CHAPTER 3

2376 Words
TREVOR’S POV: “Im on my way, Gascon.” Kasalukuyang nagmamaneho ako patungo sa mansyon nang tumawag ang kapatid kong si Gascon. Nahuli na raw nila ang isa sa mga nagtangka sa buhay ko at hindi pa raw ito nagsasalita kung sino ang posibleng gumawa nito sa’kin. Mariin kong inapakan ang selinyador at mahigpit naman ang kapit ko sa manibela. Mapapatay ko talaga siyang kaagad kapag hindi pa siya nagsalita. Hindi ko alam kung kailan mauubos ang kaaway ng pamilya namin at alam kong hindi sila titigil hangga’t hindi kami napapabagsak. Huminto ako sa malaking lote at naririto na rin ang ilan sa mga tauhan namin. Private property namin ito at walang ibang nakakapasok kun’di kami lang. Malayo rin ito sa mga kabahayan at kahit na pumatay pa kami ng ilang kalaban ay walang makakarinig. Bumaba ako sa aking sasakyan at nagsindi muna ako ng sigarilyo bago ako lumapit. Nakaluhod na ang isang lalaki at duguan ang kaniyang damit. I looked at my left side and saw Gascon sitting there casually, playing with his lighter. Tinuro niya pa ang lalaki sa aming harapan at tumayo siya para lapitan ito. Tinapik niya pa ito sa kaniyang balikat at nagising naman siya at palinga-linga sa paligid hanggang sa napadako ang tingin niya sa’kin. Nanlaki ang mga mata niya hudyat na kilala niya akong talaga. Umupo ako kung saan nakaupo kanina si Gascon at pinagkrus ko ang aking mga binti habang nakamasid sa lalaking duguan at ang mga kamay ay nakatali sa likuran niya. “So, do you know me?” wika ko sabay hithit ng aking sigarilyo. “H-hindi ko po kayo kilala” “Really huh?” Tinapon ko ang sigarilyo ko at sumenyas naman ako sa isang tauhan ko. Ibinigay niya sa’kin ang semi-automatic shotgun ko na madalas kong gamitin sa sport shooting at firing. Ito ang paborito ko sa lahat dahil pati kalabaw ay kayang patumbahin nito sa isang putok lang. “When I count of three, run no matter how far. Make sure you don't get hit by my shotgun.” Tumayo ako sa kinauupuan ko at kinalagan naman siya sa pagkakatali niya. “P-pero napag-utusan lang po ako!” “One” “Boss, maawa kayo! Maniwala kayo sa’kin hindi ko po sila kilala” “Two” “Hindi ko po talaga sila kilala!” “Three” Walang pag-aalinlangan siyang tumakbo at pinapanuod ko lang siya habang papalayo siya sa kinaroroonan namin. Sinimulan kong ikasa ang baril na hawak ko at isang bala lang ang inilagay ko roon. “Boss, ikaw na ang gagawa?” tanong sa’kin ng isang tauhan ko. Ngumisi lang ako sa kaniya at tiningnan ko naman si Gascon na nasa kabilang gilid ko. Nakasandal lang siya sa may puno at naka-krus ang mga braso. Alam niya ang susunod kong gagawin kaya hinayaan na lang niya ako. Sinimulan ko nang maglakad at bitbit ko naman ang shotgun ko. Naririnig ko pa ang paghawi niya sa mga matataas na damo at tunog ng kaniyang pagtakbo. Napangisi na lang ako at nakita ko na kaagad kung saang direksyon siya patungo. Tinutok ko na kaagad ang baril ko at inasinta itong mabuti dahil isang bala lang ang inilagay ko rito. “Gotcha,” bulong ko at pinaputukan ko siya. Narinig ko ang malakas niyang sigaw na may kasamang mura. Tinamaan ko lang siya sa kaniyang binti at hindi pa ito ang oras para mamatay siya. Naglakad ako papunta sa kaniya at huminto naman ako sa kaniyang harapan habang namimilipit siya sa