CHAPTER 88: KABAYARAN Nagpunta ang kambal sa barracks at gaya ng hula ni Shioban ay narito nga ang mga kaibigan ni Rhys. "Bakit kayo narito? Bakit hindi kayo sumama sa selebrasyon?" bungad na tanong ng savenis sa kanila. "Galing na kami r'on, Haie. Bago ka pa pumasok ay naghihintay na kami sa loob," sabi ni Cush. "Natikman na nga namin lahat ng pagkain, eh," nakangising sabi naman ni Gieve. "Narinig rin namin ang pagpapakilala sa 'yo ng Reha," ani Isha. "Umalis lang kami kasi may lalaking biglang dumugo ang ilong," sabi naman ni Cecily at tumingin sa pwesto kung nasaan si Zion. Malayo ito ng kaunti sa kanila. Kumunot ang noo ni Rhys pero hindi na siya sumagot, sinilip lang niya sandali ang duhe tapos ay ibinalik na ang tingin sa apat na kaibigan. "Kung ganoon, bakit hindi na kayo b

