Four

1747 Words
Umangat ang isang kilay ni Roxan. “Parang alam ko na kung bakit ka pumayag agad sa offer ko.” Kailangan ba nito ng pretend fiancée o pretend wife? Para tumigil na si Sitty? O may ibang babae pang gusto nitong tumigil na sa paglapit at pagpapa-cute kaya perfect escape ang wedding na in-offer niya? Nasa ibang bansa si Sitty. Kung nag-aaral o nagbabakasyon, hindi sigurado ni Roxan. Nakita lang niya sa mga tagged photos ni Sitty kay Rav na wala ang babae sa Pilipinas. Nasa Canada na ang ina ng babae. Ang alam ni Roxan, iba na ang may ari ng bahay ng pamilya ni Sitty na nasa Victoria.             Ngisi lang ang sagot ni Rav. Sinadya nitong tumingin sa mga mata niya. “May gusto akong malaman, Ann.” Ang ibinalik nito, hindi sinagot ang tanong niya.             “Ano ‘yon?”             “Kung hindi pa ba kasal si Rod, siya ang first choice mo?” hindi nito nakasanayang tawaging kuya ang kapatid. Alam ni Rav na mas close sila ng Kuya nito. Parang bunso talaga sa pamilya ang tingin sa kanya ni Kuya Rod. Gusto talaga yata nito ng kapatid na babae pero dahil wala, siya na lang.             One year pa lang na kasal si Kuya Rod. Five years nang kasama sa plano ni Roxan ang white wedding kahit wala pang groom. Pero oo nga, bakit hindi niya naisip i-consider na groom ang kapatid nito? Dahil ba ‘Kuya’ lang ang tingin niya o dahil hindi nawawalan noon ng girlfriend ang lalaki?             Si Rav ay hindi nagdala kahit minsan ng babae sa bahay ng mga magulang. Sure din si Roxan na walang girlfriend. Narinig kasi niya minsan noon na nag-uusap ang parents nito tungkol sa kawalan daw ng interes ni Rav sa isang seryosong relasyon. Naitanong pa nga ni Tita Verina sa asawa kung may napapansin ito na kakaibang kilos ng anak—baka daw gay si Rav at walang lakas loob na umamin sa mga ito. Nag-echo sa bahay ang lakas ng halakhak ni Tito Mon.             “Hindi ko naisip dati,” honest na sagot ni Roxan. “Lagi naman kasing may girlfriend si Kuya Rod, `di ba? Mahirap sumingit sa list no’n. And for sure, tatawa lang siya. Maging family man ang dream no’n, eh. Malabo rin na mag-agree sa set up na gusto ko. Baka pagalitan pa ako!” at tumawa siya.             “Pero kung single siya at this point, siya muna bago ako?”             Nagkibit-balikat lang si Roxan. “Maybe…” totoo sa loob na sagot niya. “Kahit ‘tong offer ko sa ‘yo, hindi ko rin naman planong gawin dati. Naisip ko lang na since single ka naman, ikaw muna bago ko i-consider ang ibang guy. Kung i-reject mo ang offer ko, saka na lang ako hahanap ng ibang groom.”             Tumitig sa kanya si Rav, parang may kung ano’ng iniisip.             “Hindi ang age mo ang totoong rason, tama?” Ang rason ng biglaang desisyon niyang magpakasal sa year na iyon mismo ang tinutukoy nito. “Ang kasal ni Cedric sa September?” sss friend din ni Rav si Fanny kaya hindi nakapagtatakang alam rin nito iyon. O baka tuloy pa rin si Fanny sa pagpapapansin kay Rav. Nabanggit siguro ang tungkol sa kasal sa isa sa mga pag-uusap ng dalawa.             “Kasama `yan pero hindi main reason,” tapat na sagot ni Roxan. “Nasa plan ko talagang ikasal before ako mag-twenty-six. Gusto kong ang first born baby ko, ipanganak before ako mag-thirty years old. Alam mo naman `di ba? Na since twenty ako, pinaplano ko na ang magiging life ko for the next ten years. Pero since `di tayo totoong couple, erase muna ang baby. Ceremony muna ang focus natin.”             Hindi nag-react si Rav, nakatingin lang sa mga mata niya na parang makikita roon kung totoo o hindi ang sinasabi niya.             “But…okay, aaminin kong nakatulong `yong news ng wedding ni Cedric para mag-decide ako agad na itutuloy ko na talaga ang wedding ko before Christmas.”             “Can you kiss me?” kaswal ang tanong pero umawang ang bibig ni Roxan. Hindi inaasahan ng dalaga na iyon ang sasabihin nito. “Kaya mo? Hindi mo ako itutulak? Baka nakatutok ka sa dream wedding na nasa plano, nakalimutan mo ang tungkol sa groom. Hindi mo ako puwedeng itulak palayo sa harap ng altar, Ann!” Parang natatawa si Rav sa ideya. Ang tingin nito, parang pagtatawanan siya sa mga susunod na minuto.             Bumuka ang bibig ni Roxan para sumagot pero wala siyang nasabi. Sa totoo lang, hindi niya inisip. Pero hindi rin naman siya papalag kung iki-kiss siya ni Rav. Guwapo ito. Malinis at mabango. Hindi naman bad breath. Hindi rin smoker. Pero oo nga, hindi niya naisip ang kahit ano tungkol sa intimacy. Paano nga pala ang first kiss nila?             Ngayon pa lang niya naisip. Good kisser kaya si Rav?             Wala sa loob na bumaba ang tingin niya sa fresh red lips ni Rav. Hindi rin naman puwedeng mawala ang ‘kiss’ na iyon sa wedding nila kaya…             “Try kaya natin? Kiss mo ako,” magaang sabi ni Roxan. Handa naman siyang panindigan ang ginawang desisyon. Gagampanan rin niya ang role niya bilang asawa. At sa tingin ni Roxan, hindi magiging mahirap. “At lasang tapa tayo both!” kasunod ang tawa. Medyo nag-lean siya para ilapit ang mukha. Pagdating talaga kay Rav, sobrang comfortable si Roxan. Wala siyang paliwanag sa ganoong pakiramdam. Ganoon na talaga dati pa. Hindi man sila madalas na nagkakausap at nagkikita, pero kapag nagkita na, nawawala lagi ang space na hatid ng mga araw na hindi sila magkasama. Parang instant na nangingibabaw ang ‘natutulog’ lang na closeness nila. Hindi nawala iyon hanggang sa silang dalawa na lang ang naging magkapitbahay sa Victoria.             Kaswal na kumilos si Rav, humarap sa kanya at hinila palapit ang sariling upuan. Nang magkaharap na sila, tinitigan siya nang malapitan na parang may hinahanap sa mukha niya. Pagkalipas nang ilang segundo, marahang ngumiti at inabot ang batok niya. Hinalikan siya sa lips? Hindi. Forehead kiss lang. “Hindi sa lips?” magaang hirit ni Roxan, ngumuso pa. Nakatingala na siya kay Rav at nakayuko naman ito sa kanya. Na-realize ni Roxan, light brown pala ang kulay ng mga mata nito. Hindi niya napansin dati. O tama yatang sabihin na hindi pa niya natitigan nang matagal sa mga mata si Rav. Naka-eyeglasses din kasi ito at medyo may tint dati. Parang hindi nito gusto ang contact lenses noon. Ngayon, seldom na niyang makitang naka-eye glasses. Hindi napansin dati ni Roxan na pati titig pala nito, parang sobrang bait. And…okay. Ang expressive ng eyes ni Rav. Kung actor ito, sigurado siya na kayang i-deliver ni Ram ang emosyon na walang dialogue. Na mga mata at titig lang ang gamit. Umangat ang isang kilay ni Rav, hinawakan ang baba niya at bahagyang itinaas ang kanyang mukha. Parang in-inspect lang ang lips niya? Nag-expect na ng kiss sa lips si Roxan kaya nang sa tip ng ilong siya hinalikan ni Rav, napaungol ang dalaga kasunod ang magaang tawa. “Nag-expect na ako, eh!” reklamo niya, ang lapad na ng ngiti. “Kiss mo na ako, dali!” “Sa simbahan ang first kiss, bride,” sabi ni Rav, pinisil ang baba niya at kaswal na inilayo ang sarili. Inayos ang upuan at parang walang anuman na binalikan ang kinakain. Natatawa pa rin si Roxan. Nasa pagitan ng amusement at panghihinayang rin ang pakiramdam niya. Gusto niyang ma-practice na sana ang first kiss nila, pero gusto rin niya na forehead kiss lang ang ginawa ni Rav. Gusto niya ang thought na sa simbahan talaga pagkatapos ng kasal ang first kiss nila. Sa moment kasi na iyon, wala man sa kanila ang mga tamang dahilan para magpakasal, mag-asawa na sila—sa mata ng Diyos at mata ng tao. “Ganoon?” si Roxan, ang lapad ng ngiti. “Walang test-kiss?” Hindi niya naiisip dati ang kiss ni Rav—kung dry o sweet ba, kung soft ang lips—nang moment na iyon, curious na siya.             Worth the wait kaya ang ipinagkait sa kanyang kiss?             Pinigil niya ang mapabungisingis. Unang beses sa buhay niya na may naughty thought siya kay Rav!             Feeling naughty siya nang moment na iyon.             Pero gusto talaga niya ang ideya na sa mismong kasal nila ang first kiss. Bigla ay na-excite siya sa isang simpleng kiss lang.             Hayun tuloy, napatitig siya sa lips ni Rav. Iniisip na kung ano ang magiging pakiramdam niya sa mismong moment ng kissing scene nila sa harap ng altar—nahuli ni Rav na nakatitig siya.             Nagtama ang mga mata nila nang ilang segundo. Magaang tumawa si Roxan para basagin ang tensiyon yata iyon na bigla niyang naramdaman. “Curious na ako ngayon sa kiss mo. Kasalanan mo `to, Raven!” Tawa uli. Pagdating talaga kay Rav, hindi siya takot magpakatotoo.             Ang lapad ng ngiti ni Rav. “Sa wedding day, lovely bride,” ang sinabi nito bago siya nginisihan. Parang gustong kiligin ni Roxan pero nang tumayo na si Rav at iniwan siya sa garden, may na-realize ang dalaga.             Siya ang magliligpit ng mesa at maghuhugas ng plato! Ang huling natapos kumain ang magliligpit ng mesa at buong kitchen—rule iyon na siya mismo ang nag-set.  Mas madalas niyang i-take advantage ang kabaitan ni Rav. Ngayon pa lang siya na-distract, nawala sa isip na kailangang mabilis lang ang breakfast para hindi siya maghugas ng plato.             “Rav!”             Ngising-ngisi ito nang lumingon sa kanya at kumindat. “‘Daming kalat sa kitchen, bride!”             Napaungol na lang si Roxan, nakatingin sa matangkad na back view ni Rav. Mayamaya lang, napangiti siya. Hindi alam ng dalaga kung bakit nakita niya sa isip ang scene sa kitchen na nagtatalo sila ni Rav kung sino ang maghuhugas ng plato, na nauwi sa sabuyan ng tubig hanggang siya na ang naghugas at nasa likod niya lang ito, naka-back hug at pa kiss kiss sa buhok at side ng mukha niya.             Unti-unting nawala ang ngiti ni Roxan nang ma-realize na hindi dapat siya nag-iisip o nag-eexpect ng normal husband-and-wife relationship pagkatapos ng kasal. Hindi sila totoong couple. Hindi sila lovers bago ang kasal. Hindi sila pang-forever. Ang totoo sa kanila…             Friends.             Friends lang.             Napainom na naman siya ng tubig. Mas okay yata na magligpit na siya ng mesa kaysa mag-isip ng kung ano-ano.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD