Chapter- 4

2166 Words
Makalipas ang anim na buwan. “Ms. Moran, Mr. Montemayor need you there. Pinapatanong niya kung kaya mo pa ba mag attend sa pagtitipon na iyon. Isa pa, chance mo na ito para lalong umangat ang pangalan mo.” “Sir, hindi na po ako convenient na um-attend ng kahit anong party sa kalagayan kong ito. Ilang araw na lang manganganak na ako. Ibang architect na lang ang ipadala ninyo, sir. Hope you understand.” “Pero malalaking client ang gustong ma-meet ka. After meeting them, puwede ka nang magpaalam. Pag-isipan mong mabuti. Alam kong kailangan mo iyon dahil sa kalagayan ninyong mag-ina.” Hindi nakaimik si Nadine. Hindi naman niya inilihim sa boss niya ang totoong status niya. Dahil mabait ang may-edad na lalaki ay tinanggap siya nito matapos makapasa sa ibinigay nitong examination sa kanya. “Sige po, sir, pag-iisipan ko.” Agad siyang nagpaalam dahil dadaan pa siya sa kid’s shop. Baka isa sa mga araw na ito ay manganak na siya at wala pa siyang naihahandang gamit ng baby niya. Dalawang lalaki pa naman ang laman ng kanyang tiyan. Kaya nitong mga huling araw ay hirap na siya, lalo na ’pag nagsabay na gumalaw ang mga ito, parang nililindol ang katawan niya. Busy siya sa pagdampot ng mga damit ng baby sa babies’ section nang mabangga siya ng humahangos na babae. Muntik na siyang matumba kung hindi siya nakahawak sa isang bagay. “Hmmm.” Bagay ba o tao ang hinahawakan niya? At dahil sa sobrang laki ng tiyan ay hindi agad siya nakabawi ng tayo. Kailangan pa siyang alalayan ng kung sinuman ang kinukuhanan niya ng balanse. “Thanks,” aniya nang makaayos siya ng tayo. “Where is your husband at hinahayaan kang mag-isa?” “Pasensiya na po . . .” Parang nakakita ng multo si Nadine nang makilala ang lalaking nakaalalay sa kanya. Kumabog ang puso niya sa lakas ng kaba. “Jesus! Oh my God!” Nangangatog na agad siyang lumayo at nagbaling agad ng mukha sa ibang direksiyon. “S-Salamat.” Hindi na niya binalikan ang mga nakalagay sa basket. Agad niyang sinikap makalayo. Hindi siya puwedeng magkamali, si Lath Montemayor ang lalaking iyon. Ang mga matang iyon, hindi niya iyon magagawang kalimutan. ‘B-Bakit nandito siya?’ Nang makarating sa parking lot ay hingal-kabayo siya. Halos panginigan siya ng mga tuhod. Agad niyang kinapa sa bulsa ang key pero wala ang bag niya, naiwan din pala niya sa cart. Kailangan niyang balikan iyon pero baka nandoon pa ang lalaking iyon. Dahil nangangalay na siya sa bigat ng tiyan ay umupo siya sa gutter sa gilid ng kotse niya. *** “MISTER, naiwan po ng asawa ninyo ang bag niya.” Napalingon si Lath sa babaeng staff. “Ako ba ang kinakausap mo?” “Yes, sir. Ito po ’yong bag ng asawa ninyo.” Sabay abot sa kanya ng bag. Alanganing tanggapin ang bag pero sa bandang huli ay kinuha rin niya iyon. “Okay na ba ang gift, miss?” “Ah, s-sir, hindi pa po pero malapit na.” Naiiling si Lath habang hinihintay ang malaking regalong ipinabalot niya. Bakit naman kasi kailangan pang siya ang bumili niyon? Kung hindi niya lang kuya ang nagpabili, nunca na papasok siya sa babies’ section. Nang matapos ay inihatid siya ng isang cart boy sa parking saka ipinasok sa back seat ang malaking regalo. Nang makaupo na siya sa driver’s seat ay naalala niyang hawak pa niya ang bag kaya parang diring-diri niya itong ibinato sa katabing upuan. Paandarin na sana niya ang kotse nang may narinig siyang ring ng phone pero hindi kanya iyon, sigurado siya roon. Hindi na niya pinag-aksayahan ng panahon pa ang tumutunog na iyon, pinasibad na niya ang kotse at tumuloy na sa opisina ng kapatid. Actually, si JB ang namamahala niyon, ang pinsan niya. Dahil sa dami ng branch nila ay kulang na sila sa tao. Katabi ng shipping company nila ang bagong bukas nilang airline company. Sa totoo lang, negosyo ng mga Mondragon ang airline na ito pero mula nang mapangasawa ng Kuya Dale niya ang isa sa mga ito, pumayag ang kuya sa hipag na magtayo sila ng mga airline company. “Kuya, nasa kotse na ang regalo, ikaw na ang bahala doon. Ibang kotse na lang ang gagamitin ko.” Tatalikod na sana siya nang magsalita si Dave. “Brother, walang vacant na sasakyan ngayon dahil nasa emergency board meeting si Dale at JB kaya iakyat mo dito ang regalo at makakaalis ka na.” Wala siyang choice kaya agad siyang bumaba ng basement kung saan naka-park ang sasakyan. Dinala niya ang malaking kahon paakayat sa 15th floor, sa opisina ng Kuya Dave niya. Nadaanan niya ang secretary ng kapatid kaya doon niya ibinagsak sa ibabaw ng table ang kahon. “Bring this inside the office.” At agad ding umalis. Nang makapasok siya sa loob ng sasakyan ay nagmamadali siyang pinaandar iyon. Panay pa rin ang tunog ng kung ano sa bag kaya napilitan siyang buksan iyon. Hinanap niya ang phone, natuon ang pansin niya sa isang car key at isang small white envelope. Dadamputin na sana niya iyon nang matuon ang pansin niya sa isang ID. Agad niya iyong kinuha at mabilis ding tiningnan. Parang nakalunok ng malaking buto si Lath na dahilan ng pagkakasamid sa lalamunan niya. “Sh*t! The girl that night!” Hindi siya pwedeng magkamali, siya itong babae na matagal na niyang hinahanap. Binasa niya ang ID at biglang namilog ang mga mata. So she is the best architect na sinasabi ng kanyang Kuya Dave na gumawa ng plano ng airline na pinamamahalaan ni JB. Kaya pala hindi mawala sa isipan ang pangalang yon na nabanggit ng kaniyang pinsan. Sa katunayan ay nilagay pa niya ang name na yon sa white board niya sa library niya. Hinalungkat pa niya ang laman ng bag at ilang gamit pambabae lang ang laman niyon. Kinuha niya ang isang leather wallet at binuksan iyon. Ilang dadaaning dollars lang ang laman, wala ring credit card. ‘So ang buntis na iyon ang babaeng ito? Oh, sh*t! Meaning, she’s already married.’ Parang nanghihinang napasandal siya sa upuan habang nag iisip. Tumunog uli ang phone na nasa bag kaya napilitan si Lath na damputin iyon. Nag-register sa screen ng cell phone ang OB gyn. Tulak ng kuryosidad ay sinagot niya iyon. “Yes, hello?” “I want to talk to Ms. Moran. She needs to come here right now dahil anumang oras ay puwede na siyang manganak at delikado sa twins kung ma-delay pa siya ng admission.”  “S-Sige . . . Oh, sorry, Doc. W-Wala siya dito.” “Ikaw ba ang guardian niya? Please bring her now dahil masyadong malaki ang twin sa tiyan niya. Delikado sa mga baby ’pag ma-delay sila.” “S-Sige, Doc, kakausapin ko siya.” Matagal na niyang naibaba ang phone ngunit hindi pa rin siya makahuma. Imbes na paandarin ang kotse ay kinuha uli niya ang phone ng babae. Mabuti na lang at walang passcode iyon. Nag-return call siya sa OB. Matapos makuha ang address ng clinic nito ay pinasibad niya ang kotse. Hindi naman nagtagal ay narating agad niya ang clinic, mabuti at walang tao. Halos magtilian ang mga nurse na madaanan niya. “Knock the door first.” Iyon ang nakasulat kaya sinunod niya iyon. “Please come in.” “Ah, Doc, I’m her h-husband . . . I mean husband of Nadine Moran,” aniya sa OB gyn nang makapasok siya. “Oh, I see. Have a sit. What do you want to know at nasaan pala siya?” Binasa ng doktora ang files ni Nadine sa computer. “Mister, sigurado ka bang ikaw ang husband? Nakalagay dito na single siya at guardian lang ang nakasulat ditong pangalan at hindi ang pangalan ninyo ang nakalagay dito.” “Y-Yeah, I’m her husband. Sure ako doon, Doc. May kaunting tampuhan lang kaya galit iyon sa akin. Gusto ko lang malaman kung ano’ng status ng mag-iina.” “She needs to come here immediately dahil hindi siya dapat abutan ng due kagaya ng sinabi ko sa ’yo sa phone. Malaki ang twins, delikado sa kalagayan nila. “Give me your ID, mister. I want to copy your details for the record.” Wala siyang choice kaya dinukot niya ang wallet at hinugot ang ID na naroon. “Oh, you’re the famous lawyer in the whole Asia? I saw your achievements. Nice to meet you, Attorney Montemayor.” Malapad na ngumiti ang doktora sa kanya. Wala siyang choice kundi hanapin si Nadine. Medyo late na rin kaya alam niyang hindi na niya ito maaabutan sa mall kung babalikan niya doon dahil gabi na, gano'n rin sa opisina nito. Sinubukan niyang hanapin na lang ang tinitirhan nito. Hindi naman nagtagal ay natagpuan niya ito. Agad siyang nag-doorbell dito pero walang nagbubukas. Sinubukan niyang buksan iyon pero naka-lock ang pinto. Binuksan niya ang bag naghanap doon ng card key ng apartment at agad niyang nakita iyon. Binuksan niya ang pinto at nagmamadaling pumasok doon. Maliit lang iyon, dalawang pinto lang ang nakita niya. Pinihit niya iyon at tumambad sa kanya ang isang nursery room. Humakbang siya papasok at bigla ang paglukob ng kakaibang pakiramdam niya habang hinahaplos ang crib. Ilang minuto rin siya sa loob nang maiisipan na niyang lumabas. Binuksan niya ang kabilang room at isang semi double bed ang nandoon. Simple lang ang room pero habang pinagmamasdan niya ang kabuuan ng silid ay dinala siya ng kanyang mga paa palapit sa bed. Ibinaba niya ang bag sa side table at parang hinihila siyang mahiga sa ibabaw ng kama. Hinubad niya ang sapatos at agad na inilapat ang likod sa malambot na higaan. Inabot niya ang isang unan at inamoy iyon. Bigla ang realisasyong bumalik sa kanya ang gabing iyon. Ang akala niyang panaginip ay totoo. Ang amoy na nasa unan ay hindi niya malilimutan. Matagal niyang niyakap ang unan habang nakalapat sa kanyang mukha ang dulo niyon. Dinadama niya ang kabuuan ng unan at nilalanghap-langhap ang amoy nito. Parang baliw lang siya. Kung may makakikita sa kanya, malamang na matatawa sa kanya. Ang isang famous lawyer na si Lath Montemayor ay ganito—pati unan ay pinagsasamantalahang halik-halikan. Agad siyang bumangon nang ma-realize ang pinaggagawa. Naupo siya sa gilid ng kama. Inabot niya ang bag para kunin ang phone. Binuksan niya iyon at naghanap ng matatawagan. Kailangan niyang mahanap ang dalaga dahil delikado ang bata sa tiyan nito. Ton. Len. Gan. Alin sa tatlong ito ang tatawagan niya? Si Gan ang tinawagan niya. “Sistah!" malakas na sigaw sa kabilang line. “Somebody’s using your phone here! Kausapin mo dali, buntis.” “Yes, hello? Actually I’m here in your apartment right now. Can you come over here?” “Y-Yes, papunta na ako, please stay.” Matapos maibaba ang tawag ay para siyang teenager na bagong nai-in love. Bigla ang rigodon ng kanyang puso. Twenty minutes din nang may nag-door bell. Agad siyang tumayo at hinila ang pinto. Natulala naman ang dalawang babaeng nasa harapan niya. Nilakihan niya ang bukas ng pinto saka binigyan ng daan ang buntis. Tulala naman ang isa pang babae na nakatingin sa kanya. Natawa na lang siya. Bakit ba lahat ng babaeng mapatingin sa kanya ay natutulala? “W-What are y-you doing h-here?” pautal-utal na tanong ni Nadine sa kanya. “Ako ang nakakuha ang bag mo kaya hinanap ko ang address mo. Then your OB gyn talked to me. You need to go in the hospital right now dahil delikado raw ang twins sa tummy mo. Masyado daw silang malaki kaya hindi ka dapat maabutan ng due.” Si Morgan ay palipat-lipat ang tingin sa kanilang dalawa. May naaamoy siyang kakaiba dahil sa pananalita ng kaibigan at sa lalaking ito na saksakan ng guwapo na iba ang kilos. Aalamin niya ang bagay na ’yon. Hindi naman siya tsismosa, slight lang, lalo na’t sangkot ang taong malalapit sa kanya. “Nasa room mo ang bag mo. Be prepared, ihahatid kita sa ospital. . . .” “No need, Mr. Montemayor!” Sa narinig ni Morgan ay nanlaki ang mga mata niya. “But I want to,” pagpupumilit niya rito. Hindi pa man sila formal na makakilala ay kakaiba ang kaniyang nararamdaman. Basta gusto niyang samahan ito. “No, thanks. I can manage,” agad na sagot niya sa lalaki. “Isa pa, nand’yan ang kaibigan ko.” Pormal ang mukha na tumingin siya sa binata. Hindi naman makapaniwala si Lath na gano’n kalamig makipag-usap sa kanya ang dalaga. Walang siyang choice kung hindi ang magpaalam na at tuluyang umalis. Agad na naghanda si Nadine ng mga gamit niya pero wala pala siyang nabibili pa. Kailangan niyang makisuyo sa mga kaibigan na bilhan ng mga gamit ang  mga bata dahil kailangan na niyang dumiretso na sa hospital. Gustong magtanong ni Morgan pero iginalang niya ang pananahimik ng kaibigan. “Ako na ang bibili pagkahatid ko sa iyo.” >>>
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD