C H A P T E R T H I R T Y F I V E SUMUGOD ako sa ospital nang malaman ko na doon diniretso si mama. Tagumpay siyang nakuha nila Lethal, Cent at Mint mula sa Oasis na sinundan nila sa gitna ng kakahuyan pero nabalitaan kong wala raw itong malay kaya sinugod na rito. Abot abot ang kaba ko kahit na ang sabi ni Cent sa akin sa telepono ay wala naman daw itong seryosong mga sugat o tama sa katawan. Hindi rin daw sumabog ang nakataling bomba sa katawan nito dahil hindi naman daw binuksan ng mga bandido. Hindi ko alam kung paano nila nagawang nakuha si mama pero baka nagkaroon sila ng engkwentro doon at ginamitan nila ng mga kapangyarihan nila. Hindi ko na rin naitanong kung ayos lang ba silang tatlo at wala silang mga galos o malalim na sugat sa katawan, basta ang nasa isip ko na lang ngayon