sakit at marahan niya akong tiningala. Bahagya akong umupo at kinuwelyuhan siya habang nanlilisik ang mga mata kong nakatitig sa kaniya. "Are you really not going to tell me who tried to kill me?" Umiling siya at saka naman ako tumayo. Inapakan ko ang sugat niya na mas lalong nagpalakas ng sigaw niya at mariin ko pa itong idiniin. “H-hindi ko talaga sila kilala! Napag-utusan lang ako dahil malaki raw ang ibabayad nila sa’kin.” Natigilan ako muli kong nilagyan ng isang bala ang baril ko. “You have a younger brother and younger sister right?” Gulat siyang napatitig sa’kin at simpleng napangisi ako. Bago pa ako makapunta rito ay pina-imbestigahan na siya ni Gascon at kaagad naman niyang sinabi sa’kin. He’s an ex-millitary and because he lost his job due to his corrupt practices, he accepted this job to kill me in exchange for a large sum of money. “Huwag mo silang idadamay rito, wala silang kinalaman. Kung gusto mo akong patayin, ako na lang.” Bahagya akong natawa at tumingin sa malayo. “Wala naman akong mapapala kung papatayin kita ngayon. Ang gusto ko ay makita nila kung gaano kamiserable ang buhay mo at kung paano kita patayin sa harapan nila.” Sunud-sunod siyang umiling at humawak sa isang binti ko. “H-huwag po, maawa po kayo sa kanila. Bata pa po ang mga kapatid ko at nag-aaral pa lang sa kolehiyo. Bigyan niyo lang po ako ng konting panahon para malaman kung sino ang nasa likod nito. Hindi ko po talaga sila kilala at ang alam ko ay mataas na tao ang nag-utos nito,” nanginginig ang boses niyang pagmamakaawa sa’kin. Muli akong nagsindi ng sigarilyo at umupo sa kaniyang harapan. Binuga ko ang usok nito sa kaniyang mukha at tinapik siya sa kaniyang balikat. His family is his weakness, and I'll use that against him first to find out who the man he's referring to. “I’ll give you three days. At kapag wala ka pa ring balita, alam mo na kung ano ang mangyayari sa’yo. Kahit saang lupalop ka pa magtago mahahanap pa rin kita.” Tumingin ako sa mga tauhan namin na nakamasid din sa amin sa ‘di kalayuan at sumenyas ako. Lumapit sa’kin ang dalawang tauhan at inutusan ko silang pakawalan siya at ihatid sa bayan. Nang makalapit na ako kay Gascon ay iiling-iling siya ng nakangisi sa’kin. “I think you have no mercy at all.” Tinapon ko ang sigarilyo ko at binigay sa kaniya ang shotgun. “I’m not like you, Gas. I give chance to others but it’s only one chance” “Kill him after that” “I will.” Tinalikuran ko na siya pagkasabi kong iyon at sumakay na sa aking sasakyan. Dumeretso na akong kaagad sa mansyon at naabutan ko naman si Lucas sa sala at kasama niya ang asawa niyang si Ayvee. Nang makita nila ako ay kaagad akong sinalubong ni Lucas at hinila pa ako sa kabilang sulok na ikinataka ko. “Kapag nagtanong sa’yo si Ayvee always say no or hindi mo alam. Mapapatay ako ng asawa ko.” Tumaas ang isang kilay ko at sinulyapan ko si Ayvee na papunta na sa kinaroroonan namin. Ito ang dahilan kung bakit ayokong mag-asawa. I always do what I want to do at kapag nangyari ‘yon ay magiging katulad na rin ako ng mga kapatid ko na under de saya. Naturingang mga kinatatakutan dito sa amin pero sa asawa lang pala sila matatakot. “She’s here,” bulong ko sa kapatid ko at humarap naman ako kay Ayvee at pilit ang mga ngiti kong bungad sa kaniya. “How are you my dear sister-in-law?” Inisang hakbang niya pa ako at tumingin kay Lucas at saka niya ako muling binalingan nang tingin. “May binalak ba kayo nitong si Lucas?” mariing saad niya. “Hindi ko alam.” Siniko ako ni Lucas pero hindi ko siya nilingon. Punyeta kasing away mag-asawa bakit kailangan pa ko madamay?! Ang hirap maging bunso lagi na lang akong talo sa tatlo kong kapatid. “Anong hindi mo alam? Magsabi ka nga sa’kin ng totoo. Si Lucas ba ang nagplano ng Montealegre’s rule kaya lahat ng tauhan dito ay wala?” may halong galit na sa tono niya. “Hindi ko alam” “Anong hindi mo alam?! sigaw niya pa. “Bakit ba ako ang tinatanong mo?” Nilingon ko ang kapatid ko at masama na ang tingin niya sa’kin. “Hoy Kuya Lucas! Ayoko masangkot sa away niyo ni Ayvee kaya sabihin mo na sa kaniya ang totoo na ikaw talaga ang nagsuggest ng Montealegre’s rule. Ang usapan natin susunod ka kapag nakaalis na si Ayvee pero wala ka ro’n,” pagbubunyag ko na mas lalong ikinasama nang tingin niya. Iniwanan ko na sila at bago pa ako makaakyat ay narinig ko ang pagsigaw ni Ayvee sa pangalan ni Lucas. Nangingiti na lang ako habang papunta sa kuwarto ko at ang sarap lang pagtripan ng dalawang ‘yon kapag nag-aaway. Lucas made a promised that he would not kill again and would not get involved in any more of our family's troubles. But he cannot escape that destiny, because being a Montealegre, led by our father, is already marked in our blood and body. Hatinggabi na ay nakaring ako ng sunud-sunid na katok sa aking kuwarto. Pupungas-pungas akong bumangon para buksan ang pintuan at bumungad naman ang isa naming tauhan at seryosong nakatingin sa’kin. Sinabi niyang may mga pulis daw sa baba at hinahanap daw ako. Napaisip ako na nakapagpakunot ng aking noo at naalala kong bigla ang lalaking nagtangka sa buhay ko. Marahil siya ang nagsumbong sa mga pulis at nireport ako nito. Kaagad akong bumaba habang sinusuot ko naman ang t-shirt ko at naabutan ko ang ilang pulis na nakatayo sa harapan ng malaking pintuan namin. Nilapitan ko sila at isa-isa ko naman silang tiningnan. Malaki ang respeto nila sa pamilya namin at ito ang unang beses na may napuntang pulis sa mansyon. “Good evening po Mr. Trevor Montealegre,” bati sa’kin ni Sgt. Nolasco. “Pasensya na po kayo kung naistirbo namin ang pagtulog mo may kailangan lang po kaming itanong sa inyo” “What is it?” “Puwede ho ba kayong maimbitahan sa presinto?” Tumango ako sa kaniya at pinauna ko na muna sila sa sasakyan. “Don’t tell this to my brothers. Tatawagan na lang kita once I settled this,” wika ko sa tauhan ko. Sumang-ayon naman siya at nagtungo na rin kami sa presinto. Hindi ako sumakay sa sasakyan nila at dinala ko ang sarili kong sasakyan. Nang nasa presinto na kami ay nagulat ako nang tanungin nila ako sa isang bagay na hindi ko inaasahan. Napahilamos na lang ako sa aking palad at napakuyom ako ng aking palad. “How did she die?” takang tanong ko sa isa sa nag-iimbestiga sa’kin. “Nakita siyang palutang-lutang sa palaisdaan sa Quezon-Quezon at ang hinala namin ay sinadya siyang lunurin” "And what does her death have to do with me?" Nagkatinginan pa sila ni Sgt. Nolasco at pagkuwan ay pinagsiklop niya ang mga palad niya sa lamesa. Seryoso siyang nakatingin sa’kin at pinaalis muna niya ang ibang pulis na naririto sa interrogation room. Tatlo na lang kaming nandito at muli niya akong binalingan. “Mr. Montealegre, kaya ko pong lusutan ito kung sasabihin niyo lang at hindi madadawit ang pamilya niyo rito sa kasong ito.” Napasandal na lang ako sa upuan ko at mapait na napangisi sa kaniya So he thought that I’m the one who killed that young girl. How cruel is this f*****g investigator and he was able to accuse me of that so easily. "Do you know what you're talking about?" sarkastikong tanong ko sa kaniya. “P-po?” “Gaano ka na katagal sa serbisyo mo?” Hindi siya kaagad nakasagot at nagbaba lang nang tingin. “You think that I killed her?” “Mr. Montealegre,” awat sa’kin ni Sgt. Nolasco at sumenyas lang ako sa kaniya na nagpatahimik sa kaniya. “N-naku hindi po! M-may nakakita po kasi sa inyo sa isang kainan na magkausap at magkasama eh. Hindi naman po gano’n ang ibig kong sabihin” Kinapa ko ang bulsa ko para magsindi sana ng sigarilyo pero naunahan na ko ni Sgt. Nolasco at inabutan niya ako. Kinuha ko ito at siya na rin ang nagsindi. "Does anyone see how I killed her?” Nagkatinginan pa sila at sabay na napayuko. Pinatay ko na agad ang sigarilyo ko kahit na nakakaisang hithit pa lang ako at mariin ko iyon diniin sa lamesa. Tumayo ako at itinukod ko ang dalawang palad ko sa lamesa at doon lang nila ako muling binalingan nang tingin. “Don’t ruin your reputation Mr. Investigator at ayusin mo ang pag-iimbestiga niyo dahil baka kayo ang mapatay ko,” pagbabanta ko sa kanila na ikinagulat nila. Hindi ko na sila hinintay pang makapagsalita at lumabas na ako ng interrogation room. Napahinto ako ng may makita akong isang babae na hindi magkamayaw sa pag-iyak. Halos maglupasay na ito sa sahig at inaawat naman siya ng kaniyang asawa. “Sila ang magulang ng babaeng namatay.” Napalingon ako sa gilid ko at nakatayo naman si Sgt. Nolasco na nakamasid sa mag-asawa. Muli kong itinuon ang atensyon ko sa magulang ng babaeng pinatay at nag-isip ako kung sino ang posibleng pumatay sa kaniya. Kaagad ko namang tinawagan si Julius na siyang tauhan ni Gascon ng makasakay na ako ng aking sasakyan. Ibababa ko na sana ang tawag dahil baka himbing pa siya sa pagtulog dahil hindi niya sinasagot ang tawag ko nang marinig ko ang paos niyang boses sa kabilang linya. “Hello, Julius?” “Hmmmn, gabing-gabi na Trevorcio ah. Don’t tell me nagbago na isip mo at ipapapatay mo na ang ex-millitary na ‘yon?” “Not that. Gusto kong alamin mo kung sino ang pumatay kay__” Natigilan ako sa sunod kong sasabihin dahil hindi ko alam kung ano ang pangalan ng babaeng inirereto sa’kin ni mama. “May babaeng pinatay raw sa palaisdaan sa Quezon-Quezon and I want you to look for it” “Trevorcio naman, ano naman ang kinalaman mo ro’n e’ hindi naman natin kilala ‘yon. Pulis ka na ba ngayon?” Napahilot na lang ako sa aking sentido at bumuga sa hangin. Sinabi ko sa kaniya ang dahilan at detalye at doon lang siya nagising sa sinabi kong iyon. Pagkatapos naming mag-usap ay papaandarin ko na sana ang sasakyan ko nang makita kong lumabas ang magulang ng babaeng pinatay. Kailangan kong malaman kung sino ang may kagagawan no’n at bakit siya pinatay. And what does this have to do with me?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD