Kabanata 1

4186 Words
"I think these are enough," sabi ko habang tinitingnan ang hawak kong plastic container na may lamang cookies na ginawa namin ng mga best friends ko. "What do you think?" I asked as I shifted my eyes to them pero parang hindi yata masaya ang dalawa. Nakasimangot lang sila. "Hey! Napano kayo?" "Ang dami naman n'yan! Ba't kaunti lang ang sa 'min ni Nikka?" Tracie complained, pouting. "Yeah," Nikka agreed. "Is he more important than us?" She pouted, too. I heaved a sigh. "Oo na," I uttered lazily. Kumuha ako ng dalawang cookies na nasa hawak kong lalagyan at isa-isang binigay sa kanila. Tinanggap naman nila. "OK na ba 'yan?" tanong ko. This time ako naman ang nag-pout. "Babaeng 'to! Nababaliw ka na talaga sa Aries na 'yon," sabi pa ni Tracie at kinuha 'yong paper bag na nasa tabi niya at inabot sa 'kin. Kinuha ko naman ito at nilagay din ang plastic container pagkatapos ko itong takpan. Boyfriend ko si Aries and sobrang pogi niya. Maraming nagkakagusto sa kaniya dahil mabait din naman siya. Mas matanda siya sa 'kin and may work na siya after he graduated last year. Lumapit ako kina Tracie and Nikka. "Sorry na." I hugged them kaya niyakap na rin nila ako. "Huwag na kayong magtampo. Love ko rin naman kayo eh." Lambing lang naman kasi ang makapagpapawi ng tampo ng mga 'to eh. "Oh siya! Umalis ka na," Nikka said to me after naming magyakapang tatlo. "Baka 'di mo na maabutan 'yong jowa mong pangit," she added. "Ang pogi kaya ni Aries," I defended. "Whatever," they uttered, rolling their eyes at me. I just laughed a mite and spoke. "Thank you sa help ninyo, ha?" Kinuha ko 'yong paper bag pati shoulder bag ko na nasa table din. "Bye, girls!" I waved at them and they just beamed. "Take care!" Pahabol nila no'ng nasa pinto na ako. "OK po!" I yelled. "Kuya Jun, sa station nila Aries," I told our family's driver pagkapasok ko sa kotse. Alam naman ni Kuya Jun kung saan nagwo-work si Aries dahil madalas naman akong magpunta roon. Pag-andar ng kotse, nakita ko pa mula rito sa bintana ang mga best friends kong nasa labas ng pinto ng bahay namin. Kumakaway sila sa 'kin. Napangiti naman ako. Ang swerte ko sa kanila. Magkaibigan kami nina Tracie and Nikka. We were classmates no'ng third year high school and magkatabi rin kaming tatlo. Since then, we became friends. We became best friends. Kinuha ko ang phone ko sa bag to call Aries pero hindi naman siya matawagan kaya I decided to text him na lang. Sinabi ko lang na papunta na 'ko and may ibibigay ako sa kaniya. I felt so excited kasi first time kong nag-bake ng cookies for him. Of course, with the help of my best friends. "Thank you, Kuya Jun!" Masiglang tugon ko. Pagkababa ko ay tinawagan ko ulit si Aries. Still, hindi siya matawagan kaya naisipan kong puntahan na lang siya sa office niya. Nasa hallway pa lang ako ng building sa ground floor, nakita ko na siya roon sa pinakagilid. May kausap siya sa phone. Kaya siguro I could not call him kanina. Lumapit ako sa kaniya pero hindi pa rin niya napapansin ang pagdating ko until nasa tabi na niya 'ko. "Pero Sir, I didn't know it would happen. It was not my fault. It was just–Sir? Hello!" I heard him sigh. He cussed afterwards. Maybe dahil binabaan siya ng kausap niya. Finally, he noticed me as soon as he turned to me. Hindi ako sure pero parang handa siyang pumatay ng tao sa titig pa lang niya. "Hi," I greeted shyly, smiling at him. "Para sa 'yo." Inabot ko sa kaniya ang paper bag na may lamang cookies. "Umuwi ka na," walang ganang sabi niya. "Ha?" I asked confusedly. "Why? May problema ba?" Hindi siya umimik. Sa halip ay naglakad siya palayo sa 'kin kaya sinundan ko siya at pumunta ako sa harap niya dahilan para huminto siya. "At least kunin mo na lang 'to." Inabot ko ulit sa kaniya ang hawak ko. "Umalis ka na sabi!" Nagulat ako sa pagsigaw at sa pagpalo niya sa hawak kong paper bag kaya tumilapon ito palayo. Nakita ko pa ang paglabas ng nakataob na plastic container na may lamang cookies. Buti na lang hindi lumabas 'yong mga cookies. Sayang naman kung sakali. Pinaghirapan pa man din namin. Napansin kong may ilang mga tao rin pala ang nakatingin sa 'min at nagsimulang magbulungan. "Ano bang problema mo? Puwede naman nating pag-usapan 'yon, ah? Aries, tell me!" Ilang sandali na lang, feeling ko babagsak na ang mga luha ko kaya I bit my lower lip. "Alam mo bang dahil sa 'yo, I lost my position?" Nagngingitngit na siya sa galit. "Bwisit talaga!" Pagkasabi niya no'n, umalis na siya na may galit sa 'kin while I was left dumbfounded. Ngayon ko lang siya nakitang galit na galit. I saw him mad before but this time was different. Sa kasamaang-palad, sa 'kin pa talaga. I took a deep breath. Pinulot ko na lang 'yong lalagyan at pinasok sa paper bag. Inirapan ko na lang ang mga nakatingin sa 'kin lalo na 'yong mga babae. Akala naman nila kung sino sila. Ba't naman ako ang may kasalanan? Hindi ko nga alam kung ano ang nagawa kong mali. Nagpakuha ako kay Kuya Jun para umuwi na lang. My best friends were not there already kasi nakauwi na raw sila pagkaalis ko kanina. Binigay ko na lang kay Kuya Jun 'yong cookies. I was restless. Hindi matanggal sa isip ko ang sinabi ni Aries sa 'kin kanina. Kanina pa ako palakad-lakad dito sa kuwarto. Hindi naman siya sumasagot sa mga tawag ko. Hindi rin siya nagre-reply sa mga texts ko. Tatanungin ko sana siya kung ano ang nangyari at bakit kasalanan ko kung bakit nawalan siya ng position. Tungkol yata ito sa trabaho niya. Well, obvious naman. It was 11:00 PM already. Hindi pa rin ako makatulog. I decided to take a shower and fixed myself na lang. Pupuntahan ko siya sa apartment niya. Mababaliw talaga ako kapag hindi ko siya nakakausap ngayon. Baka sakaling good mood na siya. "Kuya Jun, sorry talaga, ha?" I told him. Nagpahatid na naman kasi ako. "Ayos lang po, ma'am," he responded. "Trabaho ko rin naman 'to." Nakita ko namang ngumiti si Kuya Jun kaya napangiti na rin ako. Sinabihan ko si Kuya Jun na sa malapit ng entrance ng village ako bumaba. Naglakad na lang ako papunta sa apartment ni Aries. Medyo malapit lang naman kasi. I kept looking around. I didn't think about this. Medyo nakakatakot pala rito 'pag gabi. Malapit na rin palang mag-alas dose. Kaya pala. Ba't ngayon ko lang naisip 'yon? Nang malapit na 'ko sa apartment niya, nakarinig ako ng pag-uusap. I hid myself muna para hindi ako makita. Sumilip ako nang kaunti to see kung sino sila. Ba't ba 'ko nagtatago? Para naman akong spy nito. My eyes widened when I saw two people kissing in front of the door. Sumakit 'yong dibdib ko nang makita ko siya. It was Aries. 'Di ko alam kung sino 'yong babae dahil nakatalikod siya. What the hell! Sino siya? Bakit sila naghahalikan? Mas kinabahan ako lalo nang pumasok silang dalawa sa loob ng apartment ni Aries without breaking their kiss. Hindi ako makapaniwala. I didn't know what came to my mind pero sinunod ko ang sinasabi nitong pasukin ang apartment niya. Nasa harap na ako ng pinto. My hands were trembling habang pinipindot ko ang password. I was hesitant kung bubuksan ko ba o hindi. In the end, binuksan ko pa rin. Nagulat pa silang dalawa nang makita akong pumasok at napatingin sa kanila. I was not surprised. Nakita ko naman kanina eh. "Would you mind explaining what's going on, Aries?" I asked him, raising my voice an octave. I shifted my gaze to the woman. "Sino naman ang babaeng 'to?" I glared at her. Mas kumulo pa ang dugo ko when I saw her smirk. Parang nang-aasar pa ang itsura niya. "Umuwi ka na, Francesca," he told me in a monotonous tone. I clenched my fists. Binaling ko ang tingin sa kaniya. "Ba't ganiyan na lang lagi ang sinasabi mo sa 'kin, Aries? You're not even telling kung bakit ka galit and kung ano ang nangyari. Ano ba ang kasalanan ko, ha? And niloloko mo ba 'ko?" "Hoy!" Narinig kong tawag sa 'kin ng babae kaya napatingin ako sa kaniya. "Hindi mo ba siya narinig? Go home na raw." Tinataboy pa niya 'ko at sinenyas ang pinto. "Why the hell would I do that?" I asked, raising an eyebrow. "I'm his girlfriend and you're just–" hindi ko na natapos 'yong sasabihin ko nang mahigpit na hinawakan ni Aries ang kaliwang braso ko and hinila ako palabas ng apartment. Hindi pa siya nakuntento at tinulak pa talaga ako sa sahig. "Huwag ka nang magpunta rito. It's over now. I'm breaking up with you." After he said those words ay bumalik na siya sa loob. Malakas na sinara ang pinto at iniwan akong nakaharap doon. It took a few minutes before I realized kung ano ang nangyari. Wala na talaga. I stood up and left. Wow! Buti naisipan pa ng mga luha kong tumulo ngayon. Kanina pa ako nasasaktan. Ngayon lang tumulo. Late reaction lang ang peg? I was walking alone palabas ng village. Hindi ko na nadama ang takot. The pain in my heart outweighed my fear. I wiped my tears away. I called Kuya Jun once again para magpasundo. Good thing he was still awake. Masyado na akong nakakaabala sa kaniya. I got home with a haggard face. Mukha na akong baliw sa itsura ko. I could not go to sleep either and puro iyak na lang ang nagawa ko buong magdamag. Ang laki na ng eye bags ko kinabukasan. Three days later, my friends came to our house to console me after I told them about what happened. Nalaman din namin ang reason why Aries lost his position as production director. Kaya pala ako ang sinisi niya dahil ilan sa mga members ng isang band na si Aries ang nag-cast ay nag-drop ng kanilang pants onstage. Napanood 'yon ng lahat ng madla sa buong Pilipinas. Live broadcast kasi 'yon. Tapos, ako 'yong nag-invite sa band na 'yon kaya galit na galit siya sa 'kin. Bakit ako? I just invited them lang naman. I didn't know na mangyayari pala 'yon. Instead sa position niyang production director, inilipat siya sa isang low-rated show. Sisibakin nga sana siya sa company eh pero nakiusap siya at ang mga taong under sa supervision niya sa boss nila na huwag naman. It was two months already mula nang mangyari 'yon. Lagi kong tinatawagan si Aries pero cannot be reached ang number niya. He changed his number na siguro. I even went to his apartment thrice pero lagi siyang wala roon. He changed his password pa nga. Hindi rin naman ako pinapapasok sa pinagtatrabahuan niya. Iniiwasan yata ako. My friends comforted me from time to time. Minsan, nagagalit pa sila sa 'kin dahil hindi ko na magawang kumain. Parang nawawala na ako sa aking sarili. Magpapakamatay na yata ako. "Hindi mo ba alam na the most painful thing about heartbreak is losing yourself? Baka mangyari sa 'yo 'yon, ha? Naku!" Natawa naman ako sa sinabi ni Tracie. "How did you know na gano'n pala 'yon when you have never experienced a heartbreak?" Nikka asked her habang sinusuklay ang buhok ko. "May jowa ka ba? Baka may hindi ka sinasabi sa 'min, ha?" Dagdag pa nito. "Dzuuh!" Tracie rolled her eyes. "Books and movies, madame," she answered while eating some chips. Still, sobrang thankful ko dahil nasa tabi ko sila lagi. My parents were not with me. They were so busy with their businesses. Lagi silang wala sa bahay. Ako lang ang tanging anak nila. Minsan, kasama ko si Manang Chacha, ang katulong namin. Minsan din, hindi. May sakit ang anak niya kaya lagi niyang dinadalaw sa hospital kaya ang mga best friends ko ang lagi kong kasama. "Oh my gosh!" Napalingon naman kami kay Tracie na ngayon ay tutok na tutok na pala sa phone niya. "Franchie, I think you need to see this." My forehead creased. Sabay naming tiningnan ni Nikka ang photo sa i********: na pinakita ni Tracie sa 'min. It was a photo of Aries together with that woman named Katerina. I presumed that was her name based on the one who posted the photo. Mas nadagdagan yata ang sakit sa dibdib ko sa nakita ko. "Happy 3rd anniversary, babe!" Nikka read the caption. "What the hell!" She exclaimed. "So all those times na in a relationship sila ni Franchie, he was just fooling around with our best friend? What a two-timer and a cheater!" "Franchie?" I heard Tracie call my nickname that the two of them invented. "Are you okay?" She asked in a worried tone. My tears suddenly dropped and I cried. They both hugged me to comfort me again. "It's okay. Just cry it out," Nikka muttered. She was patting me consolingly on my back. "Ikaw kasi Tracie eh. Ba't mo pa pinakita?" I heard her mumble to Tracie. "Hindi ko alam na finollow ko pala 'yong bruha eh. Dumaan din naman kasi bigla sa feed 'yong photo. Sorry." Mas niyakap pa ako nang mahigpit ni Tracie pagkasabi niya no'n. Gano'n na lang lagi ang routine ko. Iyak, minsan naman, inom kasama sila. Kahit gano'n ay pumapasok pa rin naman ako sa school. Baka itakwil ako ng parents ko kapag bumagsak ako, no! Dahil hindi naman ako bobo, sakto lang ang mga grades ko. Nasa tabi ko rin lagi ang mga best friends ko para i-comfort ako. Tinutulungan nila ako sa lahat including moving on. Two years later... Birthday ko ngayon. Wala sila mommy at daddy. Ang lungkot, no? Kahit birthday ko, busy pa rin sila. Si Manang Chacha, umuwi sa probinsya nila. Kuya Jun was spending his time with his family kasi birthday rin ng kapatid niya. Naintindihan ko rin naman na hindi ko makakasama sina Tracie at Nikka. Hindi pa kasi sila nakakauwi sa trip nila. Same kasi ang schedule nilang dalawa. Ako lang ang nauna. Last semester ang trip ko. They greeted me naman and apologized dahil hindi ko sila makakasama sa birthday ko. Ba't gano'n? Ang lungkot naman masyado. Hanggang sa hindi ko alam kung ano ang pumasok sa kokote ko at naisipan kong magpunta sa pinagtatrabahuan ni Aries. Alam kong hindi ako papapasukin do'n pero baka makita ko siya sa labas. Matagal ko na siyang hindi nakikita eh. Miss ko na siya. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako nakaka-move on sa kaniya. An unexpected thing suddenly happened. We met sa labas ng building. Pauwi na yata siya. His eyes widened nang lapitan ko siya. I invited him to my birthday dahil wala akong kasama pero he refused. "Aries, please! Kahit sandali lang," I said. My voice was clearly shaking. Tiningala ko siya dahil mas matangkad siya sa 'kin. Nakita ko ang kaniyang mga matang wala pa ring emosyon. "Birthday ko ngayon. Hindi mo naman siguro nakalimutan, 'di ba? Samahan mo 'ko kahit isang oras lang. Ayos na 'yon," I pleaded. Alam kong nagmumukha na akong kaawa-awa ngayon pero gusto ko lang siyang makasama. Kahit ngayong araw lang sa birthday ko. Kahit saglit man lang. "Sinabi kong hindi! Ayoko! Bakit hindi mo maintindihan 'yon? Magkikita kami ni Katerina kaya 'wag mo akong piliting sumama sa 'yo!" Walang awang wika niya. Parang biniyak ang puso ko. I couldn't accept na sa paglipas ng two years, kaya niya pa rin akong saktan ng ganito. Tanga pa rin ako sa kaniya. How could he be so happy habang ako'y nagdurusa pa rin? "You can bring her with us. Puwede naman kayong makaalis agad. Nais ko lang na naroon ka sa birthday ko," pagpupumilit ko pa rin. Alam kong ibinaba ko na ang sarili ko sa kaniya. Masakit. Pinipigilan ko lang ang luha ko. "Still no," he replied promptly. "I'm sorry pero kailangan ko na ang umalis. Ayoko ang pinaghihintay siya." Tumalikod na siya sa 'kin at nagsimulang maglakad palayo. Sinundan ko siya at hinawakan sa braso. "Ano ba, Francesca?" He yelled. Tinanggal niya ang kamay kong nakahawak sa braso niya. "I'm sorry about what happened noon," I apologized again kahit na nag-sorry na ako noon. "I didn't know na mangyayari 'yon. Please!" I was now playing with my hands. "No." I sighed heavily and spoke again. "Fine." I gave up. "Puwede bang batiin mo na lang ako ng happy birthday?" Nagulat pa siya dahil sa sinabi ko pero huminahon din agad. He let out a sigh first before he greeted me. "Happy birthday," he uttered and bigla ko siyang niyakap. "Thank you, Aries. I love you." I felt hurt. When I released from hugging him, he walked away while I was left standing. Tumulo na ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Bakit hanggang ngayon, ang sakit pa rin? Nagmahal lang naman ako. Bakit kailangang ganito? Hindi na ba talaga maibabalik ang dati? Wala na ba talaga siyang feelings sa 'kin? I wiped my tears away and naglakad-lakad ako. It was getting darker but wala akong pakialam kung saan ako tatangayin ng mga paa ko. Hanggang sa napadpad ako sa isang bar na malapit lang sa dagat. Bumili ako ng soju kasi 'yon ang laging iniinom namin nina Nikka and Tracie. Mahilig kasi kaming manood ng mga K-dramas kaya naimpluwensyahan kami. At first, nagdalawang-isip pa 'yong bartender kung bibigyan ba niya 'ko pero sa huli ay ginawa na lang niya. Batid niya siguro na marami akong problema kaya hinayaan na lang niya akong maglasing. 21 naman na ako ngayon kaya puwedeng-puwede akong uminom. "Miss!" Tinawag ako ng lalaking lumapit sa 'kin na may hawak pang glass ng wine. Before he could speak ay inunahan ko na siya. "Please, I want to be alone," I told him. He just smiled and nodded. Then he raised his free hand na parang sumuko sa mga pulis. Pagkatapos ay umalis na siya. May iba pang lumapit sa 'kin but I just did the same. After about half an hour ay naubos ko na rin 'yong isang bote ng soju. 'Di pa ako nakuntento at dinagdagan ko pa ng isa. Hanggang sa nadagdagan ulit ng isa pa. Nang kalahati na lang ang natira sa third bottle ay umalis ako agad sa bar dala-dala ito. Masyado akong naiingayan sa loob. Mukha na akong baliw. Supper haggard. Hindi na ako makalakad nang maayos. Pagewang-gewang pa 'ko. Napatingin pa sa 'kin ang mga taong nadaanan ko. Hindi pa naman ako lasing. Hindi nga ba? My feet brought me sa dalampasigan. Walang tao sa part na napuntahan ko. Siguro ay dahil gabi na. Tinanggal ko ang suot kong sandals at lumapit sa tubig ng dagat dala-dala ang bote. Nababasa na ang mga paa ko. Naririnig ko ang tunog ng walang tigil na paghampas ng alon. Ramdam ko ang malamig na hangin na humahaplos sa aking balat at paminsan-minsa'y ginugulo ang ilang hibla ng aking buhok. I screamed in pain. "Ayoko na!" I held my chest, sa tapat mismo ng puso ko. "Sobrang lonely ko sa birthday ko! *hik* Wala akong kasama! Huhu!" Saksi ang buwan at mga bituin sa sakit na nararamdaman ko ngayon. "Ayoko na sa *hik* mundong 'to! Huhu! Gusto ko ng mawala!" Sinigaw ko lahat ng hinanakit ko. "Nakakapagod na! Ang sakit-sakit na ng puso ko! Ayoko na tala–Ay! Wakwak!" I was in the middle of my drama nang may biglang sumulpot na lalaki sa harapan ko dahilan para maputol 'yong sasabihin ko. Sobra akong nagulat kaya nabitawan ko rin ang bote ng soju. Matutumba na rin sana ako pero hindi natuloy dahil nahawakan agad ng kamay niya ang kanang forearm ko at ang isang kamay naman niya ay nakahawak sa waist ko. Nakakapit naman sa kanang balikat niya ang kaliwang kamay ko. I was so confused where he came from basta't para siyang multo na biglang tumambad sa harap ko. Right then, for a fleeting moment, it felt as if time had stopped. My heart was beating so fast as we stared at each other. Our faces were just few inches apart. Walang gumagalaw, walang nagsasalita. I could feel his breathing. Ewan ko nga rin kung humihinga pa ba 'ko. His eyes were so tantalizing at parang matutunaw ako. Parang na-mesmerized yata ako sa kaniya. Ramdam ko pa 'yong isang luha na kumawala sa isa kong mata. "Ayos ka lang ba, binibini?" He asked in his deep, sensual and very masculine voice. Ang magalang niyang tanong ang siyang bumasag sa katahimikan. Napabitaw naman kami sa isa't isa. Pinunasan ko ang luha ko. Wait, what did he just say? Binibini? Alam kong nakainom ako pero hindi ako bingi. Hindi ako puwedeng magkamali ng pandinig. Napaatras ako nang kaunti. I looked up to him dahil mas matangkad siya sa 'kin. "Who are you?" I asked confusedly. His forehead creased naman. Naaninag ko dahil tumama naman ang moonlight sa mukha niya and may mga lights din naman sa mga kabahayan at buildings na malapit dito sa dagat kaya sapat na iyon para makita namin ang mukha ng isa't isa. "Ano ang ibig mong sabihin, binibini?" takang tanong niya. Tama nga ang narinig ko kanina. Binibini nga ang tawag niya sa 'kin. Ako naman ang napakunot ng noo. "Excuse me lang, mister," I told him. "Sino ka ba? Ba't bigla-bigla ka na lang sumulpot sa harap ko? Sa'n ka galing? Are you a ghost? Sorry pero I'm not scared of ghosts." Napa-crossed arms naman ako matapos ko siyang pagtarayan. Nakuha ko pa talagang magtaray kahit nakainom ako. Aba! Ewan ko nga rin ba kung lasing pa ba 'ko or hindi. Naudlot pa ang pagdadrama ko dahil sa lalaking 'to. "Paumanhin, binibini, ngunit hindi kita nauunawaan." Bakas pa rin sa mukha niya ang pagkalito. "Tsaka, ba't ganiyan ang iyong kasuotan? Ngayon lamang ako nakakita ng ganiyan. Bawal iyan dito sa atin, binibini. Masyadong kita ang katawan mo. Magpalit ka ng baro't saya." My jaw almost dropped down. Kulang na lang pasukan ng langaw ang bibig ko. Ano raw? Ano ang pinagsasabi ng lalaking 'to? May saltik yata 'to eh. "Sorry, mister," I told him. "Walang special event kaya hindi ako magsusuot ng baro't saya na sinasabi mo. Tsaka, June pa lang ngayon. Sa August pa ang buwan ng wika at wala naman ako sa unang panahon. And ba't mo 'ko tinatawag na binibini? Hello! Nasa modern world kaya tayo. We're not in 19th century, no!" Kinapos yata ako ng hininga kaya napahawak ako sa dibdib ko. Siya naman ay natahimik. Wait, unang panahon. Napatingin ako sa suot niya. He was wearing a sombrero, barong Tagalog and black slacks. Maging ang sapatos niya na nababasa sa tubig ng dagat ay maaaring katulad noon. Nagtaka naman ako. Ba't ganiyan ang suot niya? Parehong-pareho sa mga kasuotan noon during the time na ang Pilipinas ay under sa Spanish regime. Puwede namang magsuot ng ganiyan sa panahon ngayon pero ba't parang ang awkward naman? Naka-barong sa dagat? Baka may kasal tapos naiwan siya? Or hindi kaya siya 'yong ikakasal? Pero teka, baka patay na rin siya? 'Di ba naka-barong din ang mga patay? Hindi naman siya siguro patay. Nakasombrero eh. Pero baka patay nga talaga? Napasapo naman ako sa noo matapos kong maisip na ang dami ko na palang iniisip. Bigla ko tuloy nakalimutan ang nangyari kanina sa amin ni Aries pati ang drama moment ko. I heaved a sigh and faced the man again. "Mister," baling ko sa kaniya na hindi pa rin umiimik. "Multo ka ba? O 'di kaya'y galing ka sa unang panahon? Ano'ng ginagawa mo rito sa panahon namin?" Nakita ko naman na nagulat siya. Nilibot niya ng tingin ang paligid at doon niya lang napagtanto na nasa ibang panahon na pala siya. "Sandali!" Natatarantang sabi niya. "Nasa'n ako? Paano ako napunta rito? Hindi ito ang lugar namin! Binibini, nasa'n tayo?" Ba't hindi niya naisip kanina 'yan noong pagsulpot pa lang niya? Ang engot naman nito. "Nasa San Juan tayo, mister," I told him. Ba't ba 'ko nakikipag-usap sa taong 'to? I shook my head. "Bahala ka na nga," I said to myself and pinagpatuloy ko na ang paglalakad sa tubig hanggang sa umabot na ito sa tuhod ko. "Binibini," he called me. I stopped for a while pero nagpatuloy din pagkatapos. "Binibini." Nakakatatlong hakbang pa lang ulit ako nang muli niya akong tinawag kaya napahinto na naman ako. "Binibini, ano'ng binabalak mo?" Dinig kong tanong niya ulit in a worried tone pero hindi ko pa rin siya pinansin. I just found myself sobbing na pala noong umabot na sa waist ko ang tubig. Sumasakit ang dibdib ko. Ang lamig pa ng tubig. I was startled nang makalapit na sa 'kin ang lalaki at hinawakan niya ang kaliwang kamay ko. "Binibini, tulungan mo ako," he uttered.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD