Chapter 2

1611 Words
AFTER I ATE DINNER sumunod na ako sa assistant o sa butler nya papunta sa opisina nito. Nang makarating na kami sa tapat ng pinto nito agad niya iyong binuksan at bumungad sakin ang hindi masyadong maliwanag na silid yung tama lang ang liwanag kumbaga, may iilang bookself na kasing taas ko lang na puno ng libro kaso hindi romance novel kundi for educational purpose. May mga furniture na halatang mamahalin. Nang tumingin ako sa likod ko nawala na yung kasama ko. Habang tumitingin— tingin ako biglang na lang may tumikhim sa likod ko hindi ko masyadong maaninag ang kanyang mukha niya sa kadalhilanang malabo na ang mata ko at masyadong madilim sa parteng iyon. Halos ipikit ko na ang mata ko kaso mas lalo lang ako walang nakita medyo tanga ako sa part na yon hayss. "Hi" nahihiya kong sambit. "Bakit mo nga pala ako pinatawag?" tanong ko. "Ayaw mo bang makita at makilala ang mapapangasawa mo?" balik na tanong nito. " habang papalapit sa akin. GaGo mhie yung panty ko baka na hulog na ang lalim ng boses nya at in fairness ang tangkad niya. Bumibilis rin ang t***k ng puso ko at hindi ko alam kung bakit. " Oh tapos" sagot ko rito nang makabawi sa pagkawala ko sa reyalidad. Na una siyang lumakad papunta sa mesa nya at umupo duon. At duon ko lang din naaninag ang kanyang napakagwapong mukha. Sandali parang may kamukha siya? tanong ko sa sarili ko. "Why are you so quiet?" "You look familiar." "Huh?" " Naalala ko na, ikaw Yung lalaking sumagasa sa kotse ko! " sigaw ko rito ng maalala ko ang ginawa niya sa sasakyan ko Ang kawawa kong sasakyan regalo pa iyon ng aking ama nang grumaduate ako tapos binangga niya lang. "Don't worry, you can use any car we have here, your wife, after all," he answered with a baritone voice. "Fiance pa lang, wag kang assuming diyan." pagatatama ko rito. "So why did you call me?" pagiiba ko ng usapan para makaalis na ako rito at makapagpahinga na. "I called you to sign this" pagkasabi nito inabot sakin ang isang pirasong papel at ballpen. Magtatanong na sana ako kung ano yun nang mabasa ko ang nakasulat 'dun. "MARRIAGE CONTRACT" Binasa ko ng maigi iyon bago ko pirmahan nang pagkatapos non may inabot ulit siyang isang papel. Naguguluhan akong kinuha ito at binasa. Ngayon asawa ko na siya. We were married through the paper, not in front of God. I can't believe may asawa na ako. parag kailan lang nakikipagaway pa ako sa mga ex ng best friend ko. "RULES" "Para saan to?" pagtataka kong tanong kung bakit kase kailangan pa ng rules yan paaralan ba to? "Kailan yan para hindi masira ang pangalan ko kung may gagawin kang katangahan" mahabang lintanya niya habang walang emosyon ang kanyang mga matang nakatingin s'akin. Mga matang nakakatakot titigan na parang sinusuri ang aking magiging reaksyon at para bang may pinapahiwatig ito. Sa tagal kong pagtitig sa kanya bigla itong tumikhim kaya ibinalik ko ang tingin sa papel na hawak ko at inumpisahang basahin. *RULES* 1. DON'T YOU DARE TO CHEAT "Wow mukha ba akong manloloko" tanong ko sa sarili ko ng mabasa ko ang unang panuntunan niya. Hindi pa ako nagkakaroon ng nobyo manliligaw oo pero palagi ko lamang nirereject kase hindi pa ako handa sa relationship na banyan syaka study first ako. 2. DO NOT BRING A MAN TO MY HOUSE "Kahit kaibigan bawal?" tanong ko sa kanya ng mabasa ko ito. Tiningnan niya muna ako bago sumagot ng "oo". 3. GIVE ME A CHILD Biglang uminit Ang pisngi ko nang mabasa ko ang ikatlo ibibigay ko ang pagkabirhen ko... Hindi pwede hindi ako papaya— Nabalik ang aking ulirat nang simula niyang i—explain ang nakasulat dito. "It's just. There are 3 rules. I hope you follow them first. Don't cheat, and I will do the same thing. Secondly, don't bring a man here. It's okay if he is your brother and your father, and I need a child to inherit my riches if I die " while looking at me seriously. " Don't worry I will follow the rules you made" sagot ko rito habang nakatingin sa kanya ng diretsyo kahit kinakabahan. NAKAHIGA AKO NGAYON SA KWARTO ko at iniisip ang mga nangyari pero hindi ko nalimutan ang isa sa kanyang mga panuntunan niya, ang pag bibigay sa kanya ng anak. Naalala ko kanina habang papunta ako sa kwarto ko rito namumula na ang aking pisngi dahil sa kung ano anong imahinasyon ang aking nagagawa. Nang makasalubong ko ang isang katulong tinanong kung bakit ang pula ng pisngi ko hindi ko ito na sagot at yumuko na lamang dahil sa malilikot kong imahinasyon. Anong oras na hindi pa rin ako makatulog nauuhaw na rin ako. Pababa na ako ng may narinig akong nagsisigawan sa hindi kalayuang kwarto pinuntahan ko ito ng may lumabas na babae ron at tiningnan ako. "Sino to?" tanong ko sarili ko. Wala pang ilang oras nagche—cheat na siya kakasabi Niya lang ah. Tiningnan ko lang din itong babaeng dahil nagtataka ako kung bakit ang kaninang galit niyang mukha napalitan ng isang malapad na ngiti. "What the hell ate ano ba kase kailangan mo" sigaw ni Sean pagkalabas ng kanyang kwarto. Napalingon rin ito saakin ng mapansin niya nakatingin sakin ang kanyang kasama. Magkapatid pala sila wala pa akong alam sa buhay Niya at nangangapa pa lamang ako. Nandito kaming tatlo sa sala. Ang ate nya ang nakaupo sa single sofa at kaming dalawa naman ay nasa mahabang sofa. Kinakabahan ako sapagkat ito ang unang beses na nakita ko ang kanyang kapatid. "Hindi mo man lang ako ipakikilala sa asawa mo" panimula nito. Sabagay may point siya bakit hindi niya ako ipakilala sa ate niya. "Why would I? baka kung saan mo pa siya dalhin no wag na lang" sagot nito habang walang emosyong nakatingin sa nakakatandang kapatid niya. Ngunit hindi ito pinansin ng kapatid at patuloy lang itong nagpakilala sa kanya. "Savannah Sandoval, Avah for short" niyakap ako nito at ako naman ang nagpakilala sa sarili ko. "Rachelle Jane De Luna, chelle for short and nice to meet you" "So you're the heir of DE LUNA Empire and my brother f—" Hindi na pinatapos ni Sean si ate Avah ng mag salita ito. "You are very noisy" sabat nito. na ikinatahimik naming dalawa. "Alam ba ng mommy at daddy to Tristan" tanong nito upang mabago ang usapan natakot ata ito sa nakababatang kapatid dahil sa halata na rito ang pagkainis. "Yeah, and please don't call me Tristan." "Alam mo ang panget mo kabonding. Alam ng parents natin at mga kaibigan mo tapos akong sarili mong kapatid hindi mo sinasabihan what if umiyak ako dito. Sakit mo sa heart ah" mahabang lintanya niya hindi ko alam kung maaawa ba ako o matatawa dahil yung reaction kase ng mukha niya nagpapaawa ba o nagpapatawa. "What do you need?" Yan na lamang ang tanong ni Sean sa nakatatandang kapatid at hindi pinansin Ang pag eemote nito."My boyfriend cheated on me and I wanted them to be punished" she answered, while her eyes couldn't find any emotion. "Rachelle, go back to your room" Sean said. ma—awtoridad na utos nito sa akin. Sumunod na lamang sa utos nya sapagkat ayokong mapalayas dahil gabi na rin. Nagtungo ako sa aking kwarto nag search nalang kay pareng google. Si google ang kasama ko mula noon hanggang ngayon. Sinimulan kong magtipa sa'king keyboard ng pangalan ni Sean. "Sean Tristan Sandoval" unang lumabas si Wikipedia dito nakatala ang mga detalye ni Tristan. He was born on February 29, 1992, and he is already 31 years old now, but he looks 25. Ang unfair talaga ng earth ako 25 year old pero mukhang 30 year old sabi ni Joanna na mas mukha pang 35 years old. eme pero true yon. His parents started their company in the year 1985. He has an older sister's name, Savannah Sandoval. Tatlong taon lang ang tanda ng ate niya sa kanya pero mas mukha siyang bata kaysa saakin.Their parents'names were Cherryll and Alexander Sandoval, pangalan pa lang expensive na. When I look at their photos, mapapasabi ka na lang na ganda ng lahi nila. They look so expensive yung tipong sasabihan ka ng ito sampung milyon layuan mo anak ko huhuhu. I looked at some details about him and I could believe what I saw. He became a business tycoon when he was 25 years old and was also known as the younger millioner in his hometown. Sana all para sa kanya. At the age of that, he became successful on his own. Samantalang ako umaasa ako pa ako sa aking mga magulang sa edad na bente tapos siya nagpapatakbo na ng kumpanya. He also graduated from Ateneo Manila as Summa c*m laude in both law and business. Sana all Summa c*m laude samantalang ako basta makasurvive lang. Ang hirap kaya ng business management kailangan tama yung nakompyut mong balance yung iba sumobora ng .5 huhuhuhu. I can't believe it. So he is a lawyer. I thought he was just a business man. At ang dami niya na rin siyang cases na nahawakan at lahat ng iyon ay naipanalo niya. Wow ang galing para akong proud nanay dito. So let's move on. Hindi ko na siya kinekeri matutulog na lang ako pero bago yun kailangan ko muna mag-skin care, ayokong mamatay ng panget at kahit ganda na lamang ang ambag ko sa pamilyang ito. Kaya naman pala ni lord gumawa ng ganyan ka-gwapo at katalino bakit hindi niya ako binayayan ng talino. hysss ayoko na makatulog na nga lang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD