CHAPTER 40 THE BILLIONAIRE'S KIDNAPPER Pagkarating sa building ni Romanoz ay bago pa man ako bumaba ay tumunog ang cellphone ko. Nakita ko ang cellphone number ni Lola Alma ang nagpakita sa screen. Agad ko itong sinagot. Naghihintay lang sa labas ng sasakyan si kuya Edgar at may katawagan. Marahil pinaalam sa piloto na narito na kami. “Lola? Napatawag ka?" “Saan ka na, apo?" Napapikit ako ng mata, sorry la, sorry talaga na kahit kayo ay hindi ko man lang nagawang sabihin ang mga bagay na makakasama sa kalusugan niyo, kaya mas mabuti ng ganito, yong tipong ako na lang ang nakakaalam kaysa madamay ko pa lalo ang Lola Alma ko. Siya na lang ang meron ako kaya kailangan kong mag-ingat sa mga sinasabi ko. “Lola, sorry po, pero parang hindi ko po kayang magpakasal sa kanya. Magalit ka man

