CHAPTER 19: KILL THE PEST Rhys's POV "Bakit gulat na gulat ka? 'Diba meron ka rin?" aniya, nakangiwi pa siya sa akin. Napapikit ako. Akala ko ba mababait ang mga tao rito, bakit parang nahaluan ng isang pangit ang ugali. "Sige, kung gan'on naman pala... bahala ka na sa buhay mo." Hindi ko gustong kausap ang babaeng iyon, baka mag-away lang kami kapag humaba pa ang usapan. Kaya mas mabuti kung aalis na ako sa harapan niya. Napagdesisyunan ko nang bumalik sa kwarto, wala rin naman akong mapuntahan. Tingin ko naman ay patay—ibig kong sabihin... tulog na ang bwisit na lalaking iyon. "Haie!" Pagbukas ko ng pinto, ingay ng bunganga niya ang agad na sumalubong sa akin. Nakaupo pa rin sa kama, walang sign na sinubukan niyang matulog. Tumalikod ako para umalis ulit pero pinigil niya 'ko sa

