3rd Person's Point Of View* Nasa loob ng kwarto ngayon si Logan at di pa din niya tanggap ang balitang wala na ang kanyang Ama. Hindi man lang niya na protektahan ang Ama niya. Biglang tumunog ang cellphone niya at agad naman niya iyong tiningnan at napakunot ang noo niya nang makita niya ang pangalang Boss. Nanginginig na kinuha niya ang cellphone niya at sinagot ang tawag. "Boss?" "Logan, nasaan ka ngayon?" "Ano pang kailangan niyo sa akin? Pinatay mo na ang Ama ko diba! Wala kayong kwenta!" "Your Father? He's still alive. Open your camera." Nanginginig niyang binuksan ang Camera at agad bumungad sa kanya ang mukha ng Boss niya at mukhang nasa ibang lugar ito. Tinapat nito ang Camera sa Ama nitong nakahiga sa kama at may buhay pa ito. "He's alive at binaril ko lang siya ng pampat

