PROLOGUE

1261 Words
The best days will be some of my worst- The script Paakyat na akong 4th floor dahil ako na mismo ang susundo sa boyfriend ko. Antagal kasi niya sabi niya hintayin ko raw siya sa classroom ko kapag uwian ko kaso mag-iisang oras na akong naghihintay doon pero wala pa rin ito. Alam kong wala na itong klase dahil makapareho lang naman kami ng schedule saka high school palang kami kaya magkakasabay ang uwian naming lahat. Pero kahit man lang text wala akong natanggap kaya ako na mismo ang pupunta. "Ate, nakita niyo ba si Steven sa klasroom niyo?" Tanong ko sa nakasalubong kong klasmate niya. Alam kong kilala niya na rin ako hindi naman sa pagmamayabang pero kasi kilala na ako dito sa school simula ng maging kami ni Steven dahil sikat siya. May banda siya at same time varsity player rin siya ng basketball. "Ah, oo.. Nandun sila ng mga kaibigan niya nagkwekwentuhan puntahan mo na lang." sabi ni nang makilala ako. Nagpasalamat naman ako sakanya buti na lang at hindi siya yung masungit na nakausap ko. Marami rin kasi akong haters dito lalo na sa mga girls dahil inagaw ko raw sakanila si Steven nila. Duh! Anong magagawa nila ako nga ang gusto hahahaha. Pero sa totoo lang hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na ang ultimate crush ko ay boyfriend ko na. Feeling ko nga ang bilis ng pangyayari dahil nang malaman niyang gusto ko siya saka naman niya ako niligawan. Isang buwan lang niya akong niligawan para sa iba mabilis yun dahil para easy to get daw ako lalo na sabi ng pinsan ko pero anong magagawa ko nasagot ko na siya and so far so good naman ang relationship naming dalawa at tatlong buwan na namin. He is in his fourth year of high school, while I am in my third year. Dahil Valentine's day ngayon kaya magiging mabait ako sakanya. Sabi kasi niya lalabas raw kami ngayon hindi ko alam kong saan niya ako dadalhin. May tiwala naman ako sakanya at nakikita ko naman na hindi siya gagawa ng ikasasama ng loob ko. Kahit sa maikling pagkakakilala ko sakanya nagkaroon na agad ako ng tiwala sa kanya feeling ko nga kilang kilala ko na siya. Dahil na rin siguro ultimate crush ko siya at same time stalker na rin kaya ganyan pero lalo ko siyang nakilala nang maging kami marami pa akong nalaman. Siguro kaya nagkaroon rin ako ng tiwala sakanya ng pinakilala niya ako sa parents niya at masasabi kong mababait ang parent niya kaya ganun. Bubuksan ko na sana ang pinto ng biglang narinig ko ang pangalan ko na binanggit ng mga kaibigan nila. Hindi ko alam pero biglang nanlamig ang kamay ko at biglang lumakas ang kutob ko na parang may masamang mangyayari. Binuksan ko lang ng kunti yung pinto para marinig ko lalo yung pinag-uusapan nila. Buti na lamang at nakatalikod silang lahat saakin nasa sa may harap sila ng table sila ng teacher sa may harap ng blackboard yung dalawa nakaupo sa table yung isa akala mo teacher dahil naka upo sa upuan ng teacher yung iba naguyod lang ng upuan para malapit sa harap kasama na doon si Steven sa totoo lang ayaw ko sa mga kaibigan niya dahil mga mayayabang at mahangin pero wala naman akong magawa dahil sila yung tinuturing niyang mga kaibigan baka yun pa ang ikasira ng pagsasama namin. Iniiwasan kong mag-away kami kaya halos sumusunod ako sa mga gusto rin niya. Hindi ko alam pero para saakin hindi na lang ito simpleng crush lang. "Ang tagal niyo na rin Jhoanne pre ha. Mukhang hulog na hulog na sayo yun.'' Sabi ng isa sakanila hindi ko naman sila gaanong kilala pero sa mukha natatandaan ko sila. "Oo nga no, akala ko nga isang buwan lang aabutin niyong dalawa." Sabi pa nung isa. Aba bastos yun ah talagang tinataningan niya yung pagsasama namin ni Steven "Hindi nga, akala ko isang linggo lang. hahahaha." Sabi pa nung isa. Nagtawanan lang silang lahat maliban kay Steven na mukhang hindi nakikinig dahil natutok ito sa gitara niya. "Nga pala akala ko ba makikipagbreak ka na sakanya? Sabi mo nung isang buwan hihiwalayan mo na siya anong nangyari?" Sabi pa nung isang kaibigan niya. Bigla naman akong kinabahan dahil hindi ko alam na may ganun pala ang nasa isip ni Steven. Ako, hindi ko pa naiisip na maghihiwalay kami sa katunayan mas naiisip ko nga ang future na naming pero siya. Biglang napagat ako sa labi ko hindi ko alam pero sumisikip ang dibdib ko. Hindi ako makahinga. "I'm planning within this week, sasabihin ko sakanya." Maikling sabi nito at nagstrum sa gitara niya. Napakagat naman uli ako sa labi ko, So totoo nga. Hindi ko namanlayan tumulo na ang mga luha ko. Ang sakit pala paano pa kaya kung hindi ko na laman ito ngayon. Di magtutuloy yung kahibangan ko sa future naming dalawa. Ang tanga ko talaga. Nagpadala ako sa mga pangako niya sa mga salita niya yun pala wala rin palang napala. "Pustahan bukas yan makikipagbreak si Steven." Sabi nung isa. Bigla naman akong nang gigil. "Paano mo naman nasabi na bukas?" "Para ngayon dapat mag masaya mo na sila parang farewell memories, nila hahahahaha. Tapos bukas break up. Hahahaha" "G*go, dapat mga 2 days after the Valentine's para medyo hindi halata. Hahahahaha" bigla tuloy gusto ko silang suguring lahat dahil pinagkakatuwaan nila ako pero hindi ko maigalaw ang mga paa ko. "Mga G*go, ako pang nasama sa pustahan niyo. Diyan na nga kayo pupuntahan ko pa si Jhoanne sa room niya." Alam kong palapit na siya sa pinto kaya hinanda ko ang sarili kong harapin niya pwes binabalak niyang makipagbreak hindi ko siya pagbibigyan dahil ako ang makikipagbreak sakanya. "Jhoanne." Makikita ko ang gulat na rumehistro sa mukha niya pati rin ang mga g*go niyang kaibigan pero hindi ko pinansin yun. "Bakit parang gulat na gulat ka Steven. Hindi mo ba inaasahang ako ang pupunta dito or hindi mo inaasahang maririnig ko lahat ng pinag-uusapan niyo." Seryosong sambit ko sakanya alam kong nakita niya rin na umiyak ako kaya hindi siya tanga para hindi malaman na narinig ko lahat ng pinagkwentuhan nila. "Hey, hindi ganun yun..... let me explain." Natatarantang sabi niya. Hahawakan sana niya ako pero tinabig ko ang kamay niya at tinaasan siya ng kilay. "Ano pang sasabihin mo? Narinig ko naman sa sarili mong bibig na gusto mo akong i-break. So talagang matagal mo na palang plinaplano ito. Pwes hindi ako papayag na ikaw ang makikipag break dahil ako mismo ang makikipagbreak na sayo para walang mananalo sa pustahan ninyo. Break na tayo, nagsisi ako na sinagot kita, nagsisi ako na hinangaan kita at lalo akong nagsisi ng nakilala kita." Tumalikod na ako hindi ko ipapakita na mahina ako sa harap niya dahil sa totoo lang hinang hina ako sa loob ko. " Nga pala, bago ko makalimutan Happy Valentine's Day." And that is why I despise Valentine's Day. joke lang pero ngayon masasabi ko ng nakamove na ako. Nakamove na nga ba talaga ako? ****************** Author's note! Kinakabahan ako it's my first time here hope you'll like it. sorry kung maraming typo errors. beginner po. Don't hate me that much. Special dedication to Joanne my cousin, hindi nila alam itong story na ito so bahala na. Naalala ko tuloy may similarity sila ng main character na si Jhoanne char. malamang dahil sakanya ako nainspire at sa lahat kasi ng bata ko pinsan siya pinakanagustuhan kong ugali. So halos nailagay ko yung ugali nila dito sa story na ginawa ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD