chicken ang palaman"usal ko sa kanya bago kagatan ang sandwich ko
"really, it's full of vegetables,what is this vegetables with a kakapiranggot na chicken" inis nyang usal sa akin
"Yeah,alam mo namang hindi talaga ako mahilig sa manok"
"yeah yeah,sa kakakain mo ng gulay you will look like a gulay talaga" iniripan ko naman sya ng marinig ang nakakairitang conyo conyo nya
"Oh ayan lunukin mo" kinuha ko ang medyo malaking manok na nasa sandwich ko pagkatapos ay isinalampak ko na sa bunganga ni asunsion
Sinamaan naman ako ng tingin ni asunsion kaya naman binelatan ko na lamang sya,di naglaon ay pumasok na din ang mga kaklase ko at naramadaman ko din ang presensya ni solinci sa likod ko,napagkwentuhan namin ni asunsion kanina ang misyon ko binigay sa akin ni asunsion ang mga estudyanteng pwede kong imbestigahan at kasama na doon si solinci, DAMIAN CHIN F. SOLINCI kay ganda ng pangalan ngunit napakasungit naman
Madaming sinabi si asunsion tungkol sa ilang mga estudyanyeng kailangan kong imbestigahan ngunit kay solinci ay hindi manlang sya nakakuha ng madaming impormasyon ang naikwento lang sa akin ni asunsion ay ang pangalan ng magulang ni solinci at edad lamang
hindi na nakakapagtaka kung bakit sa tuwing nadaan sa napakadaming tao si solinci ay pinagtitinginan tulad ngayon nandidito kami sa covered court at halos lahat ay na kay solinci ang atensyon ang iilang babae ay pawang kinikilig may iilang kumukuha ng litrato ng pasimple at ang iilan naman ay tumitili na parang tanga
Long lashes,matangos na ilong,may mapupulang labi at may magagandang mata at idagdag pa na matangkad ito at maputi sinong hindi mapapatingin sa kanya,ngunit hindi ito pala ngiti at ang kanyang mga mata kung tumitig ay kasing lamig ng yelo literal na matutunaw ka
Kaya kami nandidito sa covered court ay may magaganap na paligsahan kung saan ay pwedeng kang sumali o hindi madami ka ding pwedeng salihan dito inanounce din na sa susunod na buwan iyon gaganapin