Hindi ko maintindihian si Manager. Sa gabing ito, ang dami kong nalaman tungkol sa kanya. Una ang hilig niya sa pangongolekta ng kung anu-anong bagay na may kinalaman sa s*x, at kadalas ng laman ng bookshelves tungkol sa body rope. Pangalawa ang pagkakaroon niya ng relasyon sa kapwa lalaki na kailan man hindi ko inasahan na sasabihin niya. Ngayon, unti-unting lumilinaw ang lahat. Pero ang hindi ko maintindihan— ang inaasal niya ngayon. "Manager, gusto ko na pong umuwi—" matapos ko magmakaawa sa kanya, bigla niya akong sinampal sa pisngi. Hindi ko masyado ramdam ang sakit dahil hanggang ngayon may tama parin ang alak sa sistema ko. At isa lang sampal sa kabila kong pisngi. Ang malinaw sa akin ang matalim niyang tingin, "Tumahimik ka diyan Travis

