Unang Kabanata

3099 Words
“Kayo ngayon ay mag-asawa na. Maaari mo nang halikan ang iyong maybahay,” ang tono ng pari sa walang kabuhuay-buhay na boses. Namumula si Sarah nang makaharap na niya ang asawa sa unang pagkakataon. Tapos na. Sinabi na nila ang mga salita at tumayo na sa harap ng kanilang mga pamilya kaya ngayon ay totoo na ang lahat. Sa pagtitig sa asawa ay nakita niyang walang emosyon at walang pakialam ang ekspresyon nito. Bumuntonghininga ito ay yumuko para halikan siya... …Sa pisngi. *** Nagising si Sarah at dahan-dahang umupo. Umupo siya roon ng ilang sandali bago tumingin sa kabilang panig ng kama upang makitang wala itong laman, gaya ng nangyayari nitong nakaraang dalawang taon. Napabuntonghininga siyang tumayo at tahimik na tinungo ang banyo at pumailalim sa shower. Dalawang taon na ang nakararaan pinakasalan niya ang kanyang Prince Charming...o gaya ng inaakala niya. Si Lucas Razon ay apo ni Alicia Razon, isa sa mga pinakakilalang negosyante sa buong Pilipinas. Sa kabila ng pagiging isang babae ay nagtagumpay si Alicia sa isang mundong dominado ng mga lalaki at nakilala bilang ang Unang Ginang ng Negosyo na nakatayo sa pantay na lupa kasama ang mga tulad nina Augustus Tan , Richard Uy, at Emerson Sy. Ang kanyang sariling anak ay napatunayang walang kakayahan sa negosyo kaya pinananatili ni Alicia ang renda ng kanyang kumpanya sa kanyang mga kamay hanggang sa ang kanyang apo ay nagpakita ng pangako. Siya mismo ang nagsanay rito upang maging kanyang tagapagmana at ang magiging susunod na pinuno ng Razon Incorporated at paglaktaw sa kanyang sariling anak sa isang hindi pa nagagawang hakbang. Gayunpaman, ang pagpapalit ng guwardiya ay may kabayaran: pinilit niyang ipakasal si Lucas at hindi sa sinumang babae, kundi sa isang babaeng pinili niya. Ang huling nakuha na negosyo ni Alicia ay Buenaventura Tech, ang kumpanyang sinimulan ng ama ni Sarah, na inilabas mula sa dilim at papunta na sa pagiging bangkarote. Ang nasa isipan ni Sarah na ang kanyang ama ay nabighani sa mga gadget at electronics. Siya ay isang patas na programmer kaya ang pagsisimula ng isang kumpanya ng teknolohiya ay tila isang siguradong paraan ng pagkamit ng kanyang kapalaran. Ngunit ang kahusayan nito sa mga computer ay hindi nito naisinalin sa matalinong pagnenegosyo. Ang mahinang pamamahala ay humantong sa hindi maiiwasang pagkamatay ng kumpanya ngunit ang kanyang ama ay tumanggi na sumuko nat pumunta sa ibang mga kumpanya na gustong bilhin ang Buenaventura at siguraduhin ang mga pondong kailangan niya para mapanatili ang kanyang kalse ng pamumuhay. Tinanggihan siya ng karamihan ngunit nakuha niya ang atensiyon ni Alicia Razon. Sa wakas ay nagkasundo sila sa isang kasunduan na nagbibigay sa ama ni Sarah ng sampung porsyento sa halaga ng merkado ng kumpanya, ilang bahagi sa Razon Inc at isang nobya para kay Lucas. Hindi makapaniwala si Sarah sa kanyang ama nang ihatid nito ang balita. Tinuligsa niya ang kasundua ngunit isang pribadong panayam kay Alicia Razon ang nagpabago sa isip ni Sarah kaya sa huli ay pumayag siya sa kasunduan ngunit naglahad din siya ng ilan sa kanyang mga kundisyones. Ayon sa kanyang narinig, tinanggihan din ni Lucas ang kasunduan ng kanyang lola ngunit sa huli ay pumayag ito sa kanyang mga kahilingan upang matiyak ang posisyon nito bilang CEO ng kumpanya nila. Hindi alam ni Sarah kung nakakuha ba siya ng anumang mga kondisyon mula sa kanyang lola tulad ng ginawa nito ngunit sa palagay niya ay hindi ito mahalaga. Nakatakda na ang kasal. Noon pa man ay pangarap na ni Sarah na magkaroon ng kasal sa tag-ulan ngunit iginiit ng kanyang ama ang isang kaganapan sa tag-araw upang matiyak ang deal sa lalong madaling panahon dahil hindi nito matatanggap ang kanyang pera hanggang matapos ang pagpapalitan nila ng "I Do's". Iniwan niya si Sarah upang magplano at gumawa ng mga pagsasaayos at pinuputol pa nito ang limitadong budget nang mabayaran na ang isang lugar kung saan gaganapin ang kasal. Sa kabutihang palad, hindi na bago kay Sarah ang pagkakaroon ng limitadong pondo. Sa katunayan, ito ang naging espesyalidad ng kanyang ina. Habang ang hilig ng kanyang ama ay teknolohiya, ang kanyang ina ay mahilig sa mga kagmitan noong sinaunang panahon. Ang paghahanap ng potensyal at kagandahan sa isang bagay na luma, muling buhayin ito at gawing bago ang kanilang tungkulin at natutunan ni Sarah kung paano gawin ito sa kanyang tabi. Walang mga tindahan na pinalampas ng kanyang ina sa kanyang paghahanap at ang parehong hilig ay nabuhay kay Sarah. Sa kanyang lumiit na budget, pinalamutian ni Sarah ang simbahan at reception hall nang mag-isa na ginawa ang repurposed hitsura na chic at sopistikado. Kasama rin doon ang kanyang damit na talagang lumang wedding gown ng kanyang ina ngunit tumulong naman ang kanyang kaibigan na si Vicky sa pagsasaayos nito upnag gawing nababagay sa panahon. Sa kabila ng kanyang pagsisikap at eksklusibong listahan ng panauhin, tila hindi niya napahanga ang kanyang nobyo o ang mataas na lipunan. Sa ilang mga review na nabasa niya, lahat ng opinyon ay nagsasabi na kulang siya sa reputasyon ng mga Razon. Kaya niyang tiisin ang kritisismo ng lipunan. Ang hayagang salita ng kanyang asawa ang masakit. Sa reception, isang beses lang siya nitong sinayaw at hindi man lang siya tinitigan sa mga mata sa buong gabi na sa tingin niya ay higit pa sa ginawa ng kanyang ama o kapatid. Pagkatapos ng hapunan ay dinala sila ng limo sa kanilang bagong villa na isang regalo sa kasal mula kay Alicia na matatagpuan sa Alabang. Inunahan siya ni Lucas sa pintuan na bahagya nitong pinipigilan na bumukas para sa kanya nang makapasok siya sa kanilang bagong tahanan sa unang pagkakataon. Pagkabigay sa kanya ng susi ay bumalik siya sa pinto, “Dito ka na rin pala. Magandang gabi.” "Ano?" Napakurap si Sarah. "Anong ibig mong sabihin? Hindi ka ba…” "May condo ako sa BGC." panunuya nito. "Bakit ako mananatili rito?" “Pero…” Tumawa si Lucas, “Akala mo ito ay isang aktuwal kasal? Ito ay isang palabas lang na ginawa ng aking lola. Wala itong ibig ipahiwatig." Pagkatapos niyon ay umalis na ito at naiwan siyang nag-iisa. At doon nagsimula ang kanyang kasal. Sa dalawang taon nilang pagsasama, bihirang makita ni Sarah ang kanyang asawa maliban kung kailangan nilang magpakita sa publiko nag magksama. Noon lang nito sinabi sa kanya na kumuha ng sasakyan at makipagkita sa kanya sa lugar. At iya ay inaasahan na tumakbo sa mga braso nito tulad ng isang sinanay na aso. Nang pagod na ito sa presensya niya ay paaalisin na siya nito nang mag-isa at may mga tagubilin na huwag itong ipahiya bago siya umuwi. Kaya hindi na nakakagulat na siya ay naging mas maputla sa paglipas ng mga taon at nawalan ng ilang bigat dahil sa kawalang gana. Hindi sila lumabas para kumain at hindi nagkakaroon ng simpleng pag-uusap. Sa katunayan, hindi ito nagsisikap na makipag-ugnayan sa kanya o malaman man lang ang anumang bagay tungkol sa kanya. Kahit na sila ay palaging maingat upang mapanatili ang imahe ng pagiging masayang mag-asawa mataas na lipunan ay may mga mata na sanay sa pagbabasa ng kanilang banayad na mga kilos. Bilang asawa ni Lucas Razon dapat ay nakatatanggap siya ng maraming imbitasyon sa iba't ibang mga gawain at mga kaganapan ngunit bukod sa ilang ipinadala mula sa kanyang mga kaibigan ay hindi siya pinapansin ng lipunan na may katulad na paghamak sa kanya gaya sa kanyang asawa. Lahat ng iyon ay kaya niyang pakisamahan ngunit may iba pang bagay na dumurog sa kanyang puso. Paglabas ng shower ay binalot niya ang sarili ng tuwalya at pumasok sa kwarto upang marinig ang pag-aalerto sa kanya ng kanyang telepono sa isang bagong mensahe. Nakakuyom ang kanyang panga na naglakad siya papunta sa kama at sinulyapan ang nagpadala: Madeline. Huminga siya nang malalim na ibinaba ang telepono, tumanggi na buksan ang mensahe. Si Madeline Tiangco ay kaibigan noong bata pa ni Lyla Razon na kapatid ni Lucas. Lumaki siya kasama ang magkakapatid na Razon at halos nakadikit na sa kanilang mga balakang. Dahil dito ay binigyan siya ni Lucas ng trabaho bilang kanyang sekretarya ngunit alam ni Sarah na higit na mas malapit ang kanilang relasyon. Hindi nag-aksaya ng isang araw si Madeline na ipaalala sa kanya kung gaano ito pinakitunguhan ni Lucas o kung gaano karaming beses itong nakakatikim ng orgasmo sa kanilang mga ipinagbabawal na pagkikita. Matagal nang tumigil si Sarah sa pagbabasa ng mga text ngunit dumarating ang mga ito tuwing umaga na parang orasan. At hindi lang kay Madeline ang mga mensahe nu dumarating. Dalawang beses pang tumunog ang kanyang telepono nang makatanggap ito ng mga mensahe mula kay Lyla at sa kanyang ina, si Patricia. Hindi rin binasa ni Sarah ang mensahe mula kanila. Palagi silang pareho. Ang mensahe ni Lyla ay hinihiling na malaman kung bakit siya pa rin ang humahadlang sa pagmamahalan at kaligayahan nina Lucas at Madeline. Kasabay nito ay itatanong ni Patricia kung bakit hindi pa nagpapakamatay si Sarah gamit ang iba't ibang kagamitan sa bahay. Ang personal na paborito ni Sarah ay noong iminungkahi ni Patricia na gamitin niya ang kitchen knife set na niregalo sa kanila ng kanyang biyenan bilang regalo sa kasal. Maaaring hindi pansinin ni Sara ang kanilang mga mensahe. Mas mahirap kapag kailangan niya silang makita nang personal. Sa kabutihang palad, ang mga sandaling ito ay kakaunti at hindi madalas. Ang tanging oras na kailangan silang makita ni Sarah ay sa mga pista opisyal sa Razon Mansion. Doon, dahill sa presensya ni Alice ay napipigilan ang kanilang mga kalokohan dahil magtatangka na galitin ang Razon matriarch na palaging palakaibigan sa kanya. Habang siya ay walang iba kundi isang inis kay Lucas, malinaw na siya ang paborito ni Alicia. Ngunit si Alicia ay hindi maaaring nasa tabi niya sa lahat ng oras at hindi naman siya ipinagtatanggol ni Lucas. Naka-jeans at sweater si Sarah na tumungo sa kusina. Doon ay nilagyan niya ng tubig ang isang takure at inilagay ito sa stove para kumulo. Noong una siyang lumipat sa villa ay may isang kasambahay ngunit napagod siya sa mga tingin ng babae na naaawa sa kanya kaya sa huli ay pinaalis niya ito pagkatapos bigyan ng malaking separation pay at kumikinang na mga sanggunian. Minsan nami-miss niyang makausap ang babae pero maliit lang ang bahay para alagaan nitong mag-isa lalo na't tatlong kwarto lang ang ginagamit niya at ang iba ay nakakandado. Nang sumipol ang takure ay inalis ito ni Sarah sa burner at nagbuhos sa isang tasa. Pagkatapos ng ilang pagpipili ay pinili niya ang kanyang tsaa para sa araw at tumungo sa mesa. Pagbukas ng kanyang laptop ay humigop siya ng kanyang tsaa habang nagloload ito. Nang tumatakbo na ito ay binuksan niya ang kanyang pinakabagong file at binasa kung saan siya huling tumigil. *** Nagising ako sa sumasalubong na bango ng musk at Old Spice. Pagmulat ng aking mga mata ay napatingin ako sa mukha ng lalaking nakahawak sa puso ko. Isang anino ng balbas ang nagpapalambot sa kanyang may katalasan na panga at ang kanyang kulot na kayumangging buhok ay nakakaakit sa kanyang noo. Nangangati ang mga kamay ko na haplusin ang mga iyon pero ayaw ko siyang gisingin. Tahimik akong bumangon mula sa kama at tinakpan ang hubad kong katawan gamit ang kanyang sando bago naglakad palabas ng kwarto. Matapos ang lahat ng mga taon na ito ay tinanggap ko ang aking nagbabantang katayuan bilang tumatandang dalaga kaya hindi ko inaasahan ang pag-iibigan na ito. Ngunit mayroong isang bagay na nakakaintriga sa lalaking ito. Nabihag niya ako ng walang katulad at halatang ganoon din ang nararamdaman niya sa akin kung huhusgahan ako sa paraang sinusundan ako ng tingin niya. Kung tutuusin, muntik na niyang isuko ang laro namin noon sa isang pustahan sa isang underground na gambler’s den pero sa kabutihang palad, magaling siya sa pakikipaglaban gaya ng pakikipaglaban niya sa kama. Nanginginig ang katawan ko sa kakaisip lang sa pagdampi at matagal na halik niya. Umiling-iling akong pumunta sa kusina para ihanda ang aking nakaugalian na palayok ng tsaa sa umaga habang binubuksan ang aking telebisyon upang magambala ang aking malikot na isipan. Habang nakaupo ako sa sopa ay humigop ako ng chamomile tea at nanood ng balita. “…Sa ibang balita ay inihayag ni Prince Edward ang kanyang pinakahihintay na pakikipag-ugnayan kay Prinsesa Margaret. Binati ng guwapong mag-asawa ang mga bisita sa royal estate noong Martes para kumpirmahin ang kanilang napipintong kasal…” Nadulas ang tasa ng tsaa mula sa kamay ko at nabasag sa sahig habang nakatitig ako sa imahe sa screen. Si Edward iyon...ang Ed ko...Walang pagdududa ang aking mga mata. Ang Ed ko ay isang Prinsipe...at ikakasal na siya. Paano? Paano naging mali ang aking intuwisyon? Paano niya ako nagamit nang ganito? At ano ito? Ilang huling pakikipagladian bago ang kanyang malaking araw? Kalmahin mo ang iyong sarili, Rosemary. Ito ay dapat na isang pagkakamali. Hindi ba? Sa kabila ng aking mga pagtatangka na ipaliwanag ang katotohanan sa harap ng aking mga mata ay hindi maikakaila ito. Ang Prince Charming ko ay isang aktwal na Prinsipe… at pag-aari din siya ng iba. Kaya ano ang dapat kong gawin? *** Sumandal si Sarah sa upuan habang nakatitig sa tanong. Oo, ano kaya ang dapat niyang gawin? Dahil bata pa si Sarah ay mayroon na siyang dalawang hilig sa buhay: antiquing kasama ang kanyang ina at pagsusulat. Sa buong pagkabata niya ay palagi siyang may hawak na kuwaderno upang sulatan sa tuwing may inspirasyon siya. Hindi niya ngayon matukoy ang eksaktong sandali na nabuo si Rosemary Thomas ngunit naalala niya ang pagsusulat nang sunod-sunod na pakikipagsapalaran na dahan-dahang binubuo ang kanyang pangunahing tauhang babae. Si Rosemary ay dumaan sa ilang pagkakatawang-tao: isang prinsise ng mga diwata, isang piratang kapitan ng barko, kahit isang robot sa isang kakaibang outing bago siya ginawa ni Sarah na isang psychic-medium, tarot card reading, at imbestigador na siya ngayon. Natuwa ang mga mambabasa sa paghahanap ni Rosemary ng katotohanan at katarungan na kasalukuyang sumasaklaw sa anim na aklat. Noong bata pa siya, binigyan siya ng kanyang ina ng payo na ito: isulat mo kung ano ang alam mo, kaya para matiyak na ang mga pakikipagsapalaran ni Rosemary ay makatotohanan hangga't maaari, si Sarah ay kumuha ng French cooking classes, naging intern ng isang kilalang photographer, nakipagkumpitensya sa isang horse racing, tumalon mula sa ere, umakyat ng mga bundok, nag-scuba diving at naglakbay sa mga iba't ibang lokasyon at probinsiya sa Pilipinas. Natural na walang alam ang pamilya niya tungkol dito. Habang ang kanyang ama at kapatid na lalaki ay nawawala sa kanilang mga sarili sa kanilang mga computer chips, si Sarah ay naiwan sa bahay na hindi pinangangasiwaan matapos mamatay ang kanyang ina sa sakit na kanser. Nang maging pumalo ang negosyo ng kanyang ama ay lumipat sila ng kanyang kapatid sa isang bagong eksklusibong paaralan. Ang kanyang mga kaklase; gayunpaman, ay hindi naging lubos ang pagtanggap sa kanya bilnag isang dating mahirap na biglang yumaman. Sa dati niyang paaralan ay tiniis niya ang panunuya sa pagiging nerd at bookworm. Sa kanyang bagong paaralan siya ay binu-bully dahil hindi siya pinalaki ng pribilehiyo at pagging elitista. Isang tao lang ang nagpakita ng interes sa kanya at iyon ay si Ruth Pangilinan. Bilang anak ng isang editor at publisher, ibinahagi ni Ruth ang pagmamahal ni Sarah sa mga libro at iginiit nito na basahin ang bawat pakikipagsapalaran ni Rosemary. Ang kanilang pagkakaibigan ay tumagal nang lampas sa high school at sa kolehiyo kung saan sa pagpupumilit ni Ruth ay isinumite niya ang pinakabagong kuwento ni Rosemary sa kanyang ama. Sa sorpresa ni Sarah ay lubos itong natuwa sa kuwento at gumawa ng kontrata para i-publish ito. Dahil hindi gustong kutyain ng kanyang pamilya o galitin ang mga ito, ang tanging naging kundisyon ni Sarah ay mag-publish siya sa ilalim ng isang pseudonym at manatiling hindi nagpapakilala. Si Ruth at ang kanyang ama ay nabigo dahil ang mga pagpapakilala sa may-akda ay ang gulugod ng anumang kampanya sa libro. Sinabi ni Sarah na maaari pa rin siyang magpakita nang hindi nagpapakita ng kanyang mukha at nakasuot ng wig. Walang katapusan ang imahinasyon ni Ruth at magkasama silang lumikha ng kanyang katauhan. Dahil ang kwento ay isinulat sa unang tao, pinili ni Sarah ang penname na Rosemary Ceniza at ginawa ang kanyang hitsura upang gayahin ang karakter hangga't maaari. Itim ang buhok ni Rosemary kaya namili sina Sarah at Ruth ng tamang wig para matakpan ang tila mais na buhok ni Sarah. Upang itago ang kanyang mukha ay nakakita sila ng isang pares ng salaming pang-araw na may malawak na pabilog na lente. Sa mga paglilibot sa libro, nagsuot siya ng matitingkad na pulang kolorete at iba't ibang uri ng mga damit na makikita lahat sa mga tindahan sa kalye at mga ukay-ukay na tindahan. Madalas sabihin ni Ruth na kapag nasa karakter ni Rosemary si Sarah, kahit ito ay nahihirapan na makilala siya. Sa pamamagitan ng bagong itsura at pagpirma ng kontrata, si Sarah ay maaaring mag-enjoy sa mga bunga ng kanyang pagsusulat ngunit kailangan din na kailangan din na matiyak na ligtas ang kanyang pagkakakilanlanan at tanging tatlong tao lamang sa planeta ang nakakaalam ng katotohanan. Ngunit kahit si Sarah ay hindi napagtanto kung gaano naging sikat si Rosemary. Ang unang libro, "Ang Foxglove Files" ay pumailanlang sa numero uno at ang mga mambabasa ay humiling ng higit pa. Ang kanyang unang libro ay medyo pang-international na naganap sa isang mataas na paaralan sa New York at hindi lamang nakuha ang kanyang karanasan sa high school bilang isang mag-aaral kundi bilang sa kanyang panahon bilang isang guro ng mag-aaral. Para sa susunod na labas ni Rosemary, gusto ni Sarah ang isang bagay na mas kakaiba. Sa anim na numero sa kanyang bank account mula sa mga tseke ng royalty, nagpasya si Sarah na magtungo sa Paris upang tuklasin ang lungsod at kumuha ng mga klase sa French cuisine, nagtatrabaho sa isang panaderya bago makipagkaibigan sa isang kilalang photographer na nagturo sa kanya ng mga pangunahing kaalaman. Ang lahat ng kanyang pananaliksik ay naging inspirasyon sa kalaunan, "Ang Manchineal Scheme." At kaya nagsimula ito, ang kanyang mga pakikipagsapalaran ay naging kumpay na magpapasikat lalo kay Rosemary. Minsan mahirap ihiwalay ang kanyang realidad sa kanyang karakter. Marahil iyon ang dahilan kung bakit nang humingi ng pag-ibig ang mga tagahanga ay tumugon si Sarah sa mapagpahamak na pag-iibigan nina Edward at Rosemary. Ngunit kailangan ba itong mapahamak? Kahit wala siyang masayang pagtatapos baka kaya itong makamit ni Rosemary? Saan natatapos ang linya sa pagitan ng pantasya at katotohanan? Wala pa ring sagot si Sarah. Ngunit patuloy siyang nagsusulat at umaasang isang araw ay mahahanap niya ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD