CHAPTER 6

1231 Words
There goes my heart beating Cause you are the reason –Calum Scott "Good morning ma'am...." Bati ni Jenny pagkapasok ko ng shop pero bigla naman itong natulala dahil siguro sa kasama ko ngayon. Nakatanga lang ito at nakangiti sa kasama ko akala mo kung sinong nakakita ng anghel. "Good morning sir.. How can I help you?" Ngumiti naman ito kay Jenny kaya ang pobreng assistant ko mukhang mamamatay na. "Jenny, pwede bang iwan mo muna kami dito. Walang bibilhin yan dito." Tumango naman ito, pero mukhang may gusto pang itanong pero itinikom na lang nito ang bibig. "Hoy ikaw lalaki, ngayong nakita mo na ang office ko. Sinasabi ko sayong maboboring ka pa rin dito." Inis na sabi ko. Nagpilit kasing sumama saakin. Wala daw kasi siyang magawa sa Unit namin kaya ito sumama siya. "I don't think so. Kung gusto mo tutulungan na lang kita sa mga ginagawa mo." Nakangiting sabi nito. "Ano namang alam mo sa pag-aarrange ng mga bulalak aber." Nakapamewang kong sabi. "Di turuan mo ako, problema ba yun." "Ewan ko sayo, wag kang magulo rito dahil medyo busy kami ngayong araw na to." Pumunta naman ako sa table ko at inumpisahan lahat ng nakatambak na gagawin. Nakita ko naman itong umupo sa sofa at naghalungkat ng mga magazine. Bahala siya diyan winarningan ko na siya kanina. Minsan tinitignan ko kung anong ginagawa niya hindi rin tuloy ako makapagconcentrate dahil hindi ako sanay na may tao sa loob opisina lalo na at lalaki pa. Sa totoo lang hindi ko alam mag-entertain ng bisita. Nakita ko naman nililibang nito ang sa sarili sa kung anu-anong bagay. Minsan makikita ko pa ito tatayo at maghahalungkat. Hindi naman siya pwedeng lumabas dahil baka maraming makakita sakanya. Buti nga kanina si Jenny lang ang nakakita. Alam rin ng mga kasama ko na nandito siya for sure pinagkalat na niya doon. "Masyado ka naman atang seryoso diyan sa ginagawa mo." Nagulat akong bigla ng may nagsalita sa likuran ko napaharap naman ako pero mali pala desisyon yun dahil malapit lang ito siya saakin. Ngumiti naman ito kaya hindi ko pinahalatang kinakabahan ako sa paglapit niya. "Wag ka ngang nang gugulat. Ano bang ginagawa mo dyan?" Inalis ko ang tingin ko sakanya at binalik sa ginagawa ko. "Akala ko kasi napansin mo ako na pumunta sa likuran mo. Hindi ka pa ba kakain maglulunch break niyo na." Napatingin naman ako sa relo ko. Hindi ko namalayang lunch na nga at kanina pa ako nakaupo dito. "Nagpaorder na ako ng pagkain. Hintayin na lang natin ng kunti." Maya-maya pa'y nakita ko namang pumasok ang assistant ko kaya napatingin ako sakanya. "Ma'am nandito na yung order niyo." Tumango naman ako. Nilapag naman nito ang mga pagkain sa table. "Sige, ma'am alis na ako." Hindi na ako nakapagpaalam pa dahil masyodo nakatutok ako sa ginagawa ko at alam naman nila pag ganun ang akto ko sakanila ayaw kong iniistorbo ako. "Tara kain na tayo." Hindi ko pinansin ang sinabi ni Steven pero tinawag nanaman ako nito kaya napatingin ako sakanya. "Sige, mauna ka na. tatapusin ko lang saglit ito." Hindi ko na siya pinansin pa dahil busy ako sa ginagawa ko. Bigla naman akong nagulat ng may kumuha ng ginagawa ko kaya napatingin ako sakanya. "Ano ba!" Inis na sabi ko. "Kumain ka muna. Saka mo na ito makukuha kung nakakain ka na." Kinuha nito ang folder na may lamang nang mga sinusulat at penipermahan ko kanina at dumiresto ito sa mini sala ko dito sa opisina. Marahas na napabuntong hininga naman ako ng malakas. Dahil hindi ako sanay na hindi natatapos ang mga gawain ko. Kaya nasanay na ang mga tao dito saakin kung sakaling hindi na ako nakakain dahil walang nakakapagdikta saakin.Tahimik lang akong kumakain dahil gusto ko na talagang tapusin lahat ng gagawin ko. "Oh, gusto mo hindi ba." May nilagay naman itong gulay sa plato ko. Kaya napatingin ako sakanya. "Paano mo nalaman gusto ko ng ampalaya?" "I am observant." "Yung totoo." "Oo nga. Di ba ito yung madalas na ipakain mo saakin dati. Akala ko nung una inaasar mo ako dahil ayaw na ayaw ko yan na gulay. Pero yun pala ito yung gustong-gusto mong gulay." Natahimik naman ito at kumain na. Nakita ko naman kung anong kinakain nito. "Bakit kinakain mo kung ayaw mo pala. Hindi na kita pinipilit ngayon." Sabi ko. Patuloy parin itong kumakain. "Nasanay na rin akong kainin. Hindi naman gaanong mapait ah." Hindi na lang ako umimik at pinagpatuloy ang kinakain ko. Habang kumakain kami biglang nagring ang phone ko kaya tumayo ako para kunin sa table ko tinignan ko muna ang caller bago ito sinagot. "Hello couz." Nag-aalalang sabi ko, masama ang kutob ko dahil bibihira lang itong tumawag saakin kaya nakapagtataka. Dahil kadalasan pupuntahan niya ako ng personal dito sa opisina kung mangangamusta. "Jho. Ang daddy mo.... Naaksidente" Bigla naman akong nanlata sa sinabi niya. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Kung maawa ba ako or what. Pero na nalatay pa rin ang awa at pag-aalala ko. Aaminin ko hindi pa rin kami in good terms hanggang ngayon ng daddy ko pero alam kung parati siyang gumagawa ng paraan para makapag-usap kami at magkasama ng matagal. Nagkakausap kami pero hindi yung ganun sa tulad ng pamilya, pormal ko lang siyang kinakausap. "Nasaan siyang hospital?" Malungkot na sabi ko. Pinipigilan kong umiyak dahil nasa kritikal daw ito na sitwasyon. Nang sinabi niya kung saang ospital saka ko naman ibinaba ang phone ko. Para naman akong nanghihina mabuti na lang may umalalay saakin. Napatingin ako kay Steven. "Halika na, puntahan na natin ang daddy mo." Tumango naman ako. Umayos ng tayo, pero nandun pa rin yung panginginig ng binti ko pero tinatagan ko na lang. kinuha ni Steven ang gamit ko at dinala, saka niya inalalayan ako palabas wala na kaming pakialam sa mga nadaraan namin. Si Steven na rin mismo ang nagsabi sa Assistant ko ang nangyari dahil wala akong lakas na magsalita. Pagdating namin sa sinabing Hospital ng pinsan ko tinanong ko kung saan ang daddy. "Nasa ER pa po ang pasyente. Puntahan niyo na lang po doon. Nandun na rin yung mga pamilya niya." Tumango naman kami at nagpasalamat. Nakita ko naman ang tito at tita ko na nasa labas ng ER na nakatayo kaya tumakbo ako palapit sakanila nandun rin ang pinsan ko. "Tita, Ano pong balita?" Nag-aalalang sabi ko. "Ooperahan ang daddy mo. Malakas ang pagkakabang ng kotseng minamaneho niya at 8 wheeler truck ang nakabungo sakanya. Nagpapagaling ang driver ng truck at ang daddy mo naman nasa critical na konsisyon. may chance pa na putulin ang kanang binti niya." Umiiyak na sabi ni tita. Napatakip naman ako ng bibig ko dahil sa sinabi niya. Umupo naman kami sa may waiting area. "Lakasan mo lang ang loob mo, gagaling rin ang daddy mo. Tinawagan ko na rin ang mga kaibigan mo papunta na sila dito." Napatingin naman ako sakanya. Nakita ko kung gaano rin siya ka concern sa sitwasyon ko ngayon kaya naiiyak tuloy ako. "Thank you sa pagsama saakin ngayon Steven." bukal sa loob kong sabi. Hindi ko alam pero siya na lang parating kasama ko tuwing may masamang nangyayari. baka masanay na ako na nasa tabi ko parati siya yun ang kinatatakot ko. Baka kasi isang araw siya ang hanapin ko kung sakaling may problema uli ako at wala na siya. to be continued....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD