Kryne's Point Of View* Nakasakay na ako sa sasakyan habang minamaneho ni Kuya Driver ang sasakyan papunta sa Restaurant kung saan kami magdedate ni Dio. Tiningnan ko ang phone ko at ang pinagtataka ko ay hindi talaga siya sumasagot. Kanina ko pa siya tinatawagan. "Kuya, may alam ka ba kung bakit hindi sumasagot si Dio?" "Sa pagkaka alam ko po ay may tinapos siya saglit sa opisina po pero papunta na siguro siya sa Restaurant po." "Ah okay, thank you." Sumandal ako at tumingin sa labas ng bintana at gabi na talaga. "Ano kaya ang gagawin namin ni Dio matapos mag date." Mahinang ani ko at napangiti ako habang nakatingin sa labas ng bintana. Nang biglang napahinto ako dahil nakita ko ang isang matanda na natumba sa daan at parang nahimatay siya. Wala man lang kahit isa ang tumulong s

