"Don Severino! Donya Prancina!" narinig naming sigaw ng kararating lang na si Paulita. Hinihingal ito sa kakatakbo at napahawak pa sa may gilid ng pinto ng bahay. "Bakit, Paulita? Ano na ang nangyari roon sa hacienda Salvacion?" tanong ni ina kay Paulita. Sinabihan pala kasi ni ina kanina si Paulita na magmasid doon at puntahan na lamang kami rito sa bahay upang balitaan kung ano na ang nangyari sa pamilya ni Federico at kung papunta na ba rito ang mga guardia civil. "Kailangan na po yata nating kumilos ngayon. Pagkatapos po nila roon sa hacienda Salvacion ay pupunta na po sila rito sa atin at hahalughugin ang buong mansyon at hacienda." Kinabahan naman ako. Napahawak naman si ama sa may sentido niya at tila sumasakit ang ulo nito kung ano ang gagawin. Palakad-lakad naman si ina sa sala

