CHAPTER 12

1852 Words
I'm still silently quietly hoping You'll end up with m- Darren Espanto. *Jhoanne* "Hello good morning, Jhoanne speaking." Biglang hablot ko sa telepono nang magring ito. "Jho, this is Janine. I need your help.. No, I really REALLY need your help please." Nagmamakaawang sabi nito sa kabilang linya. "Are you okay? What can I do to help you?" Nag-aalala namang sabi ko. Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan. "Nandito kasi ako sa isang boutique pumipili ako nang gown pero kasi gusto kong malaman yung opinion mo. Ito kasing kasama ko I hate her you know who's I'm talking about. So I need your opinion dahil yung mga staff dito sinasabi maganda naman lahat at bagay saakin although tama naman sila pero kasi basta.... Pwede bang pumunta ka dito I really need you." Mahabang paliwanag naman nito kaya natawa naman ako bigla sakanya. "Okay sige, just calm down I'll be right there." "Thank you and by the way pinapasundo na kita sa driver ko. Bye." "Grabe ah, hindi ka naman prepared noh." Luko talaga ang babaeng to. Lumabas naman ako nang office para ipahandle saglit ang mga gawain. "Tawagan mo na lang ako kung may problema okay." Sabi ko sa inaassigned kong isa sa mga staff wala kasi ang secretary ko nag-off siya hindi ko naman pwedeng tawagan siya dahil day-off niya yun. Kawawa naman "Yes po ma'am" "Thank you" Paglabas ko nang shop ko may nakita akong kotse. Ito na siguro yung sinasabi ni Janine. Kumatok naman ako sa bintana para tanungin kung siya nga yun pero pagkababa nito nang bintana iba ang iniexpect kong sasalubong saakin. "Hop in." maikling sabi niya at binuksan ang pinto nang passenger gamit ang remote nito. Wala na akong nagawa kundi pumasok na rin. Medyo ackward pa dahil ang tagal naming hindi nagkita. Gusto ko sanang magtanong pero itinikum ko na lang ang bibig ko. Buti na lang at tumunog ang phone ko nakita ko naman si Janine ang tumatawag. "Buti na lang napatawag ka. Okay ka na ba?" "Hindi pa rin hanga't nandito itong babaeng ito. Naiinis na kasi ako kanina pa sakanya halos kontrahin niya na lahat nang suggestion ko hindi naman siya ang ikakasal kaya naasar na ako. Hindi ko lang siya mapagsalitaan nang masama baka magsumbong at baliktarin ang sasabihin ko." "Ganun ba, Sige malapit naman na kami diyan. Pero may atraso ka pa saakin. Humanda ka." Pagbabanta ko tumawa naman ito. "Ha? Paano naman ako nagkaroon nang atraso sayo babae ka. Ang naalala ko lang naman pinasundo kita dito." Painosenteng sabi nito. "Exactly. Bakit hindi mo sinabing siya yung driver?" Inis na sabi ko. "Bakit ba? Saka kung siya man ang sinabi ko baka tangihan mong magpahatid kaya hindi ko na lang sinabi. Bakit nga kasi? Wag mong sabihing affected ka pa rin." "Hindi no, sige na bye." Ibinababa ko naman ang phone ko at nilagay sa shoulder bag ko. Tahimik lang ang byahe namin hanggang sa magsalita ito. "Ganun mo ba ka ayaw na makasama ako sa iisang lugar." Biglang sabi nito kaya naman medyo nagulat ako. Hindi ko alam ang sasabihin ko. "Hindi sa ganun.. Nagulat lang ako." Tumingin naman ako sakanya. Ano ba mag-isip ka ng sasabihin mo Jho. Baka maisip niyang affected ka pa rin kahit totoo. "Bagong kotse mo ba ito?" Really Jho, yan talaga ang itatanong kailan ka pa nagkaroon ng interest sa mga kotse. "Yah, why?" tumahimik na lang ako wala naman akong alam sa kotse bakit kasi yun pa ang naisip kong itanong. Bakit feeling ko naiinitan ako dito sa kotse niya. "Hey, stop that." Biglang sabi nito. "Huh? Ang alin?" "Kinikiskis mo na naman yang ngipin mo. Naririnig ko. Hindi ka na naman ba komportable?" "Sorry, sa bad habit ko." "It's okay, you look tense. Ang dali mo talagang mabasa." "Wag mo na ka kasi akong kausapin. Hindi talaga ako komportable sayo." "Bakit? Still affected?" tukso nito saakin kaya natahimik na ako. Bakit ba affected pa rin ako sakanya? Paano ba mawawala ito? Siguro dahil wala kaming matinong closure. Tama! Kailangan na talaga namin ng closure para matahimik na kaming pareho. Kaya isa rin na hindi ako nagpapaligaw dahil hindi pa bukas ang puso ko dahil marami pa akong problema. Nasasabi kong magsingungaling sa ibang tao pero sa totoo hindi talaga ako maayos. Sabi ko na puppy love lang yung nangyari pero hindi naman talaga wala namang puppy love na hindi pa nakakamove on. "Ayos ka lang? Sorry hindi na kita bibiruin ng ganun." "Tama!" huminga ako ng malalim. Inhale, exhale! Kaya mo ito. "Huh? Anong tama?" Nagtatakang sabi nito. "We need a closure" Seryosong sabi ko habang nakaharap ako sakanya. Siya naman ang natahimik. "Steven, kailangan na talaga nating mag-usap. Tama ka, affected pa rin ako. Dahil maraming tanong na sumasagi sa isip ko nung panahon na yun. Ang bata ko pa nun, pero bakit ganun agad yung binigay mong sakit. Walang warning shot. Pero siguro nga meron ng warning pero nagpakabulag ako. Sana sinabi mo na lang saakin na ayaw mo talaga ako. Bakit pinatagal mo pa? Bakit pinaglaruan mo pa ako?. Ang t*nga ko nun. Ngayon ko lang narealized lahat ng pinagkakagawa kong katangahan." Hindi ko alam na umiiyak na pala ako habang tumatawa. Ngayon ko lang uli nailabas lahat ng hinanakit ko. "Tell me, Bakit? Bakit ginawa mo yun?" mahinang sabi ko. Kinalma ko muna ang sarili ko gusto kong ihanda ang sarili ko kung ano man gusto niyang sabihn. "Natakot ako." Mahinang sabi nito. Tinignan ko naman siya at nakayuko lang ito sa harap ng manebela. "Inaamin ko nung una ang after ko lang din nun yung price na makukuha ko sa mga kaibigan ko. Pero yun lang yung mapasagot ka. Hindi kasama doon yun kung hanggang kailan tayo maghihiwalay. Trinay kong panindigan nung sinagot mo ako kahit nung una nag-aalangan ako dahil never pa akong nag-girlfriend. Nung una hindi ko siniseryoso. Dahil ano nga bang alam ko diyan?. Hinihintay ko nga lang ikaw na mismo ang makipagbreak saakin pero hindi nangyari yun dahil tiniis mo ako tiniis mo yung ugali. And that time it knocked my senses madalang lang akong makaincounter na matitiis ang pag-uugali ko even my family hindi nila kayang ihandle ang pag-uugali ko. So I started to like you hanggang napapansin ko sa sarili ko may nagbabago. Yung sabi nila may naging maganda ang idunulot nito saakin. Pero alam mo kung ano pa yung isang nagbago saakin na ayaw kong nararamdaman? Yung pagiging seloso, hindi ko alam kung napansin mo dati na kahit sa maliliit na bagay madali akong maiinis. Lalo pag hindi ka nakakapunta sa practice ko, sa laro ko, sa gig ko at sa iba't iba dahil marami kang dahilan. Hindi ko alam kung saan ka nagpupunta? Naisip ko marami pa pala akong hindi alam tungkol sayo pero pagnagtatanong ako hindi mo sinasagot ng matino. Sometimes I felt your lying to me." "Minsan naalala mo nung gusto kitang ihatid pero sabi mo may magkasama kayo ng pinsan. Sinundan kita nun pumunta ka doon sa gusto mong puntahan nun. May kasama kang ibang lalaki nun I thought your cheating me already. Hindi ko masabi ko nun kaya dinamdam ko na lang yun. Kaya naisipan kong gumanti sayo. I think of a childish thing ever. Pinakita ko rin na hindi lang ikaw ang pwedeng manlalaki. Kaya ko ring mambabae akala ko magagalit ka nun pero tahimik ka lang walang sinabi kaya lalo akong naiinis. Hindi ko alam kung yun ba talaga ang ugali mo." Bigla namang naalala ko yung sinasabi niya. "That day ng makita mo ako sa sinasabi mo. I was so stressed kaya gusto kong kumain tayo doon kaso hindi ka pumayag kaya nagsinungalin ako sayo na hihintayin ko ang pinsan ko. Naiisip ko ayaw na kitang istorborhin baka magalit ka uli saakin. Kaya punta ako dahil gusto kung ilabas yung problema ko kahit pansamantala lang. May lumapit saakin nun at nakipagkwentuhan saakin nilabas ko yung mga hinanakit nun na dapat ikaw ang kasama ko ng mga oras na yun." "Bakit hindi mo sinabi saakin yung mga problema mo?" "Di ba nga busy ka sa mga ginagawa mo nun. Di ba nga ikaw pang nagsabi saakin na nakakaistorbo ako. Gusto kong magalit at magselos rin pero hindi ko kaya dahil kung tutuusin mas una mong nakilala yung mga nakagisnan mong mga ginagawa kesa saakin na pinagpilitan lang ang sarili. Ayokong alis yun sayo, ayokong pag-awayan pa natin yun." "Pero wala eh, hindi pa rin nagwork. Kahit gaano ang pag-iintindi ko." "I'm sorry naging G*go ako sayo." "What about yung narinig nun sa room niyo yung pinagpustahan niyo uli ako kung kailan tayo magbrebreak?" "Yun ba? Sinabi ko sakanila yung problema ko naaalis na ako at hindi ko pa nasasabi sayo. Natakot ako sa magiging reaction mo baka tuluyan ka ng makipagbreak saakin hindi pa ako nakahanda ng araw na yun. Nakakabanding isipin pero hindi ko pinaghandaan ang araw na yun. Sinabi ko lang sakanila na makikipagbreak na ako pero maniwala ka man o hindi wala akong balak. Baka kasi kahit nasa malayo ako pwede pa ring magwork yung relasyon. Pero pinagkatuwaan nila ak, hindi ko naman alam kung seryoso sila doon" "Pero hindi ko inaasahan na rinig mo pala lahat. I already have a hunch na baka ito na nga yun. So I tried to explain pero sarado ang isip mo kaya hinayaan na lang kita and that was my biggest mistake. Nakiusap pa ako sa daddy ko na iwanan na lang nila ako dito sa bansa. Para sana ayusin pa yung pag-aaway natin pero hindi na pumayag si Dad nun kaya masakit sa loob ko nun. Nagrebelde ako sa kanya baka sakaling pauwiin niya na ako sa Pilipinas. Pero hindi nangyari so we have an aggreement na kailangan kung ayusin ang pag-aaral ko at pauuwiin niya ako pero nung bumalik ako wala ka na. We were college already kaya hindi ko alam kung saan ka nag-aaral. I tried to contact our school kung may alam sila na pwede mong pasukan pero wala. Wala rin akong mapagtanungan na mga kaibigan mo kasi wala ka namang kaibigan nung time na yun. Naalala ko rin ang pinsan mo pero wala rin akong contact kaya trinay kong ireseach siya dahil wala ka namang account but I failed again. Muntik muntikan pa akong mawalan talaga ng pag-asa pero nung nakita kitang nag-audition sa isang reality show nagtaka ako kung bakit nandoon ka. Pero naiisip ko marami pala talaga akong hindi pa alam tungkol sayo." Tahimik lang kami walang nagsasalita. Pinapakiramdaman ko lang siya hindi ko alam ang sasabihin ko. Alam kung sinsere siya sa mga sinabi niya pero nahihirapan akong paniwalaan lahat ng yun. "Hindi ko hinihitay na patawarin mo agad ako pero hihintay kong patatawarin mo pa rin ako." Tamik lang ako hangbang tahimik rin ang luha kong bumabagsak.  "Ihahatid nakita pauwi, maiintindihan ka naman ni Janine." Hindi na ako nagsalita pa. hindi ko alam kung ano pang sasabihn ko. Wala na rin akong lakas na humarap kay Janine. Hindi ko alam kung anong mamangyari ngayon pagkatapos nito. Are we gonna be stranger again?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD