CHAPTER 48 Tinapik ni Chief Trasem ang balikat ko saka nauna na silang dalhin ang apat na super hero sa opisina ni Tita Miranda. Ang sabi ay nalaman daw ni Tita Miranda ang gulo na nangyayari ngayon dito sa third floor dahil may nagsabi sa kanya kanina lang doon sa opisina, kaya naman pinatawag agad ang apat. Parang hindi ko na gusto tawaging super hero ang Margarita na ‘yon. Hindi na bagay sa kanya! Hinawakan ko ang dibdib ko saka kinalma ang sarili. Nanginginig pa rin ang mga tuhod ko nang ibaba ako ng malaking robot na ‘to sa sahig. Naupo agad ako sa inilapit na upuan ni Wayne. “Hindi ko na tatanungin kung okay ka lang ba kasi obvious naman na hindi,” pag uumpisa niya. “Thank you. Robot mo ‘to?” sambit ko saka nilingon ang robot sa gilid ko. “Baka nasa emergency room na ako ngayon

