I was in my room when my yaya came.
"Miss pinapatawag po kayo ng mommy nyo" yaya said.
"why?" I ask.
"may sasabihin daw po." sagot nya." okay susunod ako." pagkaalis nya nag ayus na ako at handa ng bumaba.
"Mom bakit nyo po ako pinatawag ?" tanong ko ng makita sila sa sala ano kaya meron.
"Oh you're here.. so ... sit down at may sasabihin kami ng daddy mo." mom said. I sit on the single sofa.
"Ano po ba yun mom dad?"
" kailangan mo nang mag pakasal. I know it is not easy but you need to get married" Sabi ni dad. "at kailangan mong pakasalan si Mr. Sean Tristan Sandoval sya ang makakatulong para di tuluyan ma bankrupt ang company naten para din nman ito sayo at sa company naten." dugtong pa ni mommy. OH MY GOD I can't believe it. Ayoko pa makasal I'm still young at marami pang pangarap.
"Mom Dad nagbibiro kayo Hindi ba, hindi totoo yun jinojoke niyo nanaman ako e-" pinutol ni dad sa sasabihin ko
"Hindi ka namin binibiro seryoso kami and you need to get married as much as possible" Dad said.
"Pero dad, I don't know what if he hurts me. Dad alam ninyong ayoko pa mag pakasal. Syaka Ang kasal ay sagradong kasal ayoko matali sa hindi ko kilala lalo't di ko mahal." Sabi ko.
" alam namin yun ito nlang talaga Ang paraan para maisalba ang company pinag hirapan ng lolo at lola mo we need to do this dahil ayaw namin masira Ang kinabukasan niyo ng kapatid mo."
"Pero mom-" putol ni mommy sakin
"wlang ng pero pero mag papakasal ka sa ayaw o sa gusto mo" Saad ni mommy
"bumalik ka na sa kwarto mo "Saad ni daddy. Wala na ako nagawa lahat ng gusto nila sinusunod ko naman. umalis na ako at dumiretsyo sa kwarto ko bakit ganyan sila sakin.
"Ate okay ka lang" napatingin ako sa bunsong kapatid ko.
"Okay lang nman si ate" okay ba tlaga ako. Yan Ang lagi kong tanong sa sarili ko.
"I know you're not okay, I saw you with mom and dad arguing."
"Sorry nakita mo pa yun" pag umanhin ko ayaw nya kaseng may nakikitang nag aaway.
"tapos na ba assignment mo?" pag iiba ko ng usapan "kung tapos ka na matulog ka na gabi na rin maaga ka pa bukas okay"
"Okay ate pero sa pagkakaalam ko Saturday bukas"sagot nya at may nakakalokong ngiti. napatingin nman ako sa calendar dito sa kwarto ko.
"Oo nga no hahaha" sagot ko at napakamot sa ulo.
Napatingin kami sa pintuan ng bumukas ito. Si mommy lang pala." Yes mom ano po kailang nyo" tanong ko kay mommy
"Randy go to your room mag uusap lang kami ni ate okay" Saad ni mommy na syang pag tango ni Randy. Pag kaalis ni Randy tumabi si mommy sakin. "Sorry 'nak nabigla ka ata namin ng daddy mo. Ayaw naman namin ito. Yun nlang kase ang paraan para maayos Ang buhay mo at ang kumpanya." pag hingi ng tawad ni mommy ganyan lagi siya pag may gusto sila na ayaw kong gawin. Tahimik lang ako habang nakikinig kay mommy
"Gusto kase ni Mr. Sandoval na magpakasal sayo kapalit ng tulong upang di ma bankrupt ang company naten." dagdag nya pa.
" sorry rin po mommy sa pag sagot ko kanina" pag hingi ko rin ng tawad alam ko naman na iniisip lang nila ako at ni Randy ang magiging buhay namin.
"Alam mo ba napakaswerte namin sayo"
"po?"
"napakabait at mapagmahal kang anak di ka nag sasawang sundin lahat ng utos namin kahit alam kong ayaw mong gawin ginagawa mo pa rin." nakakagulat lang ngayon lang nag sabi si mommy skin nito nakakatuwa.
"pero anak sana gawin mo to last na tlaga to." pagkukumbinsi sakin ni mommy
"Okay po mom wala nman ako magagawa" sagot ko.
"matulog ka na. kailangan maaga kang magigising bukas sususnduin ka na nila wag kang mag alala alam kong aalagan at babantayan niya nag promise sakin si Mr. Sandoval na pagnagpakasal ka sa kanya poprotektahan niya at tutulungan nya Ang company naten basta promise mo sakin wag kang gagawa na kahit ano na di nya gusto okay masyado Yun masungit at parang galit sa mundo hindi sya tulad mo na laging ng positive sa buhay. Kaya anak kahit anong mangyari nandito lang kami okay." pag papaalala sakin ni mom. so ibig sabihin magkaiba ang paniniwala namin.
"okay po mom naiintindihan ko po alam ko pong lagi nyo iniisip Ang magiging buhay namin ni Randy ." sagot ko
"aayusin ko lang po mga gamit ko para di nako mag aayus bukas." dagdag ko pa
" magkatapos mo mag impake matulog ka na okay" bilin ni mommy sakin
"Okay", before mommy left the room, she kissed me on the forehead and then left.
Tulad ng sabi ni mommy pagkatapos ko mag impake nahiga na ako sa kama at tinawagan si Joana. Joana has been my best friend since we were kids.
"hi Joana" bati ko ng sagutin nya ang tawag ko."kamusta ka na" dagdag ko pa
"okay lang nman chelle - Joana sino yan?" rinig kong Sabi sa kabilang linya. Sino yun." Si Rachelle best friend ko" sagot ni Joana sa kausap nya. Sino naman kaya yun.
"Hoyy Joana sino yan?!" pagalit kong tanong. "Si Steven boyfriend ko" sagot nya."Di ko alam may boyfriend ka na?"
"Ikaw lang naman Ang single sa barkada". tss
"napakaepal mo.. oo nga pla Kaya pla ako tumawag kase may sasabihin ako".
"Ano yun kinakabahan ako ha ano sasabihin mo may manliligaw ka na ba o boyfriend o ikakasal ka na? "
"nahulaan mo ang talino mo talaga" Saad ko " ikakasal na ako pero di ko kilala kung sino yun eh" dagdag ko pa
"Joke ba yan napatawa mo ko mga lima HA-HA-HA-HA-HA"
"Mukha ba ang nag jojoke susunduin na nila ako bukas hays"
"Nasabi mo na ba sa barkada yan?"
"Di pa.. ikaw magsabi sa kanila kailangan ko ng matulog"
"Okay matulog ka na ako na bahala sa kanila magsabi okay goodnight bye"
"bye" pag katapos kong paalam pinatay ko na Ang tawag at natulog .