Fifteen

1069 Words

LIBKAPE, ang business concept ni Rav. Plano niyang simulan at tutukan pagkatapos na pagkatapos niyang mag-resign sa pagtuturo. Gusto niya ang pagtuturo. Hindi rin siya huminto dahil napagod siya. Nagdesisyon siyang tumigil nang pakiramdam niya ay wala nang bagong nangyayari. Naging paulit-ulit na lang at wala nang challenge. Hindi na rin sapat sa kanya ang nararamdamang fulfilment na nakikita niyang natututo at nag-i-improve ang mga estudyante. May narararamdaman na siyang kulang. Hindi na siya masaya sa ginagawa. And for Rav, it was a red light. Kailangan na niyang huminto, magbago ng activities. Kailangan na niyang lumiko, magbago ng daan. Nang mag-propose ng kasal si Roxan, hindi pa buo ang desisyon niya. Pinag-iisipan pa lang ni Rav ang paghinto sa pagtuturo. Ang option pa lang niy

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD