Kris's Point Of View* Hinatid niya talaga ako as in! Pinutos ko na lang na kunin ang sasakyan na naka park sa bar. Hindi din naman niya alam na may dala akong sasakyan. Paano kaya ako makakatakas sa kanya. Napatingin ako sa kanya na nakatingin sa daan nang biglang kumidlat ng malakas na kinatakip ko sa tenga ko. Nakakagulat naman eh! Don't tell me uula--- Biglang bumuhos ang malakas na ulan na kinalaki ng mga mata ko at timing din na malayo layo pa ang uuwian ko. Nakisama atah ang tadhana sa lalaking ito. "Are you okay?" Hinawakan niya ang dalawang kamay ko na nakahawak sa tenga ko na parang tinulungan niyang takpan ang tenga ko. "What are you doing?" "Helping you. Baka takot ka sa kidlat." "Di ako takot sa kidlat. Sino namang bata ang natatakot sa kidlat?" Dahan dahan niyang t

