C H A P T E R T H I R T Y “Yieeee,” pang aasar ni Alonica saka tinutusok tusok ang tagiliran ko. Natatawang tinatabig ko naman ang daliri niya saka siya pabirong hinahampas sa balikat. Magkatabi kasi kaming tatlong babae, ako, si Alo at si Margarita. Habang kaharap naman namin silang tatlo na lalaki. “Eh bakit palagi kayo magka dikit ha!” pang aasar pa ni Mint saka may paturo turo pa sa ‘kin at kay Lethal nang salit. “Palagi kami mag kasama kasi sinabi ko kay Marikit na palagi siya sumama sa ‘kin. Ako ang nag pasok sa kanya sa Headquarters kaya dapat ako ang pinaka may responsibilidad na protektahan siya. Isa pa, may usapan kami ng mama niya. Ayoko naman na masira ang tiwala sa ‘kin ng mama ni Marikit.” Pagpapaliwanag ni Lethal sa kanila. “Simple lang naman na siguruhin ang kaligtasan n

