Simple lang naman ang gusto ko mangyari, magawa sa mga inatas sa aking gawain ng aming guro.
Hindi ko inasam na bumagsak ang grado ko ngayon patapos na ako sa pag-aaral ko bilang 4th year college.
Pero sa isang iglap, nagbago ang takbo ng buhay ko.
Hindi ko inasahan na magiging kapares ko pa siya sa proyekto na binigay sa amin.
Ang malala pa, may natuklasan ako sa kanya na ako lang ang nakakaalam. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko sa kanya.
Kung gaano kalakas ng loob ko, ganoon din kalakas ang kabog ng dibdib ko nang mari ig ko ng malinaw ang mga impit niyang ungol. Lalo pa akong kinabahan nang makita ko si Simon, nakahiga sa kama.
“s**t,” Anong ginagawa niya?
Bagay na bagay bansag sa kanya ng mga classmate namin.
Tinatawag siyang, SLEEPING MONSTER!