"Sigurado ka bang dito ang tinutukoy ng kaibigan mo? Hindi lang ito ang kweba rito." "Hindi ako sigurado, ina. Ngunit tingnan na lamang natin. Baka narito sila." Parang pamilyar sa akin ang boses na iyon, ah? Si Nina ba iyon? Natutulog na si Clara sa tabi ni ina ngayon. Si ina naman ay tinatapik si Clara. Nagkukuwentuhan naman sina Ate Felicidad at Paulita. Inaantok naman ako. Nabigla naman ako nang sabay na sumigaw si Ate Felicidad at si Paulita. Si Clara naman ay biglang nagising sa sigaw nilang dalawa. Tila umalingawngaw pa ang sigaw sa loob ng kweba. Doon ko lang napagtantong nakatingin na pala sila sa may ilaw hindi kalayuan sa amin. "Pasensya na kung nagulat namin kayo," narinig kong wika ng isang babae. Nagulat naman ako nang makilala ko kung sino ang may hawak ng dalawang lam

