CHAPTER 5

1989 Words
KIMMIE’S POV: Dinala ako ni Trevor sa mansyon nila at pagbaba namin ay sinalubong kaagad kami ng may karamihang tauhan nila. Binati siya ng mga ito at dere-deretso naman siyang naglakad at ako naman ay nasa kaniyang likuran lang nakasunod. Humarang sa aking harapan ang isang tauhan niya at napatingala na lang ako sa kaniya dahil masyado siyang matangkad. Malaki rin ang katawan nito at higit sa lahat ay may itsura rin ito. Pinagmasdan ko ang iba pa nilang tauhan na nakatayo sa gilid at wala yatang pangit sa mga ito. Dapat ba kapag bodyguard ay may pleasing personality rin? Mga model yata ang mga ito at hindi mga bodyguard niya. Feeling ko bakla itong si Trevor at nagpapanggap lang na womanizer. “Miss kailangan lang kitang kapkapan,” sabi ng tauhan niya na humarang sa’kin. “Ha?!” Gulat akong napamulagat at tinakpan ko pa ng dalawang braso ko ang aking dibdib. “Chupapi, manyakis yata itong tauhan mo eh.” Napalabi ako at tinaasan lang niya akong ng kilay. Lumapit si Trevor sa amin at mahina niyang tinapik ang tauhan niya. Umatras ito palayo at si Trevor na ang humarap sa’kin. “Iyon ang trabaho nila. Every time na may pupunta rito na bago sa paningin nila ay gano’n talaga ang ginagawa nila,” paliwanag naman niya. “Pero babae ako dapat babae rin ang gagawa no’n.” Hindi ko pa rin inaalis ang mga braso ko sa aking dibdib at napatango-tango na lang siya. Napatili ako nang hapitin niya ako sa aking baywang at seryosong nakatingin sa’kin. Dinig ko ang sarili kong paglunok at sabay awang naman ng aking mga labi. Ito ba ‘yong pinaghihinalaan kong bakla? Pakiramdam ko tuloy para akong lalamunin niya ng buhay. Inilapit niya pa ang bibig niya sa aking tainga at ramdam ko ang mainit na hininga niya roon. Nagtaasan bigla ang mga balahibo ko at pilit kong pinipigilan ang aking paghinga. “If you want, ako na lang ang kakapkap sa’yo.” Unti-unti siyang lumayo sa’kin at nagtama ang aming paningin. Mariin ko siyang tinulak palayo sa’kin at malapad pang ngumiti sa kaniya. Itinaas ko ang mga braso ko at tiningnan niya pa ako mula ulo hanggang paa. Ganiyan nga Trevor Montealegre. Kailangan kong maisagawa ang plano ko sa’yo, kailangang mahulog ang loob mo sa’kin para hindi na ako mahirapang patayin ka. This is my final mission kaya dapat magtagumpay na ako para makatakas na kami ng kapatid ko sa mala-impyernong buhay na ito. Una niya akong hinawakan sa may balikat pababa sa aking baywang. Bumaba pa ito sa aking hita kaya naman mariin akong napakagat sa aking ibabang labi. Nagulat ako ng dumapo ang dalawang kamay niya sa aking puwetan kaya mariin kong hinawakan ang dalawang kamay niya. Napahinto siya at nginisian lang niya ako. “Why? Hindi ba nahawakan ko na ‘yang gitna mo kaya dapat hindi ka na__” Hindi ko na pinatapos pa ang sasabihin niya nang takpan ko ng isang palad ko ang bibig niya. “Tumahimik ka nga nakakahiya, sa harap pa talaga ng mga tauhan mo sasabihin ‘yan?” Tinanggal niya ang kamay ko sa kaniyang bibig at inilagay naman ito sa kaniyang likuran at hinila ako. “Kung gusto mo puwede naman natin ituloy ang naudlot noon. Willing pa rin kitang pagbigyan.” Pinasadahan niya pa ng dila ang ibabang labi niya at akmang hahalikan ako nang mabilis ko siyang itinulak. “Hoy Chupapi, kahit gusto na kitang chupain diyan at L na L ako diyan sa katawan mong ‘yan hindi ko pa rin basta isusuko ang Bataan ko.” Narinig ko pa ang ilang pagtawa ng mga tauhan niya na nakapaligid sa amin at sinamaan niya pa ito nang tingin. Tumalikod na siya at saka naglakad palayo. Sumunod na rin ako sa kaniya at naisip ko iyong baril ko. Mabuti na lang bago siya sumakay sa sasakyan niya ay naitapon ko ito sa kung saan kaya kahit na halungkatin niya ang bag ko ay wala na siyang makikita roon. Kailangan kong mag-ingat sa mga ikinikilos ko lalo pa’t mahigpit kong kalaban ang mga Montealegre at tiyak akong hindi nila ako bubuhayin kung sakali mang malaman nila ang tunay kong katauhan. Nang makapasok na kami sa malaking mansyon nila ay naabutan namin ang isang lalaki at isang babae na tila may pinag-uusapan. Noong makita kami ay sinalubong siya ng may edad na babae at nagulat ako nang tadyakan siya nito. “Aray naman ‘ma! Bakit na naman ba? Ano na naman ba ang kasalanan ko?” sabay himas niya sa kaniyang binti. So, mama niya ‘to? Tinitigan ko pa ito at napamaang dahil mukha talaga siyang gangster at bata pa itong tingnan. Lumapit pa ang isang lalaki at nahinto ang tingin niya sa’kin. Madilim ang awra niya at anumang oras ay handa itong pumatay. Kaya naman pala marami ang takot sa kaniya dahil kapag sinabi niya ay talagang ginagawa niya. Pareho sila ng awra ni Uncle Cooper pero ang kapatid ni Trevor na si Gascon ay kakaiba. Hindi mo siya puwedeng banggain dahil siya mismo ang papatay sa’yo. Nagyuko na lang ako ng aking ulo dahil hindi ko kayang salubungin ang mga tinging nakakamatay ni Gascon. Ewan ko ba kung bakit bigla na lang akong sumama rito kay Trevor at mabuti na lang ay hindi niya ako nakilala kanina. “Balak mo talagang patayin si Dexter?!” galit na sigaw ng mama niya. Napaangat ako ng aking ulo at napatingin sa kanilang dalawa. Tumikhim pa si Trevor at hinila ang mama niya palayo sa amin. Napaisip akong bigla kung bakit balak niyang patayin si Dexter at ano ang koneksyon niya rito? Hindi ko alam kung ano na ang balita sa kaniya kung napatay ba siya ni Trevor. Tatawagan ko na lang ang kanang -kamay ni Uncle Cooper para makibalita sa sitwasyon ni Dexter. Hindi ko pa rin alam kung ano ang magiging desisyon ni Uncle gayong hindi naman ako ang bumaril sa kaniya. Alam kong malalaman niya rin iyon dahil meron siyang mga mata sa paligid. “You must be startled?” Mabilis akong napalingon kay Gascon nang magsalita ito. Seryoso siyang nakatingin sa’kin at ang dalawang kamay ay nasa kaniyang bulsa. I have to act like I didn’t know about their family. “H-ha? Ahhm, m-medyo.” Ito ang unang beses na nakaharap ko siya. Bago ko gawin ang misyon na ito ay pina-imbestigahan muna ni Uncle Cooper ang pamilyang Montealegre. Gascon is a Mafia Devil at mas pinag-iingat ako ni Uncle Cooper sa kaniya dahil alam niya kaagad sa unang kita pa lang kung isa ba itong kalaban. Kaya kinailangan kong magpanggap at advantage na rin sa’kin ang pagiging kaibigan ni Ayvee dahil tiyak akong hindi nila ako paghihinalaan. “You must be Ayvee’s friend am I right?” Natigagal ako sa sinabi niyang iyon at alam niyang kaibigan ako ni Ayvee. “P-paano mong__” “I saw you in her wedding day” Matagal na ‘yon at natandaan niya pa ako? Sa dami naming nagpunta ako pa talaga ang natandaan niya? Tama nga si Uncle that he has a sharp brain at hindi siya basta-basta. Magsasalita pa sana ako ng biglang dumating si Ayvee. Kaagad siyang lumapit sa akin at mahigpit akong niyakap. Nang kumalas siya sa’kin ay sinuri niya pa ako at pinamey-awangan. “Anong ginawa sa’yo ni Trevor? At bakit mo siya kasama? Wala ka bang ginawang kamanyakan sa kaniya?” Pinandilatan ko siya ng mga mata at tinakpan ang kaniyang bibig, “Ano ka ba naman Ayvee, siya ang nagdala sa’kin dito.” Tinanggal niya ang kamay ko at pinanliitan pa ng mga mata. Bago pa kami makarating dito ay nagmessage ako sa kaniya na dadalawin ko siya at kinuwento ko na rin sa kaniya ang nangyari para kung sakali man ay hindi na siya magulat pa. Matagal na kaming magkaibigan at higit niya akong pinagkakatiwalaan pero sa sitwasyon ko ngayon ay mukhang magiging kalaban ko na rin siya sa bandang huli at iyon ang kinakatakutan kong mangyari. Binalingan niya si Gascon at hinarap pa ito. “Hindi mo naman siguro tinakot si Kimmie ano?” Sa gulat ko ay hinawakan ko siya sa kaniyang braso at hinila ito. “Hoy Ayvee, hindi niya ‘ko tinakot.” Pero ang totoo ay kinakabahan ako na baka maghinala siyang bigla sa’kin. “Tinanong lang niya sa’kin kung ako raw ba ‘yong kaibigan mo. Natandaan pa pala niya ako.” Pilit ang ngiti ko para maikubli ang kaba ko. Tinapunan pa ako nang tingin ni Gascon bago siya tumalikod. Doon lang ako nakahinga ng maluwag at siya dapat ang iwasan ko. Umupo kami ni Ayvee at nagkuwentuhan ng kaunti. Sa totoo lang ay namimiss ko na rin na kasama siya iyong tipong wala pa ako sa poder ni Uncle Cooper. Kung may sapat na pera lang ako para sana pampagamot noon ni Hazel ay hindi ako mapupunta kay Uncle Cooper at tatanggapin ang alok niya kapalit ang pagiging assassin. Ilang sandali pa ay dumating naman ang mama nila Trevor at pabagsak na naupo sa mahabang sofa. Sapo nito ang kaniyang ulo at halata sa kaniya ang inis at dahil siguro iyon kay Trevor. “Ma, anong nangyari?” tanong ni Ayvee sa kaniya. Umayos pa nang pagkakaupo si Mrs. Montealegre at pagkuwan ay tumingin pa sa akin at wari ko’y ngayon lang niya ako napansin dahil nagulat pa siya nang makita ako. “Hindi ba ikaw ang kasama kanina ni Trevor?” Ngumiti ako sa kaniya at tumango. “Hija, gusto mo ba ang anak ko?” deretsang tanong niya sa’kin. Ow em gee! Ito ‘yong napapanuod ko sa mga drama eh. Tapos kapag sinabi kong gusto ko ang anak niya aalukin ako ng ilang milyon para layuan siya. Pero mas pipiliin ko pa rin ang misyon ko kahit na anong mangyari at magpapanggap pa rin ako na gustong-gusto ko ang anak niya. “Oo naman po Mrs. Montealegre, ang guwapo kaya ng anak niyo at ang masculine pa kaya sobra akong naattract sa kaniya,” nakangiti kong turan. “Talaga, hija? Mabuti naman kung ganoon! Pag-usapan na natin ang kasal niyo.” Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niyang iyon at napalingon ako kay Ayvee na iiling-iling lang. Shit! Napasubo yata ako. Hindi ganitong set-up ang inaasahan ko. Akala yata niya ay girlfriend ako ng anak niya. Tinanggihan ko ang alok ni Uncle Cooper tapos heto na naman ipipilit din akong ipakasal ni Mrs. Montealegre sa bunso niyang anak. “P-po? Kasal agad? Hindi po ba puwedeng ligaw muna? Dalagang Pilipina po ako Mrs. Montealegre eh,” malumanay kong sagot sa kaniya. “Hindi ka magsisisi sa kaniya, hija. Guwapo naman ang anak ko, mayaman, matikas ang pangangatawan. At saka hija Malaki ang t**i no’n kaya hindi ka lugi.” Napaubo na lang ako dahil sa sinabi ni Mrs. Montealegre at hindi ko kinaya ang narinig kong ‘yon. “Mama!” sabay kaming tatlong nagulat dahil sa sigaw na ‘yon. Napalingon kaming tatlo at nakita kong nakatayo sa may hagdan si Trevor na tila narinig ang sinabi ng kaniyang ina. Salubong ang kilay niya at ang tanging suot lang niya ay kulay gray na jogger pants. Bumaba ang tingin ko roon at hindi nga nagsisinungaling ang mama niya. Tang-ina! t**i yata ng higante ang nakikita ko. Lumapit siya sa kinaroroonan namin at nakatulala naman ako sa kaniya habang papalapit siya. Huminto siya sa harapan ko at kinuha ang kamay ko na mas lalo kong ikinagulat. “Ayokong titingnan mo lang ito, gusto kong maramdaman mo rin ito.” Hinila niya ako at hindi man lang pinigilan nila si Trevor habang kinakaladkad ako papunta sa itaas. Fuck! Gusto ko nang itigil ang misyon na ito at mukhang ako yata ang talo rito. Kung puwede lang talaga ilabas ko ang kakayahan ko ay kanina ko pa ginawa. Lalabas yata ako ng mansyon ng hindi na virgin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD