C H A P T E R T W E N T Y O N E Ramdam na ramdam ko ang pagod sa buong katawan ko dahil sa mga kaganapan at lakad namin nila Lethal, Mint, Margarita, Cent at Alonica mula pa kaninang umaga hanggang sa dinner meeting noong alas siyete ng gabi. Pero nakakainis dahi hindi pa rin ako inaantok ngayon. Hindi ko magawang makatulog! Tinitigan ko ang oras sa maliit na wall clock mula rito sa kinahihigaan kong kama, malapit na ang alas dose. Gusto ko lang naman umidlip kasi feeling ko kailangan ko ‘yon sa pagod na nararamdaman ng katawan ko kanina pa, pero sa kaiisip ng mga bagay bagay ay hindi ako dinadalaw ng antok, kahit hikab ay wala. Nagtago ako sa ilalim ng kumot at yumakap sa malambot na unan. Tinitigan ko ang puting unan na sobrang lambot, tinitigan ko na parang tao saka kinausap. “Al

